♤Chapter 5♤

3.2K 81 0
                                    

*Miracle's POV*

Tahimik akong naglalakad papuntang library,isasauli ko na ang mga librong hiniram ko. Napahinto ako at nagangat ng paningin ng may makita akong paa na humarang sa daraanan ko.

Ang lawak naman ng daanan pinili pa niyang harangan ako.
Liliko sana ako para lampasan nalang siya pero ngayon nasa harap ko na ulit siya,humakbang ako sa kabila pero ganon din ang ginawa niya,mukang nananadya ang lalaking to.

Banas akong tumingin sa kanya,he has blonde hair,singkit and wearing a playful smile.

Napangisi ako ,siya ang sinasabi ni Destiny na lalaking dapat kong iwasan kapag nakatagpo ko,nagiisisa lang naman daw ang blonde dito at walang iba kundi ang isang Dhane Takahashi na babaero daw kuno.

"May i get your number pretty lady plus your name and surname cause soon my surname will be yours."ano daw.

"Dhane Takahashi?"napangiti siya ng malawak ng banggitin ko ang pangalan niya. "Yes babe?"
Binukas ko ang palad ko sa kanya. Nagtaka naman niyo yung tiningnan pero sumilay ang mapaglarong ngiti sa labi niya bago nilabas ang phone niya at binigay sa akin. Tinype ko dun ang numero na unang rumirehistro sa isip ko.

"Yan."nakangiti kong sabi sa kanya then handed him the phone.

"Hindi ako tulad ng mga babaeng sinaktan mo at mga babaeng sasaktan mo palang,dahil mga assuming sila at nahulog agad sa makasalanan mong kagwapuhan,ibahin mo ako mister."taas kilay kong sabi sa kanya.

"But you gave me your phone number?"nakangisi niyang sabi.

"Binibigyan lang kita ng ka eyebol baka sakaling magustuhan mo siya,pasalamatan mo ako ha."i wink at him then leave. Dumiretso na ako sa library at binalik ang mga libro kay Chance,sa ganitong oras siya ang nagbabantay sabi sa akin ni Destiny,magkaibigan daw silang dalawa kaya hindi na ako nagtaka na nakikipagusap sa kanya si Chance,snob kasi ang mokong na to.

Ako pa talaga ang pinabalik ng mga librong hiniram ko pabalik sa mga shelves. Nagbaka sakali akong makita ulit ang estrangherong lalaking yun na nakita ko dito noong nakaraan, pero wala, hindi ko alam kung bakit siya na ang naiisip ko at hindi ang lalaking nakapulot ng wallet ko.

Umupo pa ako sa dati kong inupuan,baka sakaling dumating siya na alam ko namang imposible.

Nababaliw na ako,ano at nagkakaganito ako.
Tumayo ako pero nagulat ako nang may nagsalita.

"Kakaalis lang niya,sa mga ganitong oras wala na siya dito."nagulat ako sa presensya ni Chance pero napalitan yun ng pagkahiya.

"Sino?"painosente kong sabi.

Binalik niya sa shelf ang isang libro at nagsalita.

"Dont act like you don't know who I'm  talking about." kalmado niyang sabi,napayuko ako ng bahagya at bumuntong hininga.

"Malalaman mo ba kung magsisinungaling ako?"ako.

"Oo." walang kagatol gatol niyang sabi. Edi hindi na ako magsusubok pa na ipagtanggol ang sarili ko na alam ko namang walang katutuhanan ng mga sasabihin ko.

"Hayys, aalis na nga ako!"iniwan ko na siya. Masyado ba akong halata para malaman niyang ang lalaking yun ang inaantay ko.
Ngayon ko nga lang ginawa to sa buong buhay ko.

Magtino ka Mira baka matuluyan ka na sa mental. Paalala ko sa sarili ko for the nth time around.

May inasikaso si Yrah sa subject niya, na shift sa hapon ang cooking class niya kapag araw ng wednesday. Kaya matagal tagal din akong magaantay sa kanya dito sa garden.

Tumingala ako sa kalangitan,ang payapa. Sana ganyan nalang palagi.

May narinig akong kaluskos galing sa kung saan malapit sa kinaroroonan ko. Umayos ako ng upo at hinahanda ang sarili sa kung sino man ang susulpot ngayon.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon