Chapter 25

34.7K 621 55
                                    



TAMING BENNETH
C H A P T E R - 25
Maling akala.







"Ahhh!"






Napasigaw ako ng biglang buhatin ako ni Benneth ng walang pasabi habang nakatayo sa paaan ng hagdan. Pinipilit ko kasing igalaw ang binti ko para mas madaling gumaling. Sinamaan ko siya ng tingin ng tawanan niya lang ako. Hinampas ko ang dibdib niya at agad siyang huminto sa paghakbang.




Tumaas ang kilay ko. "Oh. Bakit?"



"Sino nga pala yung lalaking kasama mo sa hospital?"

Really? Ngayon niya naitanong 'yon? Habang karga-karga ako at nakatayo sa gitnang baitang ng hagdan?


"Ah. Si Pogi?"

Nangunot ang nuo niya at inilapit ang mukha niya sa akin. "Pogi huh?"


"Pogi naman talaga 'yon." Nginisihan ko siya. "Siya yung nakasagasa sa akin."

Bigla siyang nagiwas ng tingin. "Siya pala 'yon."

Ngayon naman, ako ang napakunot ng nuo. "Hindi mo alam? Akala ko kilala mo na siya. Diba nandon ka nung masagasaan ak---"

Tinignan niya ako ng may pagtataka. Ako rin ay nagtaka ng humakbang na siya ulit at dumiretso kami sa kwarto ko. Iniupo niya ako sa kama at umupo siya sa lapag paharap sa akin sa pagitan ng tuhod ko.


"Paano mo nalamang nandoon ako?"

Tinignan ko siya. At muli kong naalala ang senaryong huli kong makita bago ako naaksidente. Nakangiti niyang hinahaplos 'non ang buhok ni Ayola at titig na titig sila sa mata ng isa. Matapos 'non ay niyakap ni Ayola si Benneth at sinuklian din iyon ni Benneth. Umatras ako ng kaunti at pagkatapos ay inilabas ko ang ngiting praktisado.




"May hinahanap kasi ako doon. Tapos nahagip ka ng mata ko." Kailangan kong magsinungaling. Hindi niya naman kailangan malaman na nandoon ako at nakita ko ang nakakainlove na eksena nila.







Tinitigan niya akong mabuti, naghahanap ng kung ano sa mata ko. Pagkuwan ay bumuntong hininga siya at napayuko. "Yeah. I was there."






With Ayola. "Nakita nga kita." Tumango ako. At nagkunwaring 'yon lang ang alam.


Tinitigan niya ako ng mataim. Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa at tanging pagtibok lang ng puso ko ang aking naririnig. Yumuko si Benneth at idinikit ang kanyang nuo sa nakalaylay kong tuhod sa kama. Hinaplos ko ang buhok niya katulad ng gusto niyang ginagawa ko, napangiti ako ng maamoy ko ang shampoo kong ginagamit sa buhok niya.



Napatigil ang kamay ko ng dumampi ang labi niya sa tuhod ko. Dumoble ang tibok ng puso ko at hindi ko alam ang dapat na ire-ak sa ginawa niya.


"I missed you." Iniyakap niya ang dalawang braso sa bewang ko at ipinahinga ang ulo sa legs ko.

Nagwawala ang puso ko sa sinabi niya. Tatlong salita lang, pero napakalakas ng apekto sa akin. Hindi lang dumoble ang tibok, trumeple pa kung posible. Nakikiliti ang tiyan ko at parang may mga lumilipadlipad sa loob 'non. Naramdaman kong nagiinit ang pisngi ko. Nang hindi ko sagutin ang sinabi niya ay nagangat siya ng tingin.



"Yung lalaking tinatawag mong pogi." Umikwas ang isang kilay ko. "Sino mas pogi? Ako o siya?"



Kunyari ay nagisip ako at mayamaya'y tumikhim. "Si.... Brent."


Binitawan niya ako at nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay. "Bakit siya?"


"Mas type ko kasi iyong moreno."

"Edi magpapaitim ako."


"Iba ang moreno sa maitim."

"Ganoon na rin 'yon. Pareho lang."


Napailing ako sa kakulitan niya. Ngumiti ako. "I missed you too, Ben."


Nagkatitigan lang kami. Pumungay ang mga mata niya at pagkatapos ay itinulak niya ang balikat ko dahilan para mahiga ang kalahati ng katawan ko sa kama. Pumaibabaw siya sa akin at itinukod ang dalawang siko sa magkabila kong ulo.




"I missed you too." Nakatutok lang ang mga mata ko sa kanya, pero nagbaba siya ng tingin at ngayo'y nakatingin na sa labi ko. "So much."




Napalunok ako ng unti-unti nang bumababa ang mukha niya. Hindi ko alam pero para bang nawala ang lahat ng nasa paligid ko at kaming dalawa lang ang nasa isip ko. Hindi ko alam ang gagawin. Nabibingi ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, taas baba ang dibdib ko kasabay ng malalalim na hininga ang aking pinapakawalan. Diretso pa rin ang tingin ko sa kanyang mata. Mga matang kayang akong lunurin sa isang simpleng tingin lang.




Pero tumigil siya.









Gahibla na lang ang layo niya bago magdikit ang labi naming dalawa ng magring ang cellphone niya na agad niyang tinignan.






"Ayola? .... P-papunta na ako." Bumakas ang pagaalala sa kanyang mukha at walang sabi-sabi siyang lumabas.





Pero nandoon pa rin ako at nakahiga. Naiwang nagiisa at diretsong nakatingin sa kisameng nababalutan ng kulay puting pintura. Parang nawala ang mga emosyong dulot niya ng marinig kong tinawag siya si Ayola. At kung paano niya alalahanin si Ayola. Ibang-iba sa akin. At muli, nasasaktan na naman ako. Sa mismong gitna ng kama ko kung saan iniwan ako ni Benneth, nadurog ang puso ko.




Siguro nga dapat ay wag na akong umasa pa. Maling akala na naman.



Maling akala.



***

ImperfectPiece

CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)Where stories live. Discover now