Chapter 34

30.3K 533 76
                                    


TAMING BENNETH
C H A P T E R - 34
Truth.









Tulala ako habang nakatitig sa puting  pader na kaharap ko, hindi kumukurap kahit na maraming dumadaan na tao at nagiisa lang akong nakaupo doon.












I thought everything is now into their right places. Kahapon lang, sinabi ng mahal kong mahal niya rin ako. Kagabi lang, nananaginip pa ako kung saan ang senaryo ay magkasama at masaya kami. Kanina lang, namumukadkad pa lamang ang sayang nararamdaman ko. Pero hindi rin nagtagal. Agad ring kinuha ang sayang iyon. Agad ring kinuha ng nagbigay sa akin.








Why does it feel so hard to be happy? Ako lang ba ito? O hindi lang ako? Ang sabi saakin dati noong bata pa ako, nasa skwelahan ako ng mga panahong iyon ay madali lamang daw ang maging masaya. Totoo nga, madali lang naman talaga. Pero laging may kulang at hindi makuntento ang puso ko. Hindi mabuo-buo ang sayang hinahangad ko. Para bang natutuliro ang utak ko. Bumabalik at paulit-ulit na naririnig ko ang sinabi ni Benneth at napoproseso bilang sakit papunta sa aking dibdib.







"Sino ang pinunta natin dito?"






Matagal akong tinitigan ni Benneth. Hindi ko alam kung may balak ba siyang sagutin ang tinatanong ko o talagang iniignora niya lang iyon dahil sa parang hindi niya naman masagot. Nang pagkuwan ay bumuntong hininga siya at nagiba ng direksyon ang tingin niya.







"There was this child named Kyle Zenus." Hindi ako nagtanong kung sino ang batang tinutukoy niya. Nakinig lang ako sa kung ano ang ikinikwento niya. "I first met him in this hospital, may sakit siya at halos diyan na nakatira. Palagi akong nagpupunta rito to visit hi---"



Hindi ko na mapigilan ang magtanong. "Palagi kang nandito?" Nagtataka na kasi ako kung bakit niya ito ikinikwento sa akin at kung ano ang meron sa kwento niya.







Bumalik ang mga mata niya sa akin at muli kong nahagip ang takot sa mga mata niya. Bakit siya natatakot? "A-Alecz..."






"What is it Ben? Sabihin mo sa akin kung bakit tayo nandito. Bibisitahin ba natin yung bata? Pwede bang bumalik na lang tayo pagkatapos ng klase k---"



"Alecz..."






Napatigil ako nang tawagin niya ulit ang pangalan ko. Hindi na naman siya mapakali. Pakiwari ko'y may gusto siyang sabihin pero hindi niya iyon masabi sabi. Parang may pumupigil sa kanya sa hindi ko malamang dahilan.





"May... may gusto ka bang sabihin?"






Natigilan siya. Mukhang nakuha niyang alam kong may gusto siyang sabihin. Bakit hindi niya sabihin sa akin? Wala namang problema.




"Promise me you won't leave me. That you'll still be with me. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag lumayo ka, ikaw na lang ang kinakapitan ko. Kinakapitan kita dahil ayaw kong mawala ka."



Lagi kong naririnig dating ayaw niyang malayo ako sa kanya at natutuwa akong malaman iyon, pero kapag may naaalala ako ay lagi kong inililiko ang usapan namin. Ngayong naririnig ko ito sa kanya ay iba ang nararamdaman ko, parang ang sasabihin niya ay ikakagulantang ng pagkatao ko.




"Sabihin mo, Ben. What is it?"















"I have a child with Ayola, Alecz."








Parang sumabog ang puso ko at tumigil ang pagtibok non. Tumigil ang paligid ko at parang nastuck up ako sa mga oras na 'to. Nawala ng parang bula ang kung anong nararamdaman ko at namamanhid ang buong pagkatao ko.









Ilang oras na matapos kong marinig iyon. Pero parang sirang plaka iyon sa loob ng ulo ko at tanging iyon lang ang naririnig ko. Wala akong maramdaman. Para akong nakalutang at hindi alam ang direksyong papupuntahan.








Bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas mula doon si Benneth. Nagkatitigan lang kami. Titig na tanging naguusap. Humakbang siya palapit sa akin, lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang kamay ko.






"Alecz..." Tumulo ang butil ng luha sa mata niya, naging hudyat din iyon para bumagsak ang luha ko at unti-unting pagbalik ng pandama ko. Nagsusumamo niya akong tinignan. "Jusy stay with me."








Humihikbi kong pinunasan ang luha niya. Pinatayo ko siya at niyakap.










Where will this love lead?





***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now