"Manonood tayo siyempre, kailangan ng pagkain." muka talaga siyang pagkain, manang mana sa kuya niya.


"Go ! Go ! Ash !" sumigaw ng ganyan si Yhno sa tabi kaya nagulat kami.


"Hoy ! Diba North ka ? Bakit si Ash ang pinapag-cheer mo diyan ?" siko sa kanya ni Chance.

Tumingin naman si Yhno sa kanya. "Eh wala namang North eh, saka kawawa si Ash walang suporter kaya ako nalang... Go Ash Hayes ! Go go !" hayy wala na siyang pag-asa.

"You might lead the cheering squad Yhno. Go find skirts and pom poms, and put some make up then, that's much better." seryoso namang sabi ni Andreau, wala sa itsura ang pang-aasar pero alam namin na yun ang ibig niyang iparating.

Hindi naman siya pinansin ni Yhno at patuloy na nag-cheer. Para siyang si Tita Micah, very persistent.

"Hi Summer !"

"Oh my god !"

Biglang sumulpot si Cali sa likuran namin at si Rheiko ay napatago bigla sa likod ko dala ang pagkagulat. Sapo ang dibdib at nakapikit pa habang nakahawak sa blouse ko. Ano bang nangyayari sa isang to ?

"Hey ! Okay ka lang ba ?" umupo si Cali sa tabi niya dahil may espasyo pa dito bago kay Chance.

Hindi lumingon si Rheiko kay Cali at nananatiling nakatago sa likod ko, tumango lang siya bilang pag-sang ayon.

"Anong nangyayari sayo Summer ?" patuloy na tanong ni Cali.

Dahan dahan namang nilingon ni Rheiko si Cali. "Wala, nagulat lang ako." pilit na ngiti at ramdam ko ang panginginig ng kamay ni Rheiko na nakakapit sa blusa ko.

Uh-oh. I smell something fishy.

"Dinaanan kita sa dorm mo, wala ka doon." malumanay na sabi ni Cali na parang lungkot na lungkot talaga at hindi niya naabutan si Rheiko sa dorm.


"Maaga kase ako nagising, teka-- anong nangyari sa noo mo ?" napansin agad ni Rheiko ang maliit na sugat ni Cali sa noo.


Hinawakan naman ni Cali yun. "Ahh eto ba ? Si Storm kase, nabwisit ata sa pagsigaw ko sa bintana mo, ayun pagbaba ko binato ako ng alarm clock. Bwisit na lalaki yun." napatawa naman ako bigla.

Napaka-sadista talaga ni Storm.


"Ahh, akala ko kung napano na." mapag-alalang sabi ni Rheiko.

"Nag-alala ka ba sakin ?" abot tengang ngiti na sabi ni Cali.

Mabilis namang napa-iwas ng tingin si Rheiko. "Hah ? Ah--"

"Hoy ! Hindi to' park kuya, wag kayong maglandian dito pwede ? Malawak ang field." eksena naman ni Chance sa tabi niya.

Tinignan naman ng masama ni Cali si Chance. "Hoy ikaw -- teka, anong nangyari sayo ? Sino gumawa sayo niyan ?" mabilis na nawala ang pagka-inis ni Cali at napalitan ng taranta sa nakitang itsura ni Chance.

Of The Shattered Compassजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें