Chapter 39

29.3K 503 19
                                    


TAMING BENNETH
C H A P T E R - 39
A Negative.






Benneth's Point of View.




"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try your---"










Bullshit. I tried many times to call her, but I can't reach her phone. Gusto kong ihagis ang cellphone ko, hindi ko alam kung ang linya ba ang may problema o si Alecz mismo. Ilang araw ko na siyang hindi nakakausap o nakikita man lang, she's my medicine. Alecz can only calm me. I need to see or just simply hear her voice.









Hindi ako mapakali and I don't know why. She left without even saying anything. Kahit na text o message man lang, wala. I wanna come to see her, but I can't cause i'm the only one who is keeping an eye on Zen. I can't leave my son.











Whenever i'm not with Alecz, i'm afraid she'll surprise me. Surpresang hindi maganda. Surpresang nakakatakot. I want every single damn time of everyday to be her just by my side. Kaya kapag iniisip kong baka isang araw ay iwan niya na lang ako bigla...










It terrifies me.










I know she's hurting. Napakakumplikado ng sitwasyon namin. Alam kong ipinapakita niyang okay lang para sa kanya ang lahat, pero alam kong hindi. I want a picture with her, me and Zen. I want that, us to be a picture of a one happy family.









"Mr. Benneth Jordan?"








Nagangat ako ng tingin ng biglang lapitan ako ng isang humahangos na nurse. "Yes?"







"Ang anak niyo po."







Nang marinig ko ang sinabi niya ay nanlaki ang mata ko. Agad akong tumakbo at huminto sa harap ng kwarto ng anak ko but it's already close with nurses and a doctor inside. Kinalampag ko ang pinto, I want to enter, I want to be by my son's side and hold his little hands, l want him to know that i'm only here for him.








Naghintay ako ng kalahating oras, kasabay din ng pagcontact ko kay Ayola pero hindi ko rin siya macontact. Nagpaalam siya na aalis siya ngayong araw at humingi ng pabor na ako muna ang magbantay kay Zen, which is okay with me. Pero kailangan niya ng bumalik, Zen is at risk.









Dala ng kaba at pagkainip ay tumayo ako, sumabay ang pagbukas ng pinto ng kwarto at lumabas ang mga tao sa loob.








"Ikaw ba ang ama ng bata?" Tanong ng doktor.







Ikiniskis ko ang dalawang kamay at huminga ng malalim. "Yes, doc. Ano pong nangyari sa anak ko?"








I'm willing to give my blood and everything for Zen. Kahit na wala ako ng ipinanganak siya, kahit na wala ako noon para alagaan siya, I want him to feel of how does it feel to have a father.








Inalalayan ako ng nurse pagkatapos niya akong iexamine para makuhanan ng dugo. Sinabi kong wag ng gawin ang test dahil sa dugo ko naman ang bata pero kailangan daw iyon para makasiguro. Nang matapos ay nilapitan ako ng doctor at nangunot ang nuo ko sa sinabi niya.












"Hindi compatible ang dugo mo sa iyong anak Mr. Jordan. Kailangan natin ng type A---"













"Paanong hindi kami compatible? Anak ko 'yon doc. Dugo at laman. Naiintindihan mo ba ako?"








Para bang nagpagting ang tenga ko sa sinabi niya, why would be my son and I are not blood related?









"Pero iyon ang lumabas sa resulta Mister. Hindi namin pwedeng isalin ang blood type positive O na katulad mo sa anak mong type negative A ang dugo. We need a type A and O negative blood immediately." Nagbugtong hininga ang doctor ng makita niyang hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.








"Baka naman nagkakamali lang kayo. Iexamine niyo ul---"










"Mister, kailanman ay hindi nagkakamali ang results namin." Napatigil ang doctor ng sandali. "Unless, hindi mo tunay na anak ang bata.















What the hell?









***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now