Chapter 15

36.2K 665 15
                                    





TAMING BENNETH
C H A P T E R - 15
Face to face.







Simula ng magising si Benneth ay hindi niya talaga ako pinansin. Aba! Tinabihan na nga eh. Nandito ako ngayon tulad ng gawi ay nagluluto. Hindi ako pumasok dahil sa tinamad ako. Habang nagluluto ay sinusulyap-sulyapan ko si Benneth na nasa sala. Ano kayang problema nitong kumag na'to? May padabog-dabog pang alam kagabi.




"Benten! Kain na!" Sigaw ko, habang nakatukod ang dalawa kong kamay sa lamesa at nakaharap sa hamba ng pintuan ng kusina. Hinihintay kong pumasok siya pero bakit wala pa rin?



Tagal pumasok non ah?



"Ben!" Tawag ko ulit. Naghintay ako ng ilang minuto pa pero wala pa rin.


At dahil mabilis lang maginit itong ulo ko ay pinuntahan ko na siya sa sala. Pagdating ko ay nakita ko siyang nakasandig sa sofa, nakapikit at nakaheadset. Kaya pala! Hinablot ko ang headset sa magkabila niyang tenga, nabigla siguro siya kaya napamulat at napaupo siya ng maayos.



"Kanina pa kita tinatawag." Mahinahon lang ang pagkakasabi ko't mahina.


"Uh, bakit?" Ay. Aba naman.

"Wala. Sabi ko bahala ka ng magluto ng kakainin mo sa buong araw dahil uuwi na ako sa amin dahil napapagod nako rito." Tuloy-tuloy kong sabi habang nakatingin sa kanya. "Naintindihan mo?" Pagkatapos ay tumalikod na ako papasok sa kwarto.


Aba! Tao lang ako. Kapag ganon siya ay lalong hahaba ang sungay niya, uuwi na lang ako. Agad akong kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo. Habang naliligo ako ay, biglang kumabog iyong pinto ng banyo. Sa unang kalabog ay binaliwala ko lang pero may sumunod pa kaya kinabahan nako, kami lang naman ni Benneth ang nandito ah! Saka hindi niya naman ginagawa 'to.



Nagmadali akong maligo at agad na nagtapis ng roba, paglabas ko ay sobrang gulo ng kwarto. Ang kalat! Ano bang nangyayari? Nagbihis ako ng pangalis at kinuha iyong bag ko saka ako lumabas ng kwarto.



"Oy. Anong nangyari 'ron? Anong ginawa mo sa kwarto?"


"May hinanap kasi ako. Pakilinis ha? Thankyou." Sabay subo ng hinain ko, at nakaheadset pa si ungas.


Napakagaling naman! Pakilinis raw?
Kumulo ang dugo ko at umakyat lahat sa ulo ko.



"ANO?! LINISIN KO?! PUNONG-PUNO NAKO BENNETH HA. BAHALA KA NA SA BUHAY MO DAHIL HINDI NAKO BABALIK RITO. BYE."



Pagkatapos kong sumigaw ng ganoon ay dali-dali akong naglakad papuntang pintuan, pipihitin ko pa lang sana ang doorknob ng biglang may humawak ng kamay ko.



"Saan ka pupunta?" Bahagya niyang inilapit ang mukha niya at pinakatitigan ako.



Naduling ako sa lapit ng mukha niya. Bakit ba sa lahat na lang na ginagawa niya tumitibok ang puso ko? Hindi naman ako ganito dati. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.


Umiling ako para mabalik sa huwisyo. "U-Uuwi na! Malamang!"


Lalo niya pang inilapit ang mukha niya. "Uuwi ka?"


Napaatras ako, pero tinapangan ko ang itsura ko para hindi niya mahalatang naaapektohan ako sa ginagawa niya. "Oo nga."



Lalo pasiyang lumapit. Halos gahibla na lamang ng buhok ang pagitan namin. Lalo akong naduling na halos dalawa na siya sa paningin ko.


"Hindi ka na babalik?" Mahina na ang boses niya. Sa sobrang hina ay akala mong binubulungan niya ako.


"H-Hindi na." Hindi ko malaman kung bakit nauutal ako.

Ilalapit niya pa sana lalo ang mukha niya nang ilapat ko sa dibdib niya ang dalawa kong kamay. Tinitigan ko siya kasama ng may pagtataka.


Ano bang ginawa mo sa akin Benneth?



"Talaga?" Nanunuya ang boses niya, para bang hinahamon ako.


Mula sa pagkakatitig ay iniangat ko ang kamay ko at dahan dahang hinaplos ang napakagwapo niyang mukha, inilibot ko ang tingin sa mukha niya at pagkatapos ay

Nilamukos ko iyon.

"TALAGANG-TALAGA!" Sigaw ko sa pagmumukha niya pagkatapos ay tuluyan nang lumabas ng unit.

Walang talab sa akin ang kalandian niya. Makapal ang shield ko at alam ko na ang mga bulok niyang moves. Pero dahil siya si Benneth, syempre ay susubukan niya pa rin. Si Bennth pa. Kipkip ang bag ko ay nagmamadali kong tinungo ang elevator. Agad akong pumasok ng bumukas iyon pero nang lumingon ako ay katabi ko na si Hudas- Si Benneth. Nanlaki ang mata ko dahil sa taka kung bakit saan at paano niya nagawa sa mundo ang magawang biglang sumulpot.

Dinuro ko ang dibdib niya. "Hoy! Bakit ka nandito ha?!"


May pinindot siya at pagkatapos ay bigla na lamang na bumukas ang elevator. Magsasalita pa sana ako ulit nang magiba na ang paningin ko. Bakit baliktad na ang mga tao? Bakit kaharap ko na ang matambok na pwet ni Benneth?


Para akong isang damit na nakasampay pabaliktad sa balikat ni Benneth. Tinatahak niya ang hagdan paakyat at tinatahak namin ang daan pabalik ng unit niya.



"Hinayupak ka! Ibaba mo ako!"



Pero ang hinayupak talaga ay tinawanan lang ako. Gago talaga.


***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now