TAMING BENNETH
C H A P T E R - 8
Preso.
"BITAWAN MO NGA AKO!"
"Ayoko nga."
Umagang-umaga pero abot hanggang tenga na ang buka ng bunganga ko. Anong oras na at late na ako. Hindi ko malaman kung ano na naman bang trip ang nasa isip ni Benneth at ganito siya ngayon. Naakahiga pa rin kami at ayaw niya akong bitawan.
"ANO BA KASING GINAGAWA MO?! WAG MO KONG ISALI SA MGA KAGUGAHAN MO BENNETH HA!"
"Alecz, pakihinaan naman ang volume mo." Aba aba. Inaasar talaga ako.
"Bigwasan kita diyan eh!" Nagpumipiglas ako ulit pero ang lakas ng kumag!
"Ayos lang. Basta ba dito lang tayo." Biglang lumuwang ang kapit niya, akala ko makakawala na ako. Pero sa gulat ko, bigla siyang dumagan saken. Akala niya siguro ay ang gaan niya.
"Ang bigat mo Ben!" Reklamo ko at ang tarantado ay tinawanan lang ako.
"Dito na lang kasi tayo, bumawi ka naman saken." Bawi huh?
Isiniksik niya ng maigi ang mukha niya sa leeg ko. "Bawi? Nahihibang ka na naman ba? May oras para doon at may pasok ako ngayon! Bangon na kasi!" Pinalo ko ang balikat niya, pero 'ni hindi man lang siya nangiwi at nasa balikat ko pa rin ang mukha.
"Tinawagan ko na si Ms. Monte, inexcuse na kita." Napatigil ako dahil sa hiningi niyang tumama sa leeg ko, at dahil din sa sinabi niya.
Ay aba! Papayag talaga ang prof na 'yon. 'yon pa! May lihim na pagnanasa kay Benneth ang isang 'yon. Malagkit kung makatingin sa mga estudyanteng tipo niya. Mapapairap ka na lang kapag nakita mong pumipitik pitik ang peke niyang pilikmata para magpacute. Biglang akong napabalik sa kasalukuyan ng bigla niyang idiin ang baba niya sa leeg ko, at dahil nasa leeg ang kiliti ko ay napasinghap ako.
"Benneth! Nakikiliti ako!" Niyukom ko ang kamay ko sa buhok niya sabay hila pataas.
"Araay naman!"
"Tumayo ka na nga. Ishave natin yang bigote mo, balak mo bang maging ermitanyo? Tumayo ka bilis."
"Eh baka tumakas ka." Nagaalangan pa siya kung bibitawan ako o hindi.
"Papayagan mo ba 'ko?" Sinusubik ko siyang tinignan.
"Syempre hindi 'no."
"Oh, tayo na! Dumeretso ka sa banyo."
Bumangon siya kaya tumayo na rin ako. Papunta na siya sa banyo nitong kwarto niya pero nagulat ako ng bigla siyang bumalik palapit sa akin.
"Oh bakit?" Nagtataka ko siyang tinignan dahil nakatayo siya sa harapan ko at nakatingin lang sa akin.
"San ka pupunta?" Kinurot ko ang tagiliran niya kaya napaigtad siya aylt lumayo sa akin.
"Sa kusina lang ako, Ben. Ano? Anong kakainin natin?" Pinandilatan ko siya ng mata. Bakit ba daig pa niya ang bata?
"Oo, na. Bilisan mo ha." Hinimas niya ang tagilirang kinurot ko.
"Ang galing ah." Ngumisi ako. "Katulong mo 'ko? Ha? Katulong?"
"Hindi. Asawa."
Binatukan ko siya. "Ulul. Manigas ka."
"Masyado kang bayolente ngayon ah! May kurot na, may batok pa." Lalo siyang lumayo sakin.
"Bwesitin mo pa ako. Di lang yan ang matitikman mong ungas ka." Gusto kong matawa sa nakasimangot niyang mukha pero nagkunyari pa rin akong naiirita sa kanya.
"Nananakit na nga, minumura pa 'ko." Nakatalikod na siya nang marinig ko ang binubulong-bulong niya.
"Ano?! Nagrereklamo ka yata jan eh!"
"Wala!" Papadyak pa siyang pumunta ng banyo.
Isip-bata talaga minsan yung gunggong na 'yon.
"ANG LIKOT MO NAMAN E! Wag ka ngang gumalaw!"
Nandito kami sa banyo. Nakaupo ako sa sink at nakatayo siya sa harapan ko sa pagitan ng hita ko na naka hubad baro. Hindi ko kasi siya ganoon kaabot at kailangan ko pang tumingkayad at tumingala para maabot ang baba niya. Hindi kami matapos-tapos sa pagsheshave ko dahil napakalikot niya. Ang sarap niyang bangasan.
"Hindi naman ah. Oh, ayan. Hindi na gagalaw." Shinave ko ang sa baba niya.
"Tagilid." Utos ko.
"Sabi mo wag akong gumalaw. Sumusunod lang ako."
Tumigil ako. Ibinaba ko ang braso kong may hawak na shaver at ang isang nakahawak sa itsura niya. "Baka gusto mo pati yang buhok mo ishave ko?"
"Gigilid na." Kailangan kasi ginaganito pa siya. Yung tinatakot.
Seryoso kong shinishave ang mukha niya ng bigla siyang magsalita.
"Namiss kita."
"Ang drama mo." Tuloy pa rin ako wt hindi pinandin ang sinabi niya.
"Promise, hindi na mauulit 'yon. Kahit na hindi ko naman sinadya. Pangako." Itinaas niya ang kamay niya na tanda ng pangako.
"Ayus-ayusin mo lang Benneth. Kapag ako napuno talaga, iiwan kit--"
Natigil ang ginagawa ko at naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinalikan sa pisngi pagkatapos ay niyakap.
"Diba sabi mo hindi mo ako iiwan? Bakit mo sinasabi yan ha?"
Bumuntong hininga ako. "Kapag iniwan kita, ibigsabihin lang 'non hindi mo na ako kailangan. Saka isa ka nang ganap na matino." Hinaplos ko ang buhok niya.
"Kung ganon, ayaw ko nang tumino. Para di ka na umalis." Humigpit ang yakap niya sa bewang ko.
Hindi tayo habang buhay na ganito Benneth, darating din ang oras.
***
ImperfectPiece
YOU ARE READING
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
General FictionClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...
