♤Chapter 8♤

2.4K 71 0
                                    

*Miracle's POV*

"Aalis na muna ako,babalik nalang ako kung kailan gugustuhin ni Yrah."love really need sacrifices. Hahaha.
Binuhat na niya ang backpack niya.

"Pinalayas ka ba niya,hindi naman diba? Ang OA nito may palayas layas ka pang nalalaman,paano kayo magkakabati niyan kung lalayas ka,wag ka ngang magpakatanga."
sumimangot siya. Ang gusto lang naman siguro ni Yrah ay ang suyuin siya ni Aren,dahil isa siyang dakilang pabebe. Ganyan daw kasi ang babaeng nagmamahal pinapalayo nila yung minamahal nila pero kabaliktaran nun ang ang gusto nila. Kulang nalang talaga at paguuntugin ko na ang dalawang to.

"Bahala nga kayo sa buhay niyo,kung ako sayo imbis na maglayas kuno ay manghihingi ako ng sorry sa kanya at aminin ang kasalanan na nagawa mo,pababain ang pride at igaya sa sabon na pride, tunawin mo muna kahit papaano para may mapala ka naman."Bumuntong hininga siya.

"Salamat Miracle."nagulat ako ng yakapin niya ako. Niyakap ko na rin siya pabalik,abno talaga ang isang to.

Nilapag niya ang bag na dadalhin niya sana sa paglalayas niya kuno.
Nagpaalam siya sa akin na may lalakarin lang daw siya,babalik naman daw siya.
Nagtext ako sa kanyang bumili siya ng isang boquet ng tulips. Sana matanggap niya.

"Ingat,baka mapunit yang bibig mo,niyakap kalang para ka ng baliw." biglang sumulpot si Yrah na hindi maipinta ang muka. Nababaliw ako sa kanilang dalawa,hindi dahil sa yakap ni Aren,sanay na akong niyayakap ng hinayupak na yun.

"Selos ka?"
Tanong ko na ikinamaang niya.

"Putcha!ano?a-ako magseselos!hindi no!at sa mukang ingrone pa na lalaking yun,of course no!bakit ka nagiisip ng ganyan,gusto mong makalbo huh?"sabay tawa niya na may halong kaba.
Napangiti ako,pinagseselosan ako ng sarili kong kaibigan, maganda ba yun dahil same feeling ang dalawa at confirm ko na yun o pangit baka kalbuhin ako ng tuluyan ni Yrah ayaw ko namang masira ang nabuo naming friendship.

"Masyado ka namang aggressive."napasimangot ako,pinandilatan niya ako ng mata.

"What are you talking about!"napailing iling akong napatawa at lumayas sa sala,dumiretso sa kusina.

"Babae!hindi mo ba ipagluluto ang mga tiyan natin?!"tawag ko sa kanya.
Mali ata ang sinabi ko,baka lagyan niya ng lason ang pagkain na kakainin ko.
Ilang segundo pa ay sumulpot siya sa harapan ko.

"Saka nalang kapag marunong na ako,sa ngayon 99% ang posibilidad na masunog ko ang kusina natin,kain nalang tayo sa labas."sige ba,libre naman ata ng babaeng to.

"Ikaw ang magbayad."laglag ang balikat akong sumunod sa kanya palabas ng bahay.

Pagkadating namin sa bahay hindi agad pumasok sa loob si Yrah magpapahangin daw muna siya. Sus, may malaki naman siyang bintana sa kwarto niya ang sabihin niya aantayin niyang ang damuhong si Aren.

Nauna nalang ako sa loob,gabi na rin at inaantok na ako haharapin ko pa ang aking kinabukasan!
Dumiretso na ako sa kwarto ko hindi ko na muna sinarado baka kung sakaling may hindi magandang mangyari kay Yrah ay maririnig ko. Humapla na ako sa kama.
Nabawasan ang allowance ko ngayon dahil sa babaitang yun,sinulit na niya ang pagkain. Di bale manghihingi nalang ulit ako kay Aren.
Patulog na ako ng marinig ko ang pagparada ng sasakyan,im sure its Aren.
Hinayaan ko muna sila.

Ilang minuto pa akong nagpikit dilat. Hindi ko parin sila naririnig na pumasok. Alam kong nasa taas ako pero maririnig ko ang ingay ng dalawang yan,malamang magbabangayan na naman sila. Walang katapusang bangayan. Napabuntong hininga ako at tumayo. Lumabas ako ng kwarto at napagdesisyunang bumaba.
Sumilip ako sa pintuan,nandon silang dalawa sa gilid ng kotse ni Aren,nakatalikod mula sa akin at seryosong naguusap. Mukang malapit na sila sa lebel ng pagbabati.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon