Chapter 4

43.7K 849 14
                                    

TAMING BENNETH
C H A P T E R - 4
Skirt.



Nang magising ako ay agad kong tinignan ang cellphone ko. Baka nagtext iyong si Benneth. Pero himala, walang text ha.

Aba! Matigas talaga siya!
Patigasan tayo ngayon. Tignan natin kung saan ka pulutin.  Pero kahit na ganoon ay nagaalala ako 'ron sa hinayupak na iyon 'no, ako lang kaya ang inaasahan non. Paano na lang kapag wala na ako?

Kumain na kaya 'yon?

Nakatulog kaya ng maayos 'yon?

Medyo nagtaka ako ngayon, madalas naman 'tong mangyari. Iyon bang bigla na lang siyang mabubugnot ng dahil sa maliit ns dahilan at kapag napuno ako sa kanya ay magsasalita ako, kapag hindi niya nagustuhan ay dadamdamin niya. Magtatampo.

Pero iba ngayon eh.

Kapag ganito kami, magsosorry agad 'yon at hindi na  ipagpapabukas ang tampo niya. Ngayon lang siya nagmatigas. Baka nakalimutan niya lang na magtext, o baka nagmamadaling umalis 'yon dahil nalate ng pasok? Hindi na ako nagdrama pa at tumayo na para kumilos at pumasok.

Nang pumasok ako ay wala pa ring nagtext sa akin. Usually kasi kapag ganito, magtetext 'yon na sabay kaming maglulunch at magtatanong iyon kung sa unit niya ba ako matutulog o hindi. Pero ngayon ay wala.

Ano na kayang nangyari 'don?

Mamaya ko na nga lang iintindihin yon, papasok muna ako. Hahanapin ko na lang siya kapag break ko na. Lumipas nga ang ilang oras ay lunch na. Aba si tarantado hindi pa rin nagtetext. Nakakahiwaga na ah!
Hinanap ko siya sa canteen ng magpunta ako, pero wala rin siya.

Naku! Baka hindi pumasok ang bugok na iyon! Humanda siya talaga! Mapuntahan nga 'yon mamaya. Kapag hindi niya ako pinagbuksan ay mawawalan na talaga siya ng pinto.

Ayun nga, alone akong kumain. Pagkatapos ay pumasok ulit ako sa mga natitira kong klase.

DUMAAN muna ako ng supermarket at pinaggrocery ko siya bago ako nagdrive papunta sa unit ni Benneth. Walla na kasing mga pagkain yun 'don. Sa lakas niya ba namang kaumain dahil sa pagkalaki-laki niyang lalaki.

Nang makarating ako ay nakaawang ang pinto ng unit niya. Tatanga-tanga talaga ang damuhong 'yon! Paano kung pinasok siya? Hindi talaga nagiingat. Hindi talaga siya pumasok.

Pagpasok ko ay hindi na ako nagulat. Para kasing binagyo ang lugar niya! Napakakalat!

Iniayos ko muna ang mga pinamili ko at nilinis ang sala niya. Itinapon ko ang mga kalat at nagwalis. Pinunsan ang mga maalikabok na bagay pagkatapos ay inayos ang arrangements ng sofa. Nang papunta na ako sa kwarto niya, balak kong linisin na rin dahil paniguradong makalat din doon ay may nakita akong damit. Skirt mismo. Paldang maikli. Sa hamba mismo ng pintuan.

Agad akong pumasok.

Bigla kong nabitawan ang walis kong hawak. Kaya naalimpungatan sila.

"A-alecz!" Biglang bumangon ang tarantado kaya nadala ang kumot. Lumihis sa katawan ng babae ang kumot kaya nakits ko sng katawan nito. Naka undies at bra na lang ang babaeng katabi niya.

"Nagsaya ka ba Benneth?" Nakangiti ako nang sabihin 'yon. 'yong babae naman ay nakatingin lang sa akin na parang tanga. Ang sarap hablutin at kaladkarin!

May usapan kami. DAPAT WALANG BABAE DITO. AKO LANG.

Ayos lang sana kung nagmotel sila o di naman kaya sa ibang lugar nila ginawa iyong nagawa nila. Pero hindi.

Nasaktan ako. Pakiramdam ko tinraydor ako. Hindi ko alam.

"Wa-walang nangyari!" Sigaw ni Benneth na natatarantang lumapit sa akin.

Nagtaas ako ng kamay para ipahiwatig na tumigil siya. "Simula ngayon, wag mo ng aasahang pupunta pa ako rito. Nandito naman na yan, siya na ang ipalit mo. Nasurprise ako! To the highest level!" Iminuwestra ko pa ang kamay ko.

Tumalikod na ako at bumalik sa sala para kunin ang bag ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng may humigit sa braso ko paharap.

"Walang nangyari. Okay? Wala." Diin niyang giit.

Gago pala 'to eh! Anong ginawa nila? Taguan lang? Jack 'n poy? Holly-holly hoy? Lolokohin pa'ko.

"Wag mo na akong dramahan. Bitawan mo na ako." Hinila ko ang braso ko hanggang sa lumabas na ako, pero hinabol niya pa rin ako. Dali akong sumakay ng elevetor at paulit-ulit na pinipindot ang close para agad itong masara, at salamat sa diyos dahil nakisama ang elevator.

Nang makarating ako ng lobby ay nagulat ako ng naabutan niya pa rin ako. Nakaboxer lang siya! Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Pero mas pinagtitinginan si Benneth.

"Pakinggan mo muna kasi ako!"

Hinarap ko siya. "Benneth, mahiya ka. Tignan mo iyang itsura mo." Bulong ko sa kanya.

"WALA AKONG PAKEALAM! ANG GUSTO KO MAKINIG KA SAKIN!" Aba. May gana pa 'tong manigaw ha?

"Tumigil ka na. Akyatin mo na roon ang babae mo." At lumabas na talaga ako papuntang parking, hindi na makakahabol 'yon. 'Yon ay kung may kahihiyan pa siya.

Nasurprise talaga ako. Sobra.


***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now