Chapter 41

32.4K 450 2
                                        



TAMING BENNETH
C H A P T E R - 41
Embracing everything.






"Bakit pa kasi kailangan mong umalis anak?"







Ngumiti lang ako at hinawakan ang kamay ni Papa. "Pa..."






"Pwede namang dito ka na lang magaral. Kahit saan mo pa gustong magaral."







Napailing na lang ako at bahagyang napatawa sa mga sinasabi ni Papa. Ilang araw niya na akong tinatanong, at paulit-ulit lang ang tanong na tinatanong niya sa akin. Alam kong ayaw niya akong umalis, ayaw ko rin namang mawalay sa kanila pero para't saan at sa akin rin naman ito.






"Pa, kailangan ko to."

"Hindi solusyon ang pagalis kapag sawi anak."









Napayuko ako at napatulala sa madamong lupa ng garden namin. Kahit kailan, simula nang sabihin kong hindi naman na kami magpapakasal ni Benneth ay hindi ako kinwestyon nila Mama at Papa maging sina Tita Bon. Maging ang dahilan ay hindi ko rin sinabi. Inisip kong baka nasabi na ni Benneth kay Tita at Tito kaya hindi na sila nagtanong pa.









"Ano nga ba ang solusyon kapag sawi ang isang tao Pa?"




"Oras lang anak. Kailangan mo lang ng oras, at kapag dumating na ang oras na alam mong okay kana, magiging handa ka na ulit."





"Pero maduduwag kana. Diba pa?"






Tumango si Papa. "Depende sa sitwasyon anak." Huminga ng malalim si Papa. "Alam ko kung bakit ka umayaw."






Nginitian ko lamang si Papa. Hindi na bago, naalala ko noong highschool ako. Alam na alam niya kung sino sino ang mga nanliligaw sa akin, mga kaaway ko kahit na alam kong hindi niya pa naman kilala ang mga 'yon, hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon.





"Hindi na bago Pa."




"Pero boto pa rin ako kay Ben." Tatango tango pa si Papa.




Nangunot naman ang nuo ko. "Hindi na pepwede Pa. May pamilya na siya."



"Talaga?"



Lalong nangunot ang nuo ko. "Talaga? Akala ko ba alam mo Pa?"



Ngumisi lang si Papa. "Alam ko nga."









Sinundan ko lamang ng tingin si Papa habang naglalakad papasok ng bahay. Ang werdo talaga ng tatay ko. Gusto niya pa rin si Ben para sa akin? Kahit na alam niya ang sitwasyon ni Ben? Kahit na alam niya ang pangalawang dahilan ng pagalis ko? Napailing ako. Simula pa rati, lagi niyang sinasabi sa akin na dapat ay si Ben talaga ang makatuluyan ko, iniisip ko namang imposible iyon dahil sa hindi ko naman nakikita ang kinabukasan na kasama si Benneth. Dahil una pa lang, may kasunduan na kami, at dahil makamandag nga naman si Pag-ibig ay hindi ko alam na tumitibok na pala ang puso ko para sa kanya. Nagbago ang paningin ko, nagbago ang lahat ng pakikitungo ko, dahil mahal ko na pala siya.










Nang malaman ko namang mahal niya rin ako ay walang mapagsidlan pa ang sayang nararamdaman ko ng marinig kong sinabi niya iyon. Pero  agad rin nawala sa pagsisidlan ang saya, nawala ng parang bula ng malaman ko kung bakit niya kasama ang iba kung ako naman pala ang mahal niya. Tanggap kong may anak siya, pero may ina ang bata na hinding hindi pwedeng mawalay sa kanya lalong lalo na sa kanyang sitwasyon. Kailangan ng bata ang aruga at pagmamahal ni Benneth at Ayola. At kung sasali pa ako sa litrato nila, pwede kong masira ang pamilya ng bata. Pwede akong makasira ng pangarap.













Kaya kahit na ako na ang masawi, kung para sa ikabubuti naman ang gagawin ko, bakit hindi? Iniisip niyo sigurong, bakit naman ang bilis kong magsakripisyo? Na ibigay na lang si Ben kung mahal ko naman pala siya? Mahirap. Pero, wala sa tama ang pagibig namin. Iniliko ni Tadhana at nagbago ang direksyon ng mga pangyayari, maraming sangkot.









Sabi nga nila... kung mahal mo ang isang tao, kaya mong magsakripisyo.











At dahil mahal ko si Ben, at gusto ang maging masaya siya, kahit na hindi na siya magiging akin pa...












Magsasakripisyo ako para sa kanya kahit paulit ulit pa.








***

ImperfectPeice

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now