Normal pa ba 'to?
Kapag nagsasalita siya ng mga pahiwatig na iiwan niya ako dahil sa napapagod at punong puno na siya sa akin, natataranta ako. Natatakot sa hindi ko malamang dahilan. Ang sabi ni Mommy, hindi raw siya nagkamali kay Alecz. Natutuwa raw ang Dad dahil sa nahanap ko na raw ang katapat ko at tumitino na ako.
Isang araw, may natanggap akong text sa hindi ko inaasahang tao. Bumalik na ang hinihintay ko, nakaramdam ako ng kakaiba, gusto ko siyang makita. Pero kapag nakikita ko naman si Alecz, nakakaramdam ako ng konsensiya. Pakiramdam ko ay mali ang gagawin ko. Minsan, kapag galit siya ay nagagalit rin ako. Marami akong iniisip ng mga panahong 'yon. Ano ba ang dapat kong gawin?
"Seryosohin kita? Eh wala namang seryoso sa atin eh. Alam natin kung ano lang tayo, Ben. At hanggang doon lang tayo."
Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ko ng parang nilamukot ang puso ko. Masakit. Unti-unti, lumayo ako sa kanya. Yun naman ang gusto niya eh, para sa kanya wala lang ako. Nagkamali ko, akala ko iba siya, katulad lang pala siya ni Dad.
Nakipagkita ako kay Ayola ng mga oras na hindi na ako pinupuntahan ni Alecz, siguro tama na ang pagiging masyado kong madepende sa kanya. Hindi ako dapat na maging ganoon. Bakit ko nga ba nakakalimutan na, walang ibig-sabihin sa kanya ang kung ano ang meron kami. Nasa bar kami kasama ang mga kaibigan ni Ayola ng hindi ko inaasahang biglang dumating si Alecz. Gusto ko siyang lapitan, gusto kong yakapin siya. Nangangati ang mga kamay ko, pero may paalala ako sa sarili kaya pinagkasya ko ang sarili na titigan na lamang siya.
Nalasing ako ng gabing 'yon, lahat ng babaeng nakakaharap ko ay nagiging kamukha ni Alecz, maging anv mga sinasabi ko ay hindi ko na rin alam. Nagising ako 'non at may kinakapa, niyakap ko iyon pero nangunot ang nuo ko ng iba ang amoy 'non. Hindi iyon ang amoy ni Alecz. Nang magdilat ako ng mata ay si Ayola na suot suot ang damit ko ang bumungad sa akin. Dumagsa ang alaala kagabi, nakaramdam ako ng pait ng pumasok sa isip kong hindi si Alecz ang katabi ko, na hindi niya pa rin ako inuuwi.
At nang araw ding 'yon, hindi ko inaasahang pupuntahan niya ako. Si Ayola ang nabukas sa kanya ng pinto, gusto ko siyang hilahin papasok. Pero may naalala ako, kaya nang makita ko siya ay ngumiti lang ako. Hindi ko alam kung namamalik mata ba ako ng makita namutawi ang sakit sa kanyang mata. Bakit naman siya masasaktan?
Pagkatapos 'non ay wala na. Hindi na niya ako pinuntahan pa. Tuluyan na siguro akong inayawan 'non. Iyon naman ang gusto ko, pero bakit parang gusto kong magwala? Siya ang laging paikot-ikot sa unit ko, sa bawat sulok at lugar, kaya minsan, namamalik mata ako at napagkakamalan kong si Alecz si Ayola. Pinaalis ko si Ayola matapos ang araw na iyon, gusto kong si Alecz lang ang babae rito.
Pinakiusapan ako ni Ayola na ihatid siya, na dapat ay kay Ayola ko ginagawa 'yon. Pababa na si Ayola ng may maalala siyang may sasabihin siya sa akin, hindi ko alam ang mararamdaman sa sinabi niya, kaya nang bumaba siya ay bumaba rin ako para klaruhin ang sinabi niya. Pero nagulat akong nandoon pala si Alecz.
Naasidente siya ng araw na iyon, hinabol ko ang sasakyang nakabangga at siya ring nagdala sa kanya sa hospital. Gago nga ako, naduwag akong pumasok kaya pumunta na lang ako sa kanila at sinabi ang nangyari. Nakakaputangina. Alam mo ba iyon? Sana pala hindi ako nagpakaduwag. Edi sana ako ang nagasikaso at nagbibigay ng kailangan niya.
Nasasaktan ako kung paano niya ako titigan. Iba na iyon. Pero siguro nga, dapat ko na talagang ituloy ang iniisip ko. Kailangan ko na siyang layuan. May anak ako kay Ayola, ayaw kong maramdaman niya ang naramdaman ko kay Dad. Gusto kong mas maging mabuting ama. Ayaw kong ikukong si Alecz sa akin, hindi siya magiging masaya sa akin. Pero hindi ko mapigilan. Kahit na alam ko na ang sitwasyon ko, pilit ko pa ring nilalabag ang sarili at ginugusto siyang makita.
Nang sabihin niyang mahal niya ako, hindi ko alam ang dapat na sabihin. Gusto kong matuwa dahil mahal niya rin naman pala ako, na pareho ang nararamdaman naming dalawa. Pero may halong lungkot sa puso ko, hindi ako karapat dapat sa kanya. At para sa anak ko, lalayuan ko si Alecz.
Inuna ko ang puso. Isinawalang bahala ko ang sitwasyong kinalalagyan ko, hindi ko kayang mawala sa akin si Ayola. Inisip ko lang ang sarili ko, hindi ko inisip ang mararamdaman niya. Paano ko pa nga ba mapipigilan ang pagmamahal ko? Kung lagi ko siyang nakikita gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
At sinabi ko nga. Sinabi kong mahal ko rin siya. Pinagisipan kong mabuti ang mga hakbang ko. Sinabi ko ang tungkol kay Zen, natatakot lang naman ako sa magiging reaksyon niya, pero daoat niyang malaman ang totoo. Kahit na natatakot akong baka hindi niya matanggap at iwan na ako ng tuluyan. Nakasama ko pa siya ng ilang araw ng biglang hindi ko na lang siya macontact. Umalis na lang siya ng walang pasabi. Ni walang tawag o text.
Gustong lumubog pagkatao ko ng malaman kong hindi pala sa akin ang bata. Napamahal na sa akin si Zen, kaya nasaktan ako ng malaman kong nagsinungaling si Ayola. Nakausap ko siya pagkatapos kong ipaDNA ang bata para mas makasiguro, pero hindi nagbago ang resulta. Nagmakaawa siya at humingi ng tawad, gusto niyang akuin ko si Zen para hindi malungkot ang bata, dagdag pang may sakit ito.
Pumayag ako. Pero hindi ako nangako. Nalaman kong aalis si Alecz. Alangan namang tumungagva lang ako at hintayin iwan niya ako, hindi iyon pwede. Gumawa ako ng paraan, nagtanong ako kay Tito Zander kung nasaan ba sa Alecz, pero kung saan saang lugar niya ako pinapunta. Nagmakaawa ako ng maramdaman kong pinaglalaruan lang ako ni Tito. Naatanggap ako ng mga salita at suntok. Alam niya ang mga nangyari at hindi ko alam kung saan niya iyon nalaman.
Pero wala na akong pakelam doon. Kailangan kong mahanap si Alecz bago pa siya umalis. Kinuntyaba ko ang lalaking laging pinagmumulan ng selo ko. Oo. Si Bret. Nilunok ko ang pagkamuhi sa kanya, alam kong may nararamdaman din siya para kay Alecz, pero hindi pwede. Ako lang dapat. Kaming dalawa lang at dapat niyang tanggapin 'yon.
"Bakit naman kita tutulungan?"
"Kasi ako ang mahal ni Alecz. Ako."
At mismo sa araw ng flight niya, ginawa ko ang plano. Parang gusto kong tumalon mula eroplano ng makita ko siya. Gusto kong pasalamatan ng pasalamatan ang naging karibal ko, dahil kung hindi dahil sa kanya, walang mangyayari sa akin.
At ngayong ikakasal na kami at naakatayo mismo sa harap ng altar para sa basbas ng diyos, ngayong ikakasal na sa akin ang taong mahal ko, at nakikita ko na ang kinabukasan namin kasama ang magiging anak namin, at ng babaeng nagpabago sa buhay ko... hindi na ako makakapagantay pa.
She tamed me. Alecz tamed me.
-END-
ImperfectPiece
VOUS LISEZ
CBS#1: Taming Benneth (COMPLETE)
Fiction généraleClingy Boys Series#1: Taming Benneth Sabihin na nating hindi normal ang pagsasama nila. Engage sa harap ng iba, palabas lamang para sa kanilang dalawa. Pero papaano kung ang set-up ni Aleczandra Theresa Samson Monterde kasama ang isang isip-bata...
Epilogue
Depuis le début
