♤Chapter 12♤

2.2K 57 0
                                    

*Miracle's POV*

Tahimik lang ako habang inaalis ni Kuya Aquela ang bala na bumaon sa laman ko. Kinagat ko lang ang ibabang labi ko para hindi maglabas ng ingay sa bibig ko,tiniis ko ang sakit.
Nagaral naman daw ng pagiging doctor si kuya Aquela kaya ayos lang,i trust him,hindi ako mawawalan ng dugo pagkatapos nito. Wala tong anesthesia kaya sobrang sakit.
Napahawak ako ng mahigpit sa binti ko habang unti unti ng nailalabas ni kuya ang bala na bumaon mula doon.

Nalasahan ko nalang ang dugo na galing sa sugatan kong labi pero binaliwala ko lang iyon.

Sa wakas ay natanggal na niya ang bala sa braso ko,nakahinga na ako ang maluwag at tiniis ang sakit.
Nilagay niya ang bala sa isang babasaging basong may tubig kaya pumula iyon dahil sa dugo ko.

"Sorry for this young lady,hindi ka kasi pwedeng dalhin sa hospital."seryoso niyang sabi.

"Why."

"Sa ngayon,bawal ka munang magkaroon ng record sa kung saan man."naguluhan ako sa sinabi niya pero hinanda ko ang sarili ko at pumikit ng mariin bago niya simulan ang pagtatahi sa sugat ko.
Pinigilan ko ang sarili ko na umaray. Until Im used to it.

Ilang minuto rin akong nagtiis sa sakit sa wakas ay natapos narin. Iniwan niya muna ako sa sala. Nakakainis si Aren. Wala akong napala sa lalaking yun,he didn't answer my questions!
Hinayupak siya,ngayon nakakapagtaka tuloy kung ano ang paguusapan nila ng Sync at Calyptus gang kasama si Yrah.
Mababaliw na sana ako kaka isip ng dumating si kuya Aquela.
Dinala niya ako sa isang kwarto,kwarto daw dati ng kapatid niyang babae kapag nagbabakasyon dito sa mansiyon niya.
Dito daw muna ako magpapahinga hanggang bukas.

Pihadong hindi ako babalikan ng mokong na yun. This is the safest place that he's talking about. Sabagay,kani kanina lang ang dami ng mga men in black suit na may malalaking katawan at baril ang nasa paligid ng mansiyon niya.

Marahan akong humiga sa kama. Ang sarap sa pakiramdam.
Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto its color peach,peach din ang kulay ng kabuuhan ng kwarto,pati ang kulay ng sapin sa kama at unan. Lahat ng nandito ay kulay peach at kung hindi man kagaya ng mga furniture ay naging accent sa peach na silid.

Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan ko.

"Kung may kailangan ka o nagugutom ka puntahan mo nalang ako sa nagiisang kwarto sa kanang pasilyo."kasabay nun ang narinig kong pa paalis na yapak.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hindi ako nakakaramdam ng gutom ngayon. All i want is rest. Nadrain ako ng sobra sa mga nangyari.
Hindi ko na inayos ang pagkakahiga ko sa kama,mahirap tumayo lalo na at nakabenda ang kaliwang braso ko.

Nagising ako kinabukasan na nagugutom ang tiyan,naalala ko pa na may pasok pa ako ngayon.
Pinilit kong bumangon at nagulat nalang ako ng madatnan kong may isang malinis na damit sa paanan ng kama.
May nakalagay doon an sticky note at ang pangit ng sulat kamay.

Clean yourself.

-Aquela

Pagkatapos kong maghirap sa kung paano ako gagalaw sa loob ng banyo dahil hindi makagalaw ang isa kong braso ay bumaba na ako.
Kunot noo ako ng madatnan si kuya Aquela at Aren na seryosong naguusap.
Pinalibot ko ang paningin sa paligid habang bumababa ng hagdanan. Grabe lang ang ganda,hindi ako naligay dahil malapit lang naman dito ang kwartong pinanggalingan ko.

Mukang napansin ako ng dalawa dahil ngayon nakatingin na sila sa akin habang pababa ako ng huling baitang ng hagdanan.

"Lets have a breakfast,sasama ka sa akin."Kuya Aquela said in his bossy tone.

"Saan naman tayo pupunta,may klase pa ako ngayon eh."imbes na sagutin niya ako ay umalis siya at dumiretso siya sa kung saan.
Napadako ang tingin ko kay Aren na nakatingin sa akin.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon