Chapter 24

33.7K 632 31
                                    


TAMING BENNETH
C H A P T E R - 24
Used to do.






Hindi pala panagip 'yon.




Dahil nang bumaba ako ng magising ay nasa sala siya kasama nina Papa. Nang makita nila akong bumaba ay agad na tumayo si Benneth at nilapitan ako para alalayan.




"Kaya ko." Nang sabihin ko 'yon ay dahan dahan niya akong binitawan. Tinignan niya ako at ipinasok sa mga bulsa niya ang dalawang kamay at kinuyom.



Nang tumango siya ay nagsimula na akong humakbang, nalapitan ko si Papa na may kung anong tinitignan sa kanyang laptop at hinalikan sa pisngi. Pagkatapos ay nagpunta ako ng kusina at kumuha ng mga sangkap para magshake. Habang nagbabalat ako ng mga prutas ay naramdaman kong hindi na lang ako ang tao doon.

"Kamusta?"

Pinaandar ko ang blender. "Ayos lang naman."

"Uhm... Ano..." Napatingin ako sa kanya ng mautal siya at hindi alam ang sasabihin.



Tinignan niya rin ako pabalik pero nagibg malikot ang mga mata niya pagkuwan, hindi siya mapakali at halatang-halata ko iyon. Naiiling siya. At isa lang ang ibigsabihin 'non, hindi na siya sanay sa presensya ko. Nginitian ko siya ng mgay halong pait, ipinagpatuloy ko ang ginagawa at hindi na siya pinansin pa. Kung hindi siya kumportable sa presensiya ko, bakit pa siya nandito? Nang maisip ko iyon ay parang nawala ang lahat ng emosyon ko.

"Bakit ka nga pala nandito?" Balewala kong tanong habang naglalagay ng iced tubes sa blender.

Dalawa o tatlong minuto pa bago siya sumagot. Bahagya siyang natawa. "I used to be here."


Napatango ako. Oo nga naman, pumupunta nga naman siya dito. Pero bakit ngayon? Ano ang sadya niya? "Alam ko naman." Nginisihan ko siya.

"Then why are you asking?"

Nagkibit-balikat ako. "Wala lang. Ang ibig kong sabihin, ano ang sadya mo? May pinagusapan ba kayo ni Pap--"


"No. It's because of you." Tinitigan niya ako. "Of course." Naging pabulong ang huli niyang sinabi.


Because of me huh? Gusto ko talaga siyang sapakin. Kahit isa lang. Baka sakaling mabawasan ng kaunti ang sama ng loob ko sa kanya. Hindi ko na pinansin pa ang huli niyang sinabi. Sinungaling. Alam kong nagsisinungaling siya, kaya lang siya nandito dahil nagiguilty siya. Syempre, nandoon siya ng maaksedente ako. Hindi ko alam. Pero baka rin dahil iniisip niyang kailangan niya pa rin akong tignan dahil nga may pinagsamahan naman kami, kung anong pinagsamahan man ang matatawag doon kaya baka pakiramdam niya ay dapat niya akong kamustahin. Alam niya naman ang kalagayan ko, maayos na ako. Hindi na kailangan pa.



Nararamdaman ko ang mga mata niya sa akin. Ng matapos kong mainblend ang mga prutas ay nagangat ako ng tingin sa kanya. "Ayos lang ako. Hindi mo na kailangan na pumunta pa rito." Nginitian ko siya.


"I came here, 'cause I'm worried about you."


Hinarap ko siya. "Hindi na nga kailangan. Buhay naman ako ah. Nandito naman sina Papa."

Natahimik siya at kumunot ang kanyang nuo. "Ayaw mo bang nandito ako?"


Tumikhim ako at nagiwas ng tingin. Ayaw kong nandito siya? Gusto kong sabihin na kung pwede nga lang dito na lang siya, kung pwede nga lang wag na siyang umalis at dito lang sa tabi ko. Pero hindi para sa akin ang lahat ng may oras siya, hindi na iyon katulad ng dati.


"Hindi naman. Wala naman kong sinabi ah." Tumawa ako ng peke. Tumalikod ako at inayos ang mga kalat na mga balat ng prutas.




"Those fake laugh." Narinig kong nagbuntong hininga siya. "I know you more than you know yourself, Alecz."


Kilala niya ako kesa sa sarili ko? Kung ganon bakit hindi mo maramdaman na nasasaktan ako? Na gusto ko akin ka lang. Na mahal kita?

Muli ko siyang hinarap at ngitian ng hilaw. "Hindi Benneth. Hindi mo pa ako ganoon kakilala."


"Benneth? What happened to Ben?" Nakikita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.

"Palayaw mo iyon. Hindi ba?"

"Yeah. Pero ikaw lang ang tumatawag sa akin 'non. Where is it now?" Humakbang siya papalapit sa akin. Huminto siya sa mismong harap ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang lapit niya. Gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili kaya napapikit ako at napayuko. "Ang dapat na tumawag sayo 'non ay espesyal lang."

Hinaplos niya ang mukha ko at tinitigan ako na para bang kinakabisado ang aking mukha. Napasinghap ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Mahigpit na halos hindi na ako makahinga.



Isiniksik niya ang mukha sa leeg ko. He hugged me like he used to to. "You're the only one special to me." Naramdaman kong lumapat ang labi niya sa leeg ko. "Just you."



Hindi na ako nakapagpigil pa at sinuklian ko din ang yakap niya.



We enveloped each other like we used to do.




***

ImperfectPiece


CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now