Chapter 46

38.7K 526 20
                                    




TAMING BENNETH
C H A P T E R - 46
Walang iba.




Nakasimangot na nagpapara ng taxi si Benneth habang hawak ang handle ng isa kong maleta at nakasabit naman sa isang balikat niya ang kanyang backpack. Hindi ko alam kung ano bang problema niya at para bang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya.


Tiningala ko siya. "Huy." Pero hindi niya ako pinansin.


At dahil hindi niya naman ako pinapansin, hinayaan ko na lang siya. Ano namang mapapala ko, sinasaltik na naman siguro ang isang 'to.




Nagulat ako ng bigla niya na lang na bitawan ang backpack niya at ang maleta ko. Mabibigat ang hakbang na pinanuntahan niya ang tatlong lalaking banyaga na magkakasama na hindi naman kalayuan sa amin. Nangunot ang nuo ko, sumabay ang paglaki ng mata ko ng makita kong hatakin na lang bigla ni Benneth ang damit ng isa sa tatlo. Hindi ako nagdalawang isip na iwan ang gamit namin at sundan si Benneth.





Hinawakan ko ang damit ni Benneth sa likod. "Ben..."

Nilingon niya ako at pinanliitan ng mata. "Bakit ka sumunod?"

"Ano bang ginagawa mo?"


Tumigas ang bagang niya. Dinuro niya ang lalaki habang nakalamukos pa rin ang isa niyang kamay sa damit nito. Ang dalawa namang kasama ng lalaki ay nakahawak sa balikat ni Benneth at ang isa ay sa kaibigan nila.


"Gago 'to eh. Kanina pa nakatingin sayo." Muli niyang tinignan ang lalaki. "Why are you staring at my wife?"

Wife huh?


Hinila ko ang damit ni Benneth at nagpaumanhin sa tatlong lalaki. Ayaw ko namang mapaaway siya, ayaw kong simulan ang pagdating ko dito nang nasa kulungan si Benneth. Mabuti na lang at mukhang mababait naman ang mga 'yon at umalis na lang.


Nang malayo na ang tatlo ay hinarap ko si Benneth. "Oh. Anong kinukunot ng nuo mo diyan?"

"Bakit mo nginitian 'yon?" Hindi makapaniwalang tinignan niya ako. "Alam mo bang kanina pa nila sinisipat yang katawan mo?"

"Wala naman silang ginagawang masama ah."

Bigla niya akong iniwan at binalikan ang mga gamit namin, saktong may humintong taxi at pinasok niya lahat ang gamit. Pagkatapos niyang sumakay ay sumakay na rin ako. Buong byahe ay hindi kami nagkikibuan. Hindi pa rin talaga nagbabago ang kulugong 'to.




Nang huminto ang sinasakyan naming taxi sa harap ng pinagreservationan kong hotel ay agad akong bumaba, binitbit ko ang gamit ko at iniwan si Benneth doon. Bahala siya sa buhay niya.



"Alecz!"


I made a face. "Manigas ka diyan." Bulong ko sa sarili.



Nagmamadali akong nagcheckin. Sumakay ako ng elevator pero nakahabol pa rin si ugok, katakot takot na irap ang ibinigay ko sa. Nasa likuran ko siya at nakapatong ang braso sa isa kong balikat.

"Nagugutom na ako."


Nagulat ako ng maramdaman ko ang basang labi niya sa tenga ko. Nagsitaasan ang mga balahibo ko at pakiramdam ko ay uminit ang paligid  kaya't tinanggal ko ang braso niya sa aking balikat at saka lumayo.


"Hi. I'm Martha."

"Benneth Jordan."


"Oh. You're the son of the owner?"



Nilingon ko si Benneth at nakita kong may kausap at kinakamayan siyang babae. Kahit saan talaga ilagay ang lalaking 'to lagi na lang may didikit na babae sa kanya. Malandi talaga. Sa inis ko ay ipinadyak ko ang paa, naapakan ko ang paa ni Benneth kayat napaupo siya at napayuko na namilipit sa sakit. Mamatay sana ang kuko mo!


Isinandig niya ang nuo sa aking pwet dahil nasa harap niya lang naman ako. Aba. Gago talaga.



Saktong bumukas ang elevator kaya't agad akong lumabas at iniwan siyang nakaupo roon, bago ako makalayo ay nakita kong tinulungan siya ng babaeng kausap niya kanina. Ngingiti ngiti pa si Hudyo.



Binubuksan ko ang pinto ng kwarto pero hindi ko mabuksan, hanggang sa maabutan na rin ako ni Benneth, pero kasama niya pa rin ang babaeng kausap niya kanina. Hind na talaga nagbago.

Huminto sila sa harap ko. "See you when I see you." Tumango ang babae at ngumiti saka umalis.






Ngumiwi ako at ginaya ang sinabi ng babae ng mas maarte pa. "She you when I she you."



Tinignan ako ni Benneth at tinaasan ng kilay. "Selos ka lang eh."


Sasapukin ko sana siya ng tignan niya ako ng seryoso. "Oh. B-Bakit?"


Sinapo niya ang aking mukha. "Ikaw lang ang mahal ko. Wala ng iba."




Tumibok ng hindi makatarungan ang puso ko. Baka mamatay ako ng maaga sa sobrang bilis ng pagtambol ng puso ko, dahil lang iyon sa mga kaunting galaw ni Benneth. Napakalaki ng epekto ng lahat sa kanya sa akin. Bumalatay sa kanyang mata ang pagnanasa at pangungulila.


"I-Ikaw lang din ang mahal ko." Napalunok ako. "Wala ng iba pa."







At hinalikan ko siya na para bang isa akong manlalakbay sa desyerto at ang labi niya lang ang makakapawi ng uhaw ko.



***

AN: The next chapter would be private 'cause it was going to be something steamy and sexual. You guys need to follow me to be able to read the next chapter.

ImperfectPiece



CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now