♤Chapter 42♤

2.8K 55 0
                                    

Hindi niya napigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi niya dahil sa nakita niyang mga litrato. Maraming beses na niya yung tiningnan sa nakalipas na buwan.
Ang masayang larawan ng pamilya at buo niyang mga kaibigan sa ilalim ng pagbagsak ng malakas na snow,ang muka ni Aquela na halatang pilit ang ngiti at ang mga nanggagalaiting muka ng mga taong nasa likuran niya.
Maging ang larawan ng kasal ni Aquela ay nanggulo ang lahat ng mga kaibigan niya. Halata niya sa muka ni Aquela ang sobrang kasiyahan sa kabila ng blangko nitong muka dahil sa katabi niyang napakagandang bride.
Nandoon din ang sina Mr.and Mrs. Acevedo at ang ama ni Cianhel na si Mr. Arnold Shin pati ang kapatid nitong si Arhale.

Masaya na siya dahil kahit papaano ay mayroon parin siyang koneksyon sa mga ito.
Naramdaman niya ang mga brasong pumulupot sa baywang niya at inamoy nito ang batok at leeg niya.
Nilapag niya ang mga litrato na hawak niya at siniko ang matigas na sikmura ng kasintahan niya.

Pero tinawanan lang siya nito na nagpairap sa kanya.

"Where did you came from?"taas kilay niyang tanong sa lalaki.

"Tapos na!napamigay ko na ang dapat ipamigay!" nagliwanag ang muka niya sa sinabi nito.

"Siguradong magugulat silang lahat!"masaya niyang sabi.

"Sino ba namang hindi kung malalaman nilang we are still existing in this small world"sabi ng lalaki.

Napangiti siya at pinakatitigan ang muka ng lalaking kaharap niya.
Sa dami ng nangyari,masasabi niyang napakaswerte niya parin dahil nanatili ito sa piling niya.

"Bakit mas lalo kang gumagwapo man?"natatawa niyang sabi and give him a quick kiss on his

"Ikaw din mas lalong gumaganda...ngayon ko lang narealize,hahaha!"sinamaan niya ito ng tingin,pero kinindatan lang siya nito at mabilisang inilapat ang labi nito sa malambot niyang mga labi. Napangiti siya then put her arms around his nape. She can feel his hands supporting her back as he kissed her like there's no tomorrow,katulad niya.

He ravished her lips and every edge of her mouth tasting the sweetness of her.
They kiss together with the same ferocity.

Hindi pa sana sila titigil hanggat hindi pa nawawalan ng hangin sa mga baga nila.

They smile at each other and her man's face came serious.

"Alam kong ilang beses ko na tong nasabi sayo pero hayaan mo akong sabihin ulit ang mga salitang to."sabi ng lalaki sa kanya habang titig na titig sa mga mata niya. Naging triple ata ang pagbilis ng tibok ng puso niya,ganon ang epekto sa kanya ng lalaking kaharap niya.

"Noong una palang kitang makita sa grocery...yeah ngayon ko lang nasabi na ako ang lalaking nakabanggaan mo noon,haha. Nung nagtama ang paningin natin,hindi ko alam kong anong nangyari sa akin at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Yeah...i admit the fact na una palang kitang nakita ay nahulog na ako sayo ng hindi ko nalalaman,hindi ako na niniwala sa love at first sight kaya pinagsawalang bahala ko nalang yun pero sa mga sumunod na araw na nakita kita mas lalong lumala ang nararamdaman ko para sayo,hindi ko nagustuhan yun,dahil una sa lahat noon palang kita nakita at hindi pa kita lubos na kilala pangalawa madilim ang buhay ko at ayaw ko na madawit ka sa kaguluhan na nagawa ko. Pero wala eh,sinabihan na kita noon na wag na magpakita sa akin dahil siguradong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko pero nagpatuloy ka parin,kaya simula non,sinabi ko sa sarili ko...kung totoo man na pagmamahal na tong nararamdaman ko at hindi basta-basta na like lang hindi ka na makakawala sa akin. Halos mabaliw ng ako nung ilang araw kang umiwas,sinabi ko sa sarili ko na mabuti na yun dahil ayaw kong mapahamak ka dahil sa kakaibang mundong pinaggalingan ko,pero sadyang makulit ang puso ko at iba ang dinidikta nito kaysa sa utak ko nagawa ko pang magconfess sayo at saka tuluyan na umiwas dahil alam kong hindi tayo pareho ng nararamdaman,sound like crazy though...pero di parin kita matiis..."

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon