Chapter 7

44.3K 896 37
                                    



TAMING BENNETH
C H A P T E R - 7
Paranoid.


Parang may napapansin ako.


Naglakad ako papuntang sala, nasa likod ko si Benneth.
Pumunta ako sa harap ng tv, nasa likod ko pa rin siya. Pumunta ako ng kwarto at kumuha ng towel pagkaharap ko, nandiyan pa rin siya. Ano bang trip nito at laging nakasunod sa akin?

"Bat ka ba buntot ng buntot sakin? Para kang tanga."

"Baka kasi.. baka kasi biglang umuwi ka e." Nagkamot pa siya ng ulo.

"Dito nga ako matutulog diba? Wag ka ngang praning."

"Hayaan mo na lang kasi ako!" Para talagang ewan 'tong si Benneth. Bigla bigla na lang na tinotopak.

"Magccr ako, Ben. Maliligo ako. Wag mong sabihin na sasama ka rin doon?"

"Edi sabay tayo!" Nakangiti pa ang ungas.

Binatukan ko siya. "Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Magtigil ka nga! Doon ka na! Shoo!"

Sumimangot siya. Mukhang nilukot na tinapay ang mukha. "Tsk. Ang arte." Aba? Anong maarte?

"Ano? Anong maarte? Bigwasan kita eh!" Bigla siyang tumakbo palabas ng kwarto.

Kita mo 'yon. Tarantado talaga.





"Benneth, pakiluwagan nga! Hindi ako makahinga eh."

Paano ba naman, kung makayakap ay parang sinasakal na ako sa sobrang higpit! Hindi ako makagalaw dahil sa siksik ng siksik. Ang lapad lapad naman ng kama ah. Gusto yata akong patayin nito sa higpit ng yakap niya.

Niluwagan naman niya, pero parang ganoon pa rin eh! Hindi pa rin ako makagalaw. "Teka, usod nga. Usod!" hinarap ko siya. "Kanina pa ako naaalibadbaran sayo ha! Kanina panay ang buntot mo sa akin. Ano bang problema mo? Pwede mo naman akong yakapin eh. Pero, anak ng teteng naman! Hindi naman yakap 'yon! Nakakasakal eh! May balak ka bang patayin ako?"

Sa kakadakdak ko, nakatingin lang siya. Nagulat ako ng bigla siyang naupo kaya napaupo rin ako. Seryoso ang mukha niya ng tignan ako.

"Sorry, napapraning kasi talaga ako." Bigla siyang nagiwas ng tingin. "Baka kasi niloloko mo lang ako o pinagbibigyan, o di kaya naaawa ka lang talaga sa'kin. Pero kahit na alin pa 'don, basta dito ka lang. Ayos lang. Hi-hindi mo naman ako iiwan ngayon diba?" Bigla siyang tumingin sa akin.

Bumuntong hininga ako. "Alam mo Ben, nasaktan talaga ako sa ginawa mo--"

"Hindi ko yun ginusto!" Bastos 'to ah! Nagsasalita ako e!

"Oo na! Tss." Balik ulit sa seryoso. "Nasaktan ako kasi alam kong alam mo na sa lahat ng ayaw ko ay ang may ibang babae rito. Okay lang sa akin na ilabas iyang libog mo. Dahil ganon ka naman talaga." Sinamaan niya ako ng tingin pero nagpatuloy pa rin ako. "Pero wag dito. Pasensiya ka na kung pinalipas ko pa ng ilang araw. Nasaktan ako e. Pero naniniwala na ako sa'yo. Hahabulin mo ba ako ng nakaboxer lang papuntang lobby kung hindi?" Napangisi ako ng biglang nangunot ang nuo niya.

"Paano, ayaw mo 'kong pakinggan. Saka ayos lang 'yon, maganda ang katawan ko kaya walang dapat na ikabahala! Swerte pa nga sila e." Ang apog niya ay kumakapal ulit.

"Alam mo, nagsisimula na naman iyang kakapalan mo e. Matulog na nga tayo."

Ako na ang yumakap sa kanya pagkatapos ay nahiga na kami. Nasa dibdib ko ang ulo niya habang nakayakap rin siya sa akin, sa bewang.

Tuluyan na sana akong makakatulog ng bigla niya akong tawagin.

"Hmmm?"

"Malaman pala 'ting dibdib mo?" Inosente niyang tanong.

"BEN... NETH!"

Hinayupak ka Benneth!
Napakabastos mo talagaaa!

***

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now