Chapter 37

31.1K 475 18
                                    



TAMING BENNETH
C H A P T E R - 37
Off.











"Anak! Halika at may bisita tayo. Dali, dali!"








Pagkabukas na pagkabukas ni Mama ng pinto ay agad niya akong inakay papasok. Nagmamadali siya at para bang excited na excited sa hindi ko malaman kung anong dahilan. Dinala ako ni Mama sa sala at doon nakikita ko ang napakaraming magazines na nakakalat sa center table namin.







Nangunot ang nuo ko ng makita ko ang sinasabi niyang bisita. Hindi ko naman kasi kilala kung sino ito, wala akong natatandaang may kakilala kaming katulad niya. Isa pa, nagtataka ako kung bakit ba mukhang masayang masaya siyang makita ako. Ano ba ang mayroon? Sino ba ito?








Pero kahit ano pa man ang araw ko, nagawa ko pa ring ngitian ang sinasabi ni Mama na bisita. Tumingin ako kay Papa, hindi ko mawari kung may iniisip ba siya dahil sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Para bang binubusisi ako ng paningin niya at alam kong malalaman niya ang tunay kong nararamdaman kung patuloy akong makikipagtitigan pa kay Papa kaya ngumiti ako. Bumalik ang tingin ko sa bisita ng magsalita ito.








"Pwede na ba nating simulan?"






Nangunot ang nuo ko. Pabalik balik ang tingin ko sa bisita at kay Mama. "Anong simulan? Ang ano?"






Mukha namang natauhan si Mama, dahil sa kanina pa siya ngiting ngiti habang nakatingin sa akin. "Ay! Anak, siya ang designer ng wedding gown mo. Siya si Designer Magalya---"








"Nice to meet you, Alecz."









Wedding gown?










Natigil ang pagproseso ng utak ko ng marinig ko ang salitang wedding gown, kaya ng abutin ng designer ang kamay ko ay parang natulos lang ako sa aking kinauupuan habang nakatingin sa kanya. Nagtataka akong tinignan ni Mama habang si Papa ay nakamasid lamang sa amin hawak hawak ang isa sa mga magazing nakakalat.









"Alecz?" Nagtatanong ang mata ni Mama. Nagtataka siya sa ikinilos ko, kung bakit hindi ko pa abutin ang kamay ng baklang Designer.






"Ma..."








Nangiti lang ang designer at ibinaba niya ang kamay. "It's okay, naiintindihan ko siya. Masyado lang siguro siyang naoverw---"










Tulala ako ng putulin ko siyang magsalita. "Wala namang ikakasal. Bakit kailangan ng gown?"











Gulat nila akong tinignan. Hindi nila inaasahan ang sinabi ko. Wala namang talagang ikakasal, bakit kailangan pa ng designer para sa isang wedding gown kung wala namang kasal na magaganap?









"Alecz, sa kasal niyo ito ni Ben. Nakakalimut---"








Tumayo ako sa harapan nila. "Hindi kami magpapakasal. Walang kami."












Agad akong humakbang papaalis doon at tinahak ang daan papunta s king kwarto, naririnig kong tinatawag ako ni Mama pero hindi ko iyon pinansin. Sa bawat hakbang na aking ginagawa ay kasabay ng lalong pagbigat ng aking nararamdaman. Kasabay ng muling pagdama ng sakit.












Nang maisara ko ang pinto ay mahigpit kong hinawakan ang seradora, doon ko kinuha ang lakas ko dahil baka bigla na lang akong mabuwag sa kinatatayuan ko. Bumagsak ang mga butil ng luhang kanina ko pa pinipigilang umalpas. Mga butil ng luhang naguunahan sa paglandas sa aking pisngi. Luhang ibidensiya ng kung ano ang aking nararamdaman.












Kailan ko nga ba mawawala ang sakit? Kailan ko nga ba yayakapin ang katotohanang, hindi ko na dapat na ipagpatuloy pa ang nararamdaman ko? Para sa ikabubuti ni Benneth, sa anak niya at sa ina ng bata -Ayola, ay isasakripisyo ko ang kung ano man ang mayroon kami. Isasakrispisyo ko ang pagmamahal ko, dahil mahal ko si Benneth.











Pero hindi madali ang basta bastang pagsasakripisyo. Masakit at mahirap gawin. Pero para sa ikabubuti ng lahat bago ang sarili ko ay magsasakripisyo ako.











Kinuha ko kung saan itinago ko ang sobreng hawak ni Benneth sa nakaraan kong panaginip. Pinunasan ko ang aking luha at naupo sa aking kama.














Pagkatapos nito ay makakalimot rin ako.






***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now