♤Chapter 31♤

2K 43 0
                                    

*Miracle's POV*

Kasalukuyan akong nakikipaglaban sa mga dummy ng may kumatok sa pintuan ng practice room ko.

"Pasok!bukas yan!"
Sinipa ko ang huling dummy na nakatayo pero imbes na matumba ay tumayo ulit ito at nagpagewang gewang.

"Mira...nasa hospital ngayon si Lane,nagkaharap na sila ni Ramirez at ito mismo ang nagdala sa kanya sa dun,unbelievable nalaman na ni Ramirez ang katotohanan..."napalingon ako kay kuya Aquela na binuksan ng malaki ang pintuan.
Wala namang sekretong hindi nabubunyag kahit na matagal mo na itong naibaon sa lupa.

"Ligtas naman siya diba?"
Tumango lang si kuya sa akin.

"May plano kang magpakita kay Ramirez."

"Wala,pero may balak akong bisitahin ang kapatid kong matigas ang ulo."he just chuckled at me. Wala pa akong mukang maihaharap sa kanya ngayon kapag magkita man kami sakali,i dont know what to do.

"Kaya mo na ang sarili mo,may lalakarin lang ako."

"Wew!sabihin mo susunduin mo lang si ate Cianhel sa airport sadyang ayaw mo lang akong isama!"napatawa lang siya,napaaga kasi ang uwi ng fiance niya galing Greece malay ko kung bakit.

"Sige na hindi ka naman na bata."pagkasabi niya nun ay umalis na siya. Hmp!ang sarap niya sapakin sa muka but in the second thought wag nalang...mahal pa siya ng fiance niya.

"Hoy!sarado mo yung pintuan lalabas yung aircon!"napasimangot ako ng wala akong marinig na response niya. Bwisit ang lalaking yun. Malakas kong sinuntok ang dummy na hindi ko basta basta napapagbagsak ng simpleng suntok o sipa lang dahil tumatayo ito kaagad pero sa pagkakataon na to ay nakahilata na ito sa sahig.

Pinunasan ko ng towel ang balikat pati muka ko saka lumabas sa practice room kung saan ako nagsasanay na makipaglaban sa mga dummy.

Dumiretso na ako papunta sa kwarto ko at mabilisang naligo.
Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng mansion.
Ang sarap sa pakiramdam ng tamaan ako ng preskong hangin.

Ako nalang ang tao dito maliban sa mga bodyguards na nasa paligid.
Ang mga walangya iniwan ako men!

Pagdating ko sa hospital at dumiretso na agad ako sa private room kung saan magpapahinga ngayon ang kapatid kong matigas ang ulo. Dapat ako ang nasa lugar niya ngayon pero hayan na siya at ginampanan ang role ko.

Walang pasabi akong pumasok sa loob ng kwarto,inaasahan ko na wala siyang malay pero gising na pala siya.
Kailan pa ba to na operahan dapat tulog to ngayon eh.

"Ano at dilat na dilat ka."napalingon siya sa akin.

"Dapat masaya ka na gising ako no."siya.
Napairap ako sa hangin.

"Nababaliw ka na talaga Mira-"saad ko pero pinutol na niya.

"Haish!itigil mo yang kakaMira mo,alam mo bang hindi ako yun."banas niyang sabi. Natawa nalang ako at umupo sa gilid ng kama niya. Yan ang laging line niya noon mapahanggang ngayon. Palayaw ko sa kanya ang Mira pero hindi daw niya matanggap dahil akin daw yun,mas type niya ang Lane.

"Fine...Lane..kapangalan mo yung aso ni Aren na si Lane kaya nung nawala ka at halos mabaliw si Aren akala ko yung aso niyang si Lane ang nawawala at pinagaawayan nila ni Yrah,hahaha!"

"Whatever,wala na akong masabi."
Boryong na saad niya sa akin.

"Kakagising mo lang ba?"she nodded.
"Bakit kasi sinalo mo ang mga bala,kung hindi ka ba naman sira dapat umiwas ka!hindi mababayaran ng buhay mo ang ginawa mo sa pamilya niya noon no."natatawa kong sabi. Yun ang una kong misyon sa DarkDragons Assassins na pagaari ni Hirano,ang iassassinate ang mga tao na nasa pagtitipon ng gabing yun sa mansion ng pamilyang Ramirez.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon