Chapter 44

32.6K 509 3
                                    



TAMING BENNETH
C H A P T E R - 44
Give in.














"Nagulat ka ba?"














Isinara ko ang nakanganga kong bibig. Nagtataka ko siyang tinignan. "An-Anong ginagawa mo... rito?"







Itinaas niya ang isang bondpaper at may nakasulat na kung ano iyon ng ipakita niya sa akin. "Aalis." Sinabi niya iyon ng walang emosyon.










Lumayo ako ng kaunti sa kanya. Tumitibok ng hindi normal ang puso ko, pakiramdam ko ay lalabas iyon sa aking katawan at baka kung ano oras ay mailuwa ko na lang bigla. Para bang may mga nagkakarerahan na kung ano sa aking loob dahilan ng pagtaas baba ng aking dibdib. Nagbabadya ang mainit na likidong handang tumulo sa aking mga mata. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman. Halos isang buwan na rin ng huli ko siyang makita, ng pinigilan ko ang sarili kong magkaroon ng kung anong koneksyon pa sa kanya. Gusto ko siyang sunggaban ng yakap, pero pinigil ko ang sarili. Hindi ko na dapat pa maramdaman ang ganito, kaya nga ako aalis para makalimot. Pero paano naman ako makakalimot kung lagi ko namang nararamdaman ang ganito?








"Benneth..."









Tumingin siya sa harap at dumekwatro ng upo. Humalukipkip siya at kalmado lamang ang iste. "Aalis ka rin pala?" Pagkatapos ay tumango-tango ito. "Hindi ko alam eh."









"G-Ganoon ba..."







Tumango lamang ulit si Benneth. Walang pakealam na sumandig ito sa kinauupuan at ipinikit ang mga mata. Pinakatitigan niya ito, ginagawa niya rin ang ganitong pagmamasid dati rati kapag natutulog si Benneth, kinakabisado niya kasi ang perpekto nitong mukha. May ganito palang tao ano? Yung akala mong sa libro mo lamang makikita, may totoo palang ganoon.









May kakaiba kay Benneth. Iba ito kung tumingin, ngunit alam niya kung bakit ito ganito makitungo sa kanya. Pero iyon naman ang dapat. Tama naman ang ginawa niya hindi ba? Lahat ng hakbang na ito, para kay Benneth.








Itinaas niya ang kamay, akma niyang hahaplusin ang pisngi nito ngunit nagdalawang isip si Alecz. Gusto niya lamang sanang mahawakan man lang ito, pero tinikis niya amg sarili. Dala ng matinding pagpipigil, at ibinagsak niya ang kamay at malungkot na tinitigan ang maamong mukha ni Benneth.









Kung alam mo lang sana. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal para piliin ko ang mga ginagawa ko ngayon para sayo. Kahit na masakit. Kahit na alam kong ikakawasak ng pagkatao ko.










Tumulo ang masaganang luha. Agad niyang tinakpan ang bibig para pigilin ang paghikbi, para hindi siya madinig ni Benneth. Bahagyang gumalaw si Benneth kaya't agad siyang sumandig sa kinauupuan at humarap sa bintana habang kipkip pa rin ng kamay ang bibig. Nagkunwari siyang nakatingin lamang sa tanawing himpapawid.









Umiiyak na naman siya. Bakit ba kasi napakahirap naman nito?









Hanggang sa hindi na niya napigilan pa ang sunod sunod na paghikbi. Umalpas iyon na para bang pinipiga ang kanyang puso. Tinatakpan niya pa rin ang bibig, ayaw niyang marinig siya ni Benneth.





Nagulat siya ng may humawak sa kanyang braso at bigla siyang hinatak nito paharap. Sumalubong sa kanya ang nagtatanong na mukha ni Benneth.







"Bakit ka umiiyak?"





Nagtitigan sila. Pinigil niya ang pagalpas ng hikbi, ngunit ang sunod sunod na pagtulo ng luha ay hindi na. Umiiling siya at yumuko. Nahihiya siyang nakiita siya ni Benneth na ganito. "W-Wala."






"Alecz naman..."





Nagangat siya ng marinig si Benneth. Nang marinig niya ang sakit sa tinig nito. Lalong nagsumidhi ang sakit sa puso niya, at wala na siyang mapigil pa. Lahat ng pader ay nabuwag at parang daloy ng tubig na imigpis ang lahat ng kinikimkim niya.






Namumula ang mga mata ni Benneth, sakit ang sumasalamin sa mga mata nito at pagod. Marahas na ginulo nito ang buhok at umigting ang panga nito. Hindi ito makatingin sa kanya.






"Ben..."







Nang ibalin sa kanya ni Benneth ang mata ay lumamlam ang mga mata ni Benneth ng pakatitigan ang kanyang mukha. Itinaas nito ang kamay at idinampi nito iyon sa kanyang basang pisngi, pinunasan ni Benneth ang kanyang luha.












"Bakit ka ba umiiyak ha? Hindi ka ba masayang nandito ako? Alam mo bang halos mabaliw ako mahanap ka lang?"









Ibinaba ni Benneth ang mukha sa akin. Idinikit niya ang noo sa akin at tinitigan ako. Mata sa mata.











At nang halikan niya ako. Nang maramdaman ko ang init sa kanyang labi, nakalimutan ko ang planong paglayo sa kanya.








Pwede bang kalimutan ko na lang ang lahat ng hadlang at manatili na lamang sa tabi niya?





***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora