Chapter 12

37.9K 795 36
                                    

TAMING BENNETH
C H A P T E R - 12
Sa akin lang.







34 missed calls.
69 messages.



Kanina pa vibrate ng vibrate ang cellphone ko pero hindi ko natignan man lang, nandito kami ngayon sa bahay ng isang kong kagrupo, may project na naman kasi at groupings kami this time. Alam kong galing lahat kay Benneth ang missed calls at mga messages na iyon, pano na naman kasi? E alas nueve na ng gabi pero wala pa rin ako sa unit niya. Baka akala niya ay hindi ko siya uuwian.


Nagpaplano pa lang kami para sa theme ng project namin pero napakatagal na. Plano pa lang yan. Wala kasing isang desisyon 'tong leader namin. Pabago-bago siya ng plano kapag may nagsusuggest kaya ang tagal namin! Ang sarap lang dagukan.

Nanahimik lang ako sa isang tabi, ayaw kong magsalita dahil baka magwala na ako sa sobrang inis. Nagsuggest na ako pero wala namang may pakealam. Kumukulo na ang dugo ko, saka gusto ko na ring umuwi 'no. Kanina pa natapos ang klase ni Benneth kaya nauna siya ng uwi, siguradong galit na 'yon.


Nabalik ang isip ko nang marinig ko na namang nagbago nang plano ang leader namin. Tumayo ako ng padabog. "Paano tayo matatapos kung pabago-bago yang lintik na plano natin?! Utang loob naman, alas bueve na! Wag niyong sabihing gusto niyong magover night rito?! Baka pwedeng umuwi na?!" Napuno nako.


Natunganga sila sa ginawa ko, siguro akala nila mananahimik na lang ako rito na parang nalunok ang dila. Pero hindi, dahil gusto ko nang umuwi at alam kong nagaalburuto na roon si Benneth.


Nagvirate na naman ang cellphone ko, sinagot ko na ang tawag. 'Hell--"

"YEAH, HELL ALECZ! NASAN KA NA BA?! KANINA PA ANG UWI MO AH!"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko, sumabog na sa tenga ko ang napakalakas na sigaw ni Benneth. Si Itay ba 'to?

"Pauwi na'ko. Okay?"

"NASAN KA BA?! SUSUNDUIN NA LANG KITA!" Nagtatanong tapos pasigaw? Loko 'to ah! Bat ba 'to naninigaw?


"Bat ka ba naninigaw?! Ano bang problema mo?!"


"Tinanong mo pa talaga?! Alas nueve na Alecz! Kanina pa 'ko parang tangang nagaalala sayo! Anong gusto mong gawin ko? Tumalon at pumalakpak?"



"Okay. Chill Ben, may importante lang na meeting. Wag mo kong sigawan dahil kumukulo na rin ang dugo ko rito, naiintindihan mo? Sunduin mo 'ko rito sa pangatlong bahay mula sa bahay nang kabarkada mong si Kyle."

"Okay. Hintayin mo ako. Susunduin kita."


Binaba niya na abg tawag, saka ko hinarap ulit ang mga kagrupo ko. "Pasensiya na pero hindi ako plastic, kung ganito ang style niyo, hindi niyo magagawa ang project. Magkanya kanya na lang tayo." Pagkatapos ay tumalikod na 'ko at nagpaalam sa may ari nang bahay bilang paggalang at lumabas na para hintayin si Benneth.


Hinihintay ko si Benneth sa labas nang biglang may tumawag nang pangalan ko.

"Oy, Kyle ikaw pala."

"Bat ka nandito Alecz?"

"Ah, project." Nakangiti kong sagot.

"Ah, kamusta si Benneth? Hindi na sumisipot sa mga labas namin 'yon ah." Nakangisi niysng tanong.

"Hindi ko na siya pinapayagan, bad influence ka kasi." Pabiro kong sagot, natawa naman ang singkit na kaharap ko.

"Ako pa ang bad influence ha? Baka si Benneth! Tsk. Palibhasa, under 'yon sayo. Hahaha."

"Matino iyon! Hindi katulad niyo!" Biro ko ulit.

Nagtatawanan kami nang may tumutok saming ilaw, nasilaw ako kaya napatakip ako ng mata. Siraulo ang driver nato ah! Nang mamatay ang ilaw, saka ko lang ibinaba ang kamay kong nakatakip pero nasa harapan ko na si Benneth. Bakit mukha itong galit?

"Ben, kamusta par--"

"Tara na Alecz, umuwi na tayo." Madiin ang salita ni Benneth.

"Teka, si Kyle oh." Pero bigla niyang hinablot ang braso ko at hinila na ako pasakay sa sasakyan.

Ano bang problema nang lalakeng 'to? Tinignan ko si Kyle sa labas nang paumanhin, nagwave lang siya at ngumiti at nginitian ko tin siya pabalik. Hinarap ko si Benneth na napakahigpit nang hawak sa manubela at nakatiim ang bagang.



"Ano bang problema mo?! Kaibigan mo 'yon!" Hindi niya ako sinagot. Mabilis ang pagpapatakbo niya. "Sagutin mo ako Benneth! Hindi mo siya dapat ginanon! Wala siyang ginawa sayo! Pero binastos mo siya! Ano bang problema mo at lahat nang tao idinadama--"

Biglang niyang inihinto ang sasakyan kaya nauntog ako sa harapan, sumakit ang dibdib at bandang tyan ko dahil nakaseatbelt pa ako. Kung hindi siguro kami nakaseatbelt ay tumilapon na ako.

Bwesit! Ang sakit!

"ARAY!" Sigaw ko.

"Alecz!" Hinawakan niya ako pero pinalo ko ang kamay niya.

"KUNG GUSTO MO 'KONG PATAYIN DAPAT ITINULOY MO NA LANG!"

"H-hindi. So-sorry."

"Kung may problema ka sabihin mo, kung gusto mo 'kong saktan gawin mo. Walang pumipigil sayo." Walang emosyon ang tinig ng aking boses, nakapikit ako at nakasandal dahil sa sumasakit ang bandang dibdib ko at tiyan, magkakabukol pa ata ako.


"Hindi kita sasaktan, ayaw kitang nasasaktan." Biglang lumambot ang boses niya base sa naririnig ko. "Nagaalala na kasi ako, tapos pagdating ko may kausap ka pang ibang lalake at nagtatawanan pa kayo. Nagselos ako eh. Hindi ka kasi ganoon kapag kasama mo ako. Gusto ko kasi ako lang ang lalake sa buhay mo. Gusto ko ako lang, wala nang iba. Kasi gusto ko akin ka lang rin."

Bigla akong napadilat sa sinabi niya, tumitibok na naman nang malakas ang puso ko, para bang hinihingal ako pero masarap sa pakiramdam.



"Gusto ko akin ka lang. SA AKIN LANG. Dammit!" Hinampas niya ang manibela.

Jerk.

***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now