♤Chapter 41♤

2K 47 0
                                    

*Aquela's POV*

Saka palang ako lumabas ng sasakyan ng makita ko sa may di kalayuan ang pagalis nilang tatlo.
Bumaba na ako ng sasakyan dala ang isang puting rosas na puno ng tinik.

Ng makarating na ako sa tapat ng puntod niya ay inilipag ko sa tabi ng mga bulaklak nila ang nagiisang hawak kong rosas para sa kanya.

Tss. Hindi ko alam magiging ganito pala ka-awkward na magbigay ng bulaklak sa isang kapamilyang alam ng lahat na patay na at kailangan ko na ring tanggapin na wala na siya.

Its a pure shit,right.

"Why do you have to do that?..."
As if she'll answer me. I sighed deeply bago naglakad paalis.

Hindi pa man din ako nakakarating sa pinagparadahan ng sasakyan ko ng tumunog ang cellphone ko. Napailing nalang ako at sinagot yun.

"What."

"Naghatid po ng pananghalian sa inyo si maam Cianhel kaya bago pa lumamig ang pinaghirapan niya bumalik ka na po dito."boring niyang sabi.
Napailing nalang ako.

"Ok."pinatay ko na linya.
Nasanay na ako sa sekretarya ko. May galit ata sa mundo at lahat ng tao sa paligid niya ay dinadamay niya pati ako na boss niya.

Nagmaneho na ako papunta sa office ko.
Malalaking hakbang kong tinungo ang elevator pagdating ko sa building at mabilis kong tinahak ang opisina ko.

Excited na akong matikman ang luto ng fiance ko at baka dapuan pa ng langaw ang ginintuan nung takip at balot. Tsk!

"Masarap palang magluto si ate Cian."nanlaki ang mga mata ko ng makita kong prenteng nakaupo si Miralane sa swivel chair ko at inuupakan na ang nasa  isang baunan na surely ay dala ni Cianhel.

"What the heck Lane,thats for me!"

"Hmmm!alam ko,wag ka ng childish kuya palagi mo namang natitikman ang luto ng magiging asawa mo, ipatikim mo naman sa akin kahit papaano!"inilayo niya sa akin ang hawak niyang pagkain bago ko pa man din yun maagaw.

"Itira mo sa akin yang nasa isang tupper,hindi na ako oorder sa labas ng pantanghalian ko."
Ngumiti lang naman siya ng napakalawak sabay tango.

Niluwagan ko ang necktie ko at prenteng umupo sa couch.

"What are you doing here."ako.

"Kumakain ngayon sa harapan mo."matalim ko siyang tiningnan.

"Fine. Kailan alis natin. Yeah ganon ako ka excited."

"Hindi ka na magaantay ng graduation?"taas kilay kong tanong sa kanya. Umiling lang siya"nagawan ko na ng paraan yun."

"Okay.Ihahatid lang naman kita kaya bukas na tayo aalis."

"Kausapin mo na rin sila mama at papa." pangungumbinsi niya.

"Wala naman kaming di pagkakaunawaan."

"Kung ganon bakit ka umalis sa puder nila at nagtatag ng sarili mong Mafia Clan?"

"Wala namang masamang maging malaya."anas ko.

"Hmm...sabi mo eh."

"Wag mo na ngang lantakan yang kakainin ko,have mercy on my stomach luto yan ng mahal ko."

"Pucha!ang cheesy mo na ngayon bro ah,pwede ka ng ipakain kay Jerry."

"Atleast hindi ako naiinlove kay bugs bunny."

"Wag mo ngang inaano yung bugs bunny ko dahil hindi ka naman niya inaano!"

At nagbulyawan na kami na parang mga bata,hindi namin naranasan ang ganito noon. Bata pa kami pero seryoso na masyado ang tingin namin sa buhay at dahil yun sa ginawang pagpapalaki ng mga magulang namin sa amin.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon