Chapter 22

34.4K 653 19
                                    

TAMING BENNETH
C H A P T E R - 22
Visit.











"Bawal ang tagalog words, Zandra."


Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Brent. "Sinong may sabi? Ikaw lang?"

Napailing siya. "Puro tayo english. Tapos bigla kang maglalagay ng tagalog?"

"E bakit ba?"

Kasalukuyan kaming naglalaro ng scrabble at kanina pa kami nagbabangayan. Tatlong araw ng nakaungot ang pwet ko sa kamang ito, at kung hindi dahil sa kanya ay baka nabubulok na ako sa bugnot dito. Bukas at bukas rin naman ay makakalabas na rin ako sa wakas sabi ng doctor. Hindi naman ganoon kagrabe ang napinsala sa katawan ko. Nakapagbreak kasi si Brent pero malas ko at inabot pa rin ako ng kotse niya.




Nagpapasalamat din ako at si Brent ang nakasagasa sa akin. Hindi dahil gwapo siya ha, hindi rin dahil sa gusto kong masagasaan at okay na okay sa akin, kundi dahil mabait siya. Plus pogi points 'yon. Tinanong ko siya kung bakit nandoon siya sa uni, hindi ko kasi siya nakikita sa campus kaya naitanong ko. Hindi na pala siya nagaaral, kakatapos niya lang sa course na architure noong nakaraang taon. Napunta lang daw siya doon sa uni dahil sa hinatid niya ang pinsan niya.





Tatlong araw na ako rito, at tatlong araw na rin siyang buong araw akong sinasamahan. Ang sabi ko naman sa kanya ay okay na ako at hindi niya na kailangan pang alalahanin. Pero,  pumupunta pa rin siya at syempre ay nagkakausap kami minsan.  Marami na rin akong alam tungkol sa kanya.





Nagbabangayan kami ng marinig kong bumukas ang pinto. Napatigil ako sa paglalagay ng tiles at tinignan ng may pagtataka si Brent. Sina Mama ulit? Kakaalis lang nila kani-kanina at mamayang gabi pa raw sila babalik. Nagkibitbalikat lang si Brent at naglaro ulit pero nang tignan ko ang pinto ay tinitigan ko ang nakatayo doon.




Bakit pa siya bumisita? Hindi na rin naman kailangan. Bukas ay lalabas na ako, nagaksaya pa siya. Naalala pa pala niya ako? Well, baka gusto niya lang naman makita kung buhay pa ako.



"Benneth." Nagtataka akong tinignan ni Brent at pagkatapos ay tinignan kung saan nakatuon ang mga mata ko.



Tinignan niya ako pabalik. "Sino siya?" Pero hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako kay Benneth hanggang sa nasa harapan ko na pala siya.



Sinulyapan ko si Brent at para bang naintindihan niya ako kaya tumango siya at lumapit sa akin. Bahagya niyang niyakap ang ulo ko at binulungan ako. "Kapag may problema, nasa labas lang ako." Pagkatapos ay tinitigan niya ako at nginitian. Bago lumabas ay nagkatingin sila ni Benneth, pero hindi rin nagtagal ay lumabas na si Brent.



Nakatingin lang ako sa pintong nilabasan ni Brent. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko, lalo pa't alam kong kasama ko si Benneth.

"Kamusta?" Pagkuwan ay nagsalita siya.




Katahimikan.



Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya kaya tinignan ko lang ang mukha niya. Pero kahit kaharap ko siya ay pakiramdam ko napakahirap niyang abutin, pakiramdam ko ay napakalayo niya. Nagbago siya.


Bahagya akong tumango. "Ayos lang. Humihinga pa."




Umupo siya sa silyang kinauupuan kanina ni Brent. Napalunok ako sa lapit niya sa akin. "Nagalala ako."




Gusto kong ngumisi. Nagalala siya? Gusto kong magtanong. Bakit ngayon ka lang kung ganon? Bakit ngayon lang Benneth? Pero sa halip ay tinignan ko siya na para bang wala siyang kahit na anong puwang sa puso ko. Hinawakan niya ang kamay ko pero dahan-dahan ko ring binawi iyon. Napatingin siya akin, nagtatanong ang mga mata at bahagya kong nakita ang pagdaan ng sakit. Na para bang nasasaktan siya dahil sa ayaw kong hawakan niya ako. Ayokong hawakan niya ako dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla ko na lang siyang yakapin. Yakapin na parang isang simpleng galaw lang para sa amin noon. Pero noon yon, at hindi na pwede ngayon.




"Salamat." Salamat lang ang tanging kaya kong sabihin. Wala ng kahit ano pa.


Napayuko siya. Napansin ko ang kaunting pagngayayat ng kanyang katawan, lumalim ang kanyang mata na para bang kulang siya sa tulog. Gusto kong haplusin ang buhok niya, gustong-gusto niyang ginagawa iyon kapag magkatabi kami. Pero pinigil ko ang sarili. Dapat kong isiksik sa kokote ko na hindi na kami tulad pa ng dati.


"Magpapahinga lang ako."

Nagangat siya ng tingin at pinakatitigan ako. At ako rin sa kanya. Gustong gusto ko siyang hawakan, pero may pumipigil sa akin. Nahiga ako patalikod sa kanya. Nagrinig kong tumayo siya at bumuntong hininga.




At kasabay ng paglabas niya ng pinto ang pagalpas ng luha ko.


***

AN: Bukas ulit.

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora