Chapter 18

33.2K 599 14
                                    



TAMING BENNETH
C H A P T E R - 18
Best scene.






Kalampag lang ng mga kubyertos ang tanging naririnig ko. Wala akong kasabay na kumain dahil wala akong kasama sa bahay ngayon, nasa trip si Mama at Papa. Well, pwede namang sumama pero moment nilang dalawa iyon at magiging perfect lang kung silang dalawa lang.






Binilisan kong kumain dahil sa gusto ko na lang na matulog ng maaga. Wala rin naman na akong gagawin kaya iyon lang ang plano ko. Pagkatapos kong gawin ang dapat na gawin bago matulog ay hihiga na sana ako, nagring ang cellphone ko. hindi ko alam kung bakit excited akong makita kong sino iyon. Ang totoo niyan, gusto kong makita na si Benneth ang tumatawag. Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam at kahit ako ay hindi pa din nagpapakita sa kanya. Pero sa tingin ko ay ayos lang naman iyon sa kanya dahil kung hindi ay nagpunta na iyon dito at kinaladkad ako sa unit niya. Well, masyado lang siguro akong assuming. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kaya kayo, wag na wag kayong magaassume dahil masasaktan lang kayo.




Masasaktan ka lang.







Napapailing ako sa mga pumapasok sa isip ko kaya nilapitan ko na lang ang kinaroroonan ng cellphone ko. Nagassume ako ng kalahating segundo, at pagkatapos ay namatay din agad ng makita kong si Ayola pala iyon. Sinave ko na lang ang number niya, tutal ay medyo close naman kami. Well, siguro.



"Yola?"




"Lecz! Let's go out tonight!"




Napakunot ang nuo ko. "Ahm, papatulog na kasi ako."





"Hindi mo ba ako namiss? Sige na!"




Bumuntong hininga ako. At napairap ng maisip ko ang huling sinabi niya. Namiss? Ohmygod. Kung alam mo lang Ayola. Tumikhim ako at sinagot siya sa kabilang linya. "Okay. Game!"






"That's my girl! Nandito kami sa Theresa. We'll wait for you!"








Sinalubong ako ng napakakapal na usok ng pumasok ako sa bar. Dito kami rati pumupunta kapag tapos na ang hectic na schedule namin, minsan ko rin nakasama si Ayola rito. Noong panahong magkakilala pa lang sina Benneth, actually hindi naman tlaga kami close, nagkakabatian lang. So, hindi ko alam kung bakit ganto ang salubong niya sakin na para bang napakatagal na naming magkaibigan. Siguro, dahil kakarating niya lang galing ibang bansa kaya siya ganito. Nang natamaan ko sila ay parang gusto kong bumalik sa pinaroroonan ko. Kaya naman pala ganoon, okay naman pala siya. Nakatayo lang ako malapit sa pwesto nila at parang natulok sa kinatatatayuan, aatras sana ako para kumuha ng maiinom ng makita ako ni Ayola ng lumingon ito sa banda ko.

 




Nakangiting isinigaw ni Ayola ang pangalan ko para agawin ang aking atensyon. Napatingin sa akin si Benneth at ako rin sa kanya, pero agad din akong nagbawi ng tingin at sinuklian si Ayola ng ngiti at ikinaway ang kamay para ipaalam na lalapit na ako. Sa bawat hakbang ko ay parang gusto kong bumalik sa dinaanan ko palabas, pero wala ng atrasan to. Nang makalapit ako ay niyakap ako ni Ayola at ipakilala ang kanyang mga kasamang kaibigan na nakaupo rin pabilog sa lamesa. At kapag minamalas ka nga naman nasa harapan ko pa si Benneth.






Bwesit.







Panaka-naka akong sumasali sa usapan nila kapag nakakarelate ako at kapag na tinatanong nila ako. Hindi rin ako umiinom ng kkagaya ng sa kanila na halos laklakin ang kada boteng alak. Alam ko ang ugali ko kapag nakainom kaya iniiwasan ko ang malasing. Saglit akong napatahimik ng maramdaman kong may nakatingin sa akin. Hindi pala, kanina pa pala. hindi ako mapakali dahil alam kong si Benneth iyon. Tumayo ako at nagpaalam na magpapahangin lang sa labas.







"Wooh." Nagpakawala ako ng malalim na hininga ng malasap ko ang preskong hangin sa labas.








Napatingin ako sa kawalan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.







Dapat ba akong maging masaya? kasi nandito si Bnneth at dahil sa mga ilang araw ko na din siyang hindi nakikita? O dapat ba malungkot ako? kasi nandito lang pala siya at kahit ni tuldok ay hindi niya man lang ako matext? O di naman kaya masaktan? kasi nandito siya at hindi ako ang kasama kundi si Ayola? Siguro, nagusap na sila. And maybe, they're now together. Naudlot kasi ang lovestory nila dati.







Parang nilalamukot ang dibdib ko. Putangena naman kasi. Dapat pala hindi na lang ako nagpunta rito at natulog na lang. 'Di sana, hindi ako parang gagang nasasaktan dito. Napagpasyahan kong umuwi na lang kaya pumasok ako ulit sa loob para magpaalam na uuwi na ako.








Pero dapat pala hindi na lang ako ulit pumasok at umalis na lang kahit na hindi nagpapaalam.









Pagkapasok ko ay agad na sinampal ako ng aksenang romance. Romance kung saan si Ayola at Benneth ang bida. kung saan ang scene ay nasa sulok lang sila ng bar na dalawa at magkadikit ang katawan. Kung saan naguusap silang dalawa at parang script sa pilikula na naririnig iyon ng babaeng hindi alam ang role niya at unti-unting binabarag ang puso niya.









Best scene ever.








***

ImperfectPiece















CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Onde histórias criam vida. Descubra agora