Chapter 9 : OH YES WAY !

Magsimula sa umpisa
                                    

Ngunit hindi pa ako nakaka-baba ng hagdan ay may naririnig akong pagkalabog ng pinto, malakas ang paghampas at tila gusto ng wasakin ng tuluyan ang pinto kung sino man ang kumakatok dito. Boses ng isang babae ang naririnig ko kaya naman dali-dali akong bumaba at nabungaran ko nga ang isang babae na kumakatok ng pinto ni Storm.

"HEY ! STORM ! OPEN YOUR F*CKING DOOR OR I'LL KILL YOU RIGHT NOW."

Isang babaeng may kulay blonde ang buhok ang kumakalampag sa pinto ni Storm. Kahit nakatagilid ay kitang kita ang kagandahan ng mukha niya. Humarap siya sa akin nang mapagtanto niya na nakatingin ako sa kanya. Berdeng mga mata at mapupulang labi ang agad kong nakita. Mala-birhen ang mukha ngunit nakatago sa loob ang nakakatakot na pustura. May katandaan ang mukha niya at alam kong hindi siya estudyante dito, ngumisi lang siya sa akin at saka itinuon na ulit ang mata sa pinto ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi na niya yun kinatok. Pumwesto siya at sumipa ng pagkalakas lakas dahilan upang masira at bumagsak ang pinto. Napatutop ako ng bibig sa nakita ko, masyado siyang malakas para magawa ang bagay na yon.

And there I heard a gasping sound on the other side, there I see a bunch of westerner watching out the girl. Kanina pa siguro sila doon at mukhang hindi nila kinaya ang babaeng ito dahil sa nakakaakot nitong ginagawa. Nasa mukha nila ang pagka-ilang habang minamasdan ang babae, sino ba kasi siya ?

"What the f*ck !" rinig kong sigaw ni Storm at lumabas ng pinto.

Bumalandra sa harap niya ang naka-pameywang na babae at nginisian siya.

"Late waking up darling ?" mapang-asar na sabi ng babae.

Nanlaki ang mata ni Storm at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko ang pagkatakot sa mukha niya.

"MOM ?"

What the hell ! Nanay to ni Storm ?

"Bakit , may ka pa bang nanay bukod sa akin ?" ngayon ay dalawang kamay na ang nakapameywang sa kanya.

Darn, really. Nanay siya ni Storm ? Now I know kung kanino nagmana si Storm.

Napakamot si Storm sa ulo niya. "Nasaan si Daddy ? Diba sabi ko si Daddy nalang ang pumunta ?"

"Don't worry, kasama ko ang Daddy mo."

"What ? Dalawa pa talaga kayo ? Mommy naman eh. Mang-gugulo lang kayo dito eh." parang magkasing-edad lang sila kung makipag usap si Storm sa kanya.

Sa gitna ng pagka-inis ay napalingon sa akin si Storm at nabigla rin sa presensya ko.

"Rheiko, male-late ka na, pumunta ka na sa meeting place." napatingin naman sakin ang babae na ikinayuko ko.

"Ooh, Rheiko huh ? You're reminding me of the younger age of Cham." napatingala naman ako sa tinuran niya.

Sumimangot si Storm at nilapitan ako saka itinulak paalis. "Sige na umalis ka na, susunod nalang kami doon." sabi niya saka tuluyang pumasok sa loob at niyaya ang babae.

Nginisian pa ako ng babae bago pumasok at talagang nakakatakot siya. Umalis na ako ng tuluyan bago pa ako balutin ng kaba sa buo kong katawan.

Nang makalabas ako ay nakita ko na ang maraming magulang na nagkalat at mga estudyante na ginagabayan ang maga magulang nila. Somehow I felt jealous, sana nandito rin sila Mommy para kasama sila sa meeting. Natural naman sa estudyante ang papuntahin ang magulang sa eskwelahan kung sakaling may pagpupulong hindi ba ? Pero sa ngayon ay hindi ko pa mararanasan yon.

Of The Shattered CompassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon