Chapter 1

68.6K 1.1K 48
                                    




TAMING BENNETH
C H A P T E R - 1
Magic word.







Nang magising ako kinaumagahan ay tinignan ko kaagad ang cellphone ko. Baka kasi nagtext si Benneth.




From: Bugok
Goodmorning bby.




'Bby' daw. Napaismid ako sa text niya. Ito talagang si Benneth parang sira. Alam naman niyang hindi ako kinikilig sa mga ganyan niya.



Agad na akong nagayos at pumasok. Pero habang nagkaklase sa ikalawang subject ko ngayong araw ay may dumating at sinabi nitong ipinaeexcuse daw ako ng principal. Labis akong nagtaka. Hindi ba't oras ng klase ngayon?


Sa dami ng inisip kong posibilidad kung bakit, bigla ay may pumasok sa isip ko.




Si Benneth.



Kung kanina ay nahuhuli pa ako sa paglalakad kasama ang inutusan ng principal, nauna ako dahil sa naging malalaking hakbang ko. Nilagpasan ko siya at nagmamadaling tinungo ang principal's office.




Humanda ka sa akin!




Kumatok ako sa pinto ng makarating ako sa harap ng pinto ng principal. "Come in." Rinig ko mula sa loob.





Nang makapasok ako ay, ayon. Ayon siya at nakaupo sa harapan ng principal. Puro pasa ang mukha at putok ang labi! Sinamaan ko siya ng tingin ng maghugpong ng aming mga mata.



"Goodmorning, Ma'am."



"Goodmorning Ms. Monterde. Alam mo naman sigurong ikaw ang in charge of emergency ni Mr. Jordan. Well, may ginawa siyang hindi kaaya-aya. At sa tingin ko ay alam mo na." Kalmado ang boses ni Ma'am Agunzillo



Tinignan ko ng masama si Benneth na kaharap ko lang, nagiwas naman siya ng tingin. Humanda ka sa akin mamaya!





"I'm sorry, Ma'am. Ako na po ang bahalang kumausap sa kanya. Pwede na 'ho ba siyang umuwi? May ipapataw po ba kayong punishment?"




Ngumisi si Ma'am Agunzillo, "Wala, ikaw na ang bahala sa kanya." Sa totoo lang, alam nang principal na ito kung ano ba talaga kami ni Benneth. Masyado kasing matabil ang bibig ni Mama pagdating sa mga magkaibigan niya. They were kumares.




"Pasensiya na po." Muli kong hingi ng paumanhin. Nauna na akong lumabas, narinig ko naman ang hagikhik ni Mrs. Agunzillo.



Nakailang ulit ako nang pagpapaalalang umiwas siya sa away. Hindi man lang niya ipinasok sa kaloob-looban ng kokote niya! Hindi ko gusto kapag nakikipag-away si Benneth. Para bang hindi siya ang siya, at hindi mo magugustuhang makita 'yon.






Nang makarating kami sa parking lot ay agad ko siyang piningot. "Aray!"



"Anong sinabi ko sayo kagabi?" I shouted.

He shrugged his shoulders. "Mayabang eh. Edi pinatulan ko."

°°°°°

"Alam ko namang maiksi lang ang pasensiya mo Benneth, pero nasukat mo ba ang akin? Ha?! Napupuno na ako sa 'yo eh. Pangilang beses na ito!" Halos lumabas na ang litid ko sa leeg kasisigaw.




"Umuwi na tayo." Namumungay ang mata niya, para bang pagod na pagod.



"Talagang uuwi na tayo. Mabulok ka sa unit mo magisa!" Nakita ko namang nagulat siya.


"S-Sabi mo sa akim doon ka matutulog?! Madaya ka naman eh." Nakuha niya pang sumimangot.



"Bahala ka sa buhay mo." At pumasok ako sa kotse.








Nang makarating kami sa unit niya ay hindi niya ako pinapansin. Edi wag! Tignan natin pagkinailangan mo 'ko mamaya. Nang makapasok kami ay naupo agad siya sa sofa at biglang nahiga. Ako naman ay pumunta sa kwarto niya at kumuha ng pamalit niya at kinuha na rin ang first aid kit. Pagkabalik ko sa sala ay tinadyakan ko ang paa niya ng mahina sakto lang para magising siya.



"Gising." Hindi man lang gumalaw. Aba nananadya! "Isa." Bilang ko.




Nainis na ako. Kaya pabangsak kong inilagay ang mga dala ko sa center table kaya napaupo siya ng maayos.



"Ano? Ikaw na lang? Sabihin mo lang." Seryoso nako. Alam niya ang ibig kong sabihin, kaya napayuko siya.



"Sorry na. Naginit kasi 'yong dugo ko 'don e."


Madali lang siyang mainis kaya madali siyang mapaaway. Napakalaking tao pa man din nitong si Benneth, paano pagnakapatay ito? Wag naman sana.





"Benneth, hindi porket naiinis ka ay mananapak ka na lang agad. Kung ako ksys ang sumapak sayo?" Sermon ko sa kaya. "Iwan kita dito e." Bulong ko na narinig niya naman. Automatic siyang napatayo.





Magic word.




"Sorry na nga eh. H-Hindi na talaga mauulit." Oh. Edi parang manganganak ang mukha niya ngayon. Takot talaga 'tong mawalan ng katulong eh.





Tinitigan ko lang siya pagkatapos ay kinuha ko uli iyong mga binagsak ko. "Magbihis ka. Bilisan mo."



At naghubad siya sa harapan ko. Nakaboxer siya bago isuot 'yong pangbahay na damit. Sanay nako, nakaboxer lang kaya ang shokoy na iyan kapag natutulog.




Pagkatapos ay pinaupo ko siya at ginamot ang sugat niya. "Tignan mo, tuluyan ko 'tong mukha mo e." sabay diin sa bulak.



"Aray naman e." Reklamo niya.




"Nagrereklamo ka?" Pinandilatan ko siya kaya agad siyang nanahimik.


Pagkatapos non ay ipinagluto ko siya ng tanghalian. Hindi man lang ako nakaabot hanggang break ko nakauwi na 'ko agad. Baka may namiss akong mga activities. Pero 'de bale na, kakausapin ko na lang ang mga prof ko bukas. Hindi ko talaga alam kung kailan titino itong si Ben. Napakabata ko pa pero pakiramdam ko may anak na ako. Puro kasi kunsumisyon ang inaabot ko. Katumbas niya ang limang bata! Kawawa naman ako.





Habang naglilinis ako ng mga kalat sa kusina at hinihintay na lang na maluto ang niluto ko ay naramdaman kong nasa likod ko si Benneth.

"Problema?" Maikli kong tanong.



Kung kanina ay parang armalite ang bunganga ko sa kakasermom sa kanya ngayon naman ay limitado ko na lang siya kung kibuin pagkatapos kong gamutin ang sugat niya.





"Galit ka pa rin ba? Nagsorry na ako diba?" Nandiyan na naman ang paawa effect niya pero hindi ko siya kinibo. "Dito ka na lang matulog, Please. Para makatulog naman ako oh." Hinarap ko siya.




"Oo, dito ako matutulog." Para naman siyang narelax sa sinabi ko.




Bigla niya akong niyakap. Isinuksok niyang mabuti iyong mukha niya sa leeg ko. "Nagugutom na ako." Bulong niya sabay kagat sa leeg ko.





"BENNETH! Hinayupak ka talagaaa!"





***

ImperfectPiece

     

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now