♤Chapter 9♤

2.3K 73 1
                                    

*Miracle's POV*

"Long time no see girl!"tili ni Destiny,nakasabay ko siya paakyat ng hagdanan.

"Himala,buhay ka pa,bakit ka wala kahapon huh."
Magisa lang tuloy ako,namamayapa.

"Emergency."napairap ako sa hangin. Ang daming klase ng emergency sa universe. Emergency nga diba,hindi na ako mangungusisa.

"Libre mo ako sa pizza house ah,maybe this day or some other day."ngitingngiti pa siya.

"Ang kapal ng muka mo,you're rich so spend your own money."sabi ko,bago pa man siya magsalita tinakpan ko na ang bibig niya. Alam ko na ang sasabihin niya.

"Tipid ako!anong akala mo sa akin hindi nagtitipid!babaita ka hindi ako mayaman."ani ko.Sumimangot lang siya.

"Hindi rin naman ako mayaman eh,sinasabi mo lang yan, alam mo kasi wala na akong mga magulang na nagpapalaki sa akin,pero pasalamat ako binuhay ako ng isang taong kahit kailan hindi ko matatanggap na magulang man lang,kaya hindi ako maluho,dahil hindi ko siya kaano ano,for short,ampon lang ako."Natahimik ako sa sinabi niya. Nagsi-sink in pa yun sa utak ko hanggang ngayon. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. She act like a happy go lucky woman who doesn't care about every problems in life.

"Hoy,nananaginip ka na ba?"ah-huh. Napakurap ako.

"Sige na nga ililibre na kita,kinokonsensya mo ako eh."
Tinawanan lang niya ako.

"Pero,totoo ba yung sinabi mo kanina?"baka niloloko lang ako ng babaeng to.
Tumango siya"Oo,dahil kaibigan kita,ikaw lang ulit ang sinabihan ko ng sekreto ko."nasisililaw ako sa ngiti niya.

"Dapat na ba akong matouch?"ako

"Hindi ka pa ba na tatouch?!dapat ba galingan ko pa ang pagarte ko?"binatukan ko siya.

"Sira ka talaga."

Nagpaalam ako kay Dest na pupunta ako ng library at ito na naman ang mausisang bruha.

"Haish!ano bang meron sa library maliban sa mga libro ngayon at napapadalas ka na diyan."
Hindi ako nakasagot. Hindi ko rin alam kung bakit eh,hindi ko mapigilan ang sarili ko na makita siya. Sa ngayon hindi gumagana ang utak ko. Malay ko kung ano ang nagpapasya sa katawan ko ngayon. Baka yung paa ko?
Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"Kyahhh!pinupuntahan mo si Lim?!tama ba ako!"Haish!bakit ba ang ingay ng babaeng to. Bakit siya biniyayaan ng ganyan kalaking bunganga,not literally malaki ang bunganga niya.

"Bakit nadamay pa si Chance,manahimik ka nga o kung ayaw mo lumayo layo ka na sa akin."Sumimangot naman siya.

"Naisip ko lang naman,lagi kasi mga ganitong oras walang klase si Chance kaya siya ang nagbabantay ng library,sorry my bad,malay ko ba kung iba ang sinisilip mo doon at palihim mong kinakatagpo."she sarcastically said motioning her hands in the midair.

"Actually. Libro lang talaga ang sadya ko doon."

"Kailan ka pa maging mapagmahal sa mga libro?"taas kilay niyang tanong. Tumingin ako sa taas at kunwaring nagiisip.

"Hmm...ngayon lang,ngayon ko lang narealize."

"Ang tino mong kausap,sho!go away!shooo!"natawa ako ng pinagtabuyan niya ako na parang aso.

Patakbo akong pumunta sa library. Sabi ni Chance mga ganitong oras daw nandoroon siya at paalis na. Ang masungit na Chance Lim na yun nakakausap rin naman ng matino. Slight lang.
Papasok na sana ko sa pintuan ng library ng may lumabas na lalaki. Hindi ko maexplain ang awra niya. Isang sulyap mo palang malalaman mo na kung gaano siya karaming alam tungkol sa mundo. Tindig palang niya para ng pinakamatalinong tao sa mundo. Ang kisig ng dating niya at ang gwapo niya,pinilig ko ang ulo ko,nababaliw na naman ako. Ethan Park?tama ba ako?kung hindi ako nagkakamali yun ang pangalan niya,siya ang lalaking may lakas ng loob na kausapin ang nagmumurang patatas na si Faith.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon