Chapter 2

53.4K 979 41
                                    

TAMING BENNETH
C H A P T E R - 2
Couch.









"Benneth nakikinig ka ba?"






"H-ha? Oo." Saglit lang siyang nagtaas ng tingin at balik ulit sa cellphone niya. Sino kaya ang katext ng tukmol na ito?






"Ang sabi ko..." Sinadya ko talagang ibitin. "...uuwi na lang ako."






"Ano?" Binaba niya agad 'yong cellphone niya.





"Wala. Matutulog na ako. Sa couch ako matutulog." Puro babae niya ang inaatupag. Sa bagay, hindi naman nawawalan ng babae si Ben. Yan pa ba? Babaero yan eh.





"Bakit doon? Hindi tayo kasya doon." Reklamo niya.





"Hindi tayo tabi." Tinalikuran ko siya pagkatapos ay inikutan ng mata. Bahala ka sa buhay mo.




Tabi mo neknek mo!





Hindi ko na siya kinibo pa at pumasok na sa kwarto. Ha! Sa couch talaga ako matutulog 'no! Kasya kaya ako 'ron, tapos siya hindi. Kalaki niya ba naman kasi. At nang makahiga na ako ay humarap ako sa sandalan. Maya-maya ay naramdaman kong may nakatayo sa likod ko. "Urong."





"Hmmm..."





Bigla ko na lang naramdaman na para bang umangat ako sa ere. Sa isang iglap ay siya na ang nakahiga at nasa ibabaw niya na ako't nakaupo.






"Ho--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hilahin, kaya napahiga ako. Bale, nakadapa ako sa taas niya. Bababa sana ako kaso kinulong niya ako sa braso niya. Ang higpit ng yakap ah! Ano bang problema nito? Sinusumpong na naman ng pagkasaltik niya. "Benneth, uupakan talaga kita! Inaantok na ako ha!"






"Mas inaantok ako 'no. Ilang araw na akong walang maayos na tulog." Nagpapaawa.






Napabuntong hininga naman ako. Dahil nakokonsensiya ako, pagbibigyan ko siya. Sige na nga. Kaya hindi nako nagpumiglas. Humanap ako ng pwestonh kumportable. Inilagay ko ang mga kamay ko sa dibdib niyang hubad.






"Hindi ka na naman nagdamit. Kapag ikaw nagkapulmonya--"






"Nandiyan ka naman e. Aalagaan mo naman ako. Diba?" Nakasiksik siya sa leegan ko.





"Heh! Oy. Wag mo akong ihuhulog ha. Pusod mo lang ang walang latay."






"Hindi kita ilalaglag. Hahawakan kitang mabuti. Nang sobrang higpit."






"Siguraduhin mo lang talaga-- Hoy! Ano bang ginagawa mo?" Sinisinghot niya kasi ang leeg ko. Nagaadik ba itong si Ben?







"Ang bango mo naman. Ano bang pabango mo?" Pagkatapos ay sininghot niya ako ulit. Parang tanga talaga.






"Nakalimutan ko yung pangalan." Muli niya akong sininghot. "Ano ba!"




"Hmmm..."











NASAAN na ba iyong pabango ko? Imposibleng mawala 'yon kasi nandito lang yon. Pagkagising ko kaninang umaga ay tinignan ko ang bag ko para sana maglagay ng pabango sa susuotin ko mamaya pero hindi ko iyon mahanap. May laman pang kaunti 'yon. Sayang naman.







"Ano bang hinahanap mo?" Tanong ni Benneth. Siguro nahalata niyang kanina pa ako hindi mapakali at parang may hinahanap.






"Yung ano... yung pabango ko? Nakita mo ba?" Inukay ko ulit yung bag ko pero wala naman akong makita! Nasaan na ba kasi yo--





"Nakita ko." Napaangat ako ng tingin.





"Oh. Nasaan na?" Sabay lapit at lahad ko ng kamay sa harap niya.






"Inispray ko don sa kwarto. Kaamoy mo kasi."





Napatulala na lang ako. Benneth? Pwede ba kitang bigwasan? Kahit na ba isang beses lang? Pwede naman siyang bumili. Napaka talaga! Hindi man lang nagpaalam. Pero hinayaan ko na, bibili na lang ulit ako ng bago.





"Nagugutom na ako." Natauhan ako sa pagkakatulala sa kanya ng sabihin niya iyon.






Sa totoo lang, pwede naman siyang kumuha ng katulong eh, kaso ayaw niya raw ng ibang tao rito kaya ako ang lahat ng gumagawa para sa kanya. Kung ibang tao lang 'to? Minasacre ko na 'to eh. Pero syempre timpi lang tayo. Mabait tayo eh. At dahil nagugutom na raw ang señorito natin, pakakainin ko na.






"Gusto mo bang sumama?" Tanong ko sa kanya habang subo siya ng subo.





"Saan?" Bastos talaga 'to. Puno pa nga ang bibig eh.







"Benneth, nguyain mo muna yan bago ka sumagot." Mariin kong saway sa kanya.






Agad niyang nginuya ang nasa bibig niya at uminom ng tubig. "Okay na."





"Yung project ko kasi, by partners 'yon. Gagawin namin. Sama ka?" Kung maiiwan iyan dito, baka mamatay 'to sa gutom.






"Sige." Tinanguan ko na lang siya at dumeretso na sa kwarto niya para sana maligo pero may naalala ako kaya sinilip ko siya sa hamba ng pinto at tinanong.






"Sino nga pala yung katext mo kagabi?"






"Selos ka? Hindi ko naman siya dinala rito ah."





"Ang kapal ng apog mo 'tol." Ngisi ko sa kanya.





"Wala. Yung kapartner mo 'yon." Huh? Partner saan? Sinong partner?







"Saan?"






"Sa project niyo. Pinapalitan ko. Lalake pala 'yon? Tinakot ko lang ng kaunti." Sabi niya habang nakangiti.





Napakati na lang ako sa ulo at napailing na pumasok ng banyo.







***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now