Chapter 16 : Heart Beats

Depuis le début
                                    

Ang ginawa niyang pandaraya kanina lang ay bumabalik sa isip ko. Hindi ako makahanap ng sapat na dahilan para gawin niya yon, nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya, nag-iba ang tingin ko at hindi na ata siya ang Kade na kilala ko.

Para paikliin ang mahabang kwento, natalo si Kade at nanalo si Cali. Nagdiwang ang mga taga timog at nagngingit sa inis ang mga taga hilaga. Padabog na umalis si Kade, halatang hindi tanggap ang pagkatalo, walang nangyaring dayaan. Sa pagkapanalo ni Cali ay para narin akong nanalo, tila nabawi niya ang pagkatalo ko kanina.

"Congratulations." masaya kong bati kay Cali ng salubungin ko siya matapos siyang dumugin ng mga babae para batiin.

"It's all because of you." ngiti niya at pinahid ang pawisang mukha.

Sa ginawa niya naman ay napansin ko agad ang kakaiba sa kamay niya.
Dumudugo. Mabilis kong kinuha yon at nakumpirma na ang sugat niya ang dumudugo. Naging sariwa ulit ang sugat. Parang wala lang sa kanya kanina, may iniinda pala siyang ganito.

Mabilis ko siyang hinila paupo. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at itinali yun sa sugat niya. Nang matapos ay nahuli ko naman siyang nakatingin sa akin.

"Bakit mo hinahayaan tong sugat mo ?" diretsa kong tanong habang nakatingin din sa kanya.

Hindi siya sumagot at tinitignan lang ako at nakangiti.

Napaiwas naman ako. "Bakit mo ba ako tinitignan ?"

"Ang ganda mo kase." walang alinlangan niyang sabi.

"So, lahat ng maganda tinitignan mo ng ganyan ?"

"Bukod sa nanay at kapatid ko, ikaw lang naman ang magandang nakita ko."

Tinignan ko siya. "Ang galing mo rin mangbola ano ?"

Tumawa siya ng bahagya. "Salamat sa pagpunta Summer, akala ko hindi ka na pupunta."

"Wala yun, nakapangako ako diba ?"

"Dahil lang sa pangako kaya ka pumunta ?"

"Uh, hindi naman ---"

"So pinuntahan mo rin ako ?" sabik niyang tanong.

"Uhm, sort off ?" patanong kong sagot. Ugh, bakit ko ba sinasabi ang mga to.

Hindi maipaliwanag ang ngiti niyang nakita ko. Tuwang tuwa na parang bata, iba rin talaga ang isip nitong si Cali. Humiwalay na ako sa kanya dahil pupuntahan ko si Storm sa clinic, iniwan ko doon si Ash kanina at sigurado akong nag-aamok na siya ngayon sa tagal ko. Kahit hindi maganda ang unang pagkikita namin ni Ash, unti unti ay nagiging maayos din ang pakikisama namin sa isa't isa.

Nadaanan ko pa si Chance at sumabay siya sa akin papunta ng clinic. Dalawa na kaming pumunta at iba ang nadatnan naming nakaupo sa tabi ni Storm, hindi si Ash kundi isang babaeng nakatali ng mataas ang pulang buhok. Nakasuot ng pang-basketbolistang uniporme at nakatalikod mula sa amin. Sa gitna ng pagkagulat, ganun din ang ginawang taranta ni Chance sa tabi ko.

"Oh Shit !" bulalas niyang bigla at nagtago sa likod ko.

Sa pagsasalita ni Chance ay nilingon kami ng babae at tumayo mula sa kinauupan niya.

"Kayo ba ang kasama niya ?" tanong niya sa akin kaya't napatango ako.

"Oo, bakit ? Sino ka ? Kilala mo ba siya ?" tanong ko naman.

Umiling siya. "No ! May dinaanan lang ako sa clinic at saktong gising siya, nagwawala. Walang maka-awat sa kanya kahit ang isang kasama niyo." sabay turo sa sahig at nakita namin doon si Ash na nakasimangot.

The hell, hindi ko siya napansin agad. Napatingin naman ako kay Storm at tulog na tulog siya.

"Paano niyo siya napatigil ?" tanong ko ulit.

Walang binigay na reaksyon ang babae, may dinampot siya sa lamesa at itinaas sa harap ko ang isang ineksyon na may malaking karayom.

"Pinatulog ko siya." ngisi niya.

Itinurok niya yun kay Storm ?

"Grabe talaga siya." rinig kong sabi ni Chance sa likod ko, teka nga bakit ba nagtatago ang isang to ?

Mabilis naman napukaw ang pansin ng babae at tinignan si Chance na nagtatago sa likod ko.

"It's a coincidence to meet you here." sabad ng babae at alam kong si Chance ang sinasabihan niya.

"I don't know you." sabi naman ni Chance na nanatili ang pagtatago sa likod ko.

"Oh really .." umilang hakbang ang babae at naramdaman ko ulit ang pagkataranta kay Chance.

"Itago mo ko Rheiko." nakakaloko, nakita na nga siya ay gusto niya paring magtago.

Bigla namang nag-iba ng direksyon ang babae at inikutan si Chance kaya naman walang kawala ito at ngayon ay magkaharap na sila. Pumaling din ako paharap sa kanila para maibsan ang pagtataka ko, magkakakilala ba sila ?

"Hello perv !" sarkastikong sabi ng babae.

"Uh, hello -- A." sagot naman ni Chance.

A ? Kung hindi ako nagkakamali, siya ba ang sinasabing babae ni Chance na ipapakulam niya ?

Magsasalita pa sana ang babae pero dali daling tumakbo si Chance, nilagpasan siya at kumaripas palabas. Mukhang takot na takot siya sa babaeng to.

"Really an asshole !" patawa tawang sabi ng babae.

Naglakad na ang babae at iniwan kami ng hindi lumilingon o nagpapa-alam. Kakaiba rin siya. Hindi na lang ako umimik at umupo sa tabi ni Storm, anong oras kaya siya magigising ?

Kinabukasan

Nagising akong naririnig ang mga patak ng ulan, inabutan ng ulan ang sports fest, ang malas. Paano na kaya ang mga stall sa field ? Bumangon ako ng may napansin akong kakaiba, nababalutan ng makukulay na papel ang nasa harapan kong walk in cabinet. Pupungas pungas pa akong lumakad at dumiretso doon, tinanggal ng isa isa iyon. Sticky notes ? Paano naman nagkaroon ng mga ganito dito ? Binasa ko ang mga nakasulat doon at hindi ko inaasahan na mapapangiti ako sa mababasa ko.

"Thank you for being my personal nurse, seriously I want to cut my self out for you to heal me."

"You're cute when you're sleeping."

"Meet me at the cafeteria at 12nn, we're going to have lunch."

"It's raining again. I already miss Summer ;) . And oh, congratulations because it's you. I miss you Summer."

Yan at kung ano ano pang iba't ibang mensahe ang nabasa ko. Hindi siya masipag magsulat hah. Tumalikod ako sa walk in closet at pumunta sa bintana, bukas na ito malamang ay dito pumasok si Cali. Paglapit ko naman ay saka ko napansin ang mga bagay na nakapatong sa lamesa, tulad ng nauna may kasama ring mensahe. Isang payong at isang jacket.

"For your shield, take care outside. Madulas sa labas, wear this and use the umbrella okay ? Para di ka magkasakit. ;) "

At isang puting rosas.

"Pure white rose for a pure girl like you. Sorry, isa lang to' mahal yung isang bouquet wala akong pera. Hope you like it Summer."

At sa pagkakataon na to' hindi ko na talaga alam kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko.

Of The Shattered CompassOù les histoires vivent. Découvrez maintenant