♤Chapter 34♤

1.7K 52 0
                                    

*Miracle's POV*

Masaya akong pumasok sa Cleistenntine pero halos sumayad ang panga ko sa lupa ng madatnan ko ang isang longtest. Putik lang,bakit ba hindi nasabi sa akin ni Lane ang bagay na yan!malamang...hindi ko siya pinakinggan...
Kaya stock knowledge ang ginawa ko,pagkatapos ng lahat ay tinawanan lang ako ni Destiny.
She knew that its me,Miracle. Kilala niya kung sino sa amin ang tunay na Miracle,siguro dahil narin sa ugali namin ni Lane,minsan lang yun maging madaldal at mabunganga kay Dest.

"Nasabi ba ni Lane sayo na pumasok na si Ramirez?"

"Nandito na siya?"hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango tango lang naman siya.
Walang pasabi akong lumabas ng classroom at mabilisang tumakbo palabas ng gusali.

Kinuha ko ang phone ko at hinanap ko kung nasaan na siya gamit ang tracking device na nakalagay sa phone niya. Sana di niya natuklasan na may nilagay ako sa battery niya.

Nakita ko ang maliit na dot na steady lang sa kinaroroonan niya. Sa garden...akala ko hindi na niya babalikan ang mga lugar na madalas niyang tambayan dahil sa makikita ko siya kaagad,pero mukang napamahal na siya sa garden na yun.

"Yo!man!"masaya kong bati sa kanya ng nakita ko siyang nakaupo at nakasandal sa isang puno,nakapikit ang mga mata niya kaya ng magdilat ito ay nagtama ang paningin namin.
He hide all his emotion...blankface again...hanggang kailan kaya siya magiging ganyan.
Kahit naman hindi niya ako nakilala bilang may amnesiang Miracle ganyan parin siya at itinatago ang lahat ng emosyon sa likod ng malamig niyang mga mata dahil nakilala niya parin si Spring.

"Kamusta,long time no see,hindi mo ba ako namiss?"haha hinayupak ang kakapalan ng muka ko.

"Who the hell are you."he's denying me to the core,napaismid ako.
Okay...lets pretend like its the first time we've met each other.

"Im Miracle Acevedo...nice to meet you mister."inabot ko sa kanya ang kamay ko para sana makipagkamay pero hindi niya yun pinansin kaya binawi ko nalang.

"Hindi mo ako papansinin?nagpakilala na ako kaya hindi na tayo stranger."sabi ko pa,kalmado lang siyang nagsalita ng hindi man lang tumitingin sa akin.

"Hindi ako interesado sa isang mamamatay ng inosenteng tao."that hits me. Napangiti ako ng mapakla.

"Ganon ba,ngayon lang ako nainform...kasi dati wala namang ganyan...kaso nasama pala yun sa resume ko ng hindi ko nalalaman."pagak ako tumawa.
Napatigil ako ng tumayo siya at nagmartsa paalis.
Pero bago pa man siya tuluyang makaalis ay humarang ako sa dinaanan niya.

Blangko ang muka niya nakatingin sa akin.

"S-saan ka pupunta?"hindi ko alam kung anong sasabihin ko mapanatili ko lang siya sa tabi ko.

"None of your business,wag na wag ka ng magpapakita sa akin."hinawi niya akong malakas kaya ayun sa lupa ang bagsak ko,nagtuloy tuloy lang siya na parang walang nangyari.
Tumayo ako at inayos ang damit ko.

Unti-unti siyang naglaho sa paningin ko,sobra-sobra ko ba siyang nasaktan?stupid Mira!tinatanong pa ba yan. Ako mismo ang gumawa sa kanya niyan,ako ang naging dahilan kung bakit siya nagkakaganon,ako ang gumawa ng halimaw sa loob niya kaya ako ang makakaalis nun. Sobra ko siyang nasaktan...kung may magagawa lang sana ako,para pawiin ang sakit na nararamdaman niya ginawa ko na,pero ano nga ba ang gagawin ko.

"Mira..."i stand still even if i heard his voice.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin Villanueva."nilingon ko siya at nakita ko na ulit ang gwapo niyang muka.

"Pasensya naging busy ako,kamusta."bahagyang sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Ito humihinga pa naman ng normal"nagkibit balikat ako.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon