♤Chapter 30♤

2.2K 49 0
                                    

*Johann's POV*

Sunod sunod na pagring ang narinig ko mula sa cellphone ko. Ano na naman kayang kailangan ng mga damuhong to sa akin. Sino pa bang aasahan ko na tatawag sa akin ng ganitong dis oras ng gabi kundi sila lang.
Kahit nakapikit pa ako ay sapilitan kong sinagot ang tawag.

"Im peacefully sleeping here assholes"

"Hahaha,wala kaming pakialam,its Dhane dude at nandito kami sa Underground City,a very important news for you,its latest!"mukang nasa bar ng underground city ang isang yo at narinig ko ang wild na musika na masakit sa tenga.

"What.is.it."tumihaya ako sa kama at sinubukang idilat ang mga mata ko,kakatulog ko lang kanina sabay ito na naman at magigising ako. Holy hell!

"May laban na nagaganap ngayon dito sa Underground dude!ang Four Seasons laban sa kanila Mr. Blue,ms. Green,Violet at Purple!nagkahamunan sila unang nanghamon ang mga colorcoded na makipaglaban sa Four Seasons,hindi na nga nila pinarating pa sa Underworld dahil wala ng space dun para sa sabay na labanan!"
Napabangon ako ng walang sa oras sa sinabi niya. That was interesting.

"Ano pang ginagawa mo dyan."

"Flirting dre,ako kasi ang nautusan ni Ethan na tumawag sayo eh,ang hayup na yun hindi ko alam kung saan nagsusuot,gege bilisan mo baka mahuli ka pa!"
Pinatay ko na agad ang linya at mabilis na nagayos ng sarili ko.
Inayos ko muna ang leather jacket ko bago umangkas sa motorbike at mabilisan iyung pinaandar.

Huminto ako sa kung saan nagaganap ang labanan na sinasabi ni Dhane. Pinarada ko ang motorbike ko sa gilid. Mula dito kitang kita ko ang nagaganap na paglalaban sa pagitan ng Four Seasons at colorcoded,yun ang tawag sa kanila kapag nagsasama sama sila,hindi sila isang gang dahil kumikilos sila ng magisa.

Bakit ba nila naisipang hamunin ang Four Seasons na mas malakas pa sa kanila. Mga wala silang utak.

Hindi ko malaman kung sino ang titingnan ko sa kanila sa bilis ng mga kilos nila hindi ko sila masundan. One on one ang labanan ayos,walang gamit na kahit anong sandata.

Napansin kong nasa gilid lang si Winter at may kinukulikot sa loptop niya at nasa may di kalayuan si Purple na nagsasoundtrip.
Nagtataka ako sa tunay na kakayahan ni Winter. Kahit minsan,hindi ko pa siya nakikitang lumalaban man lang.

"Limang minuto nalang ang mayroon kayo!"sigaw ni Purple.
Kung ano ang codename nila ganon din ang kulay ng mga suot nila at kolorete sa muka.

Dumako ang mata ko kay Spring na kalaban si Mr. Blue. Para siyang gumagalaw sa hangin habang ginagawa niya ang pagsipa pagtadyak at maging ang pagsalag hanggang sa pagiwas niya sa atake ng kalaban. Hindi ko siya nakitang natamaan man lang at nadaplisan ni dulo ng buhok niya.

Kung lalaban ako sa kanya ng harapan alam kong kakayanin ko siya. Dumating ako dito ng dahil lang sa kanya...sa kagustuhan kong maghiganti sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit isinilang ang Johann na ito ngayon.

Napabaling ang tingin ko kay Autumn na parang sumasayaw lang habang nilalabanan si ms. Green,yeah,the famous ms. Greenminded. Para lang nagba-balley si Autumn ng umatake siya kay ms. Green ng isang magkasunod na sipa habang umiikot sa hangin. Nung mahuli ni Ms. Green ang paa ni Autumn ay ibinalibag niya yun sa lupa,nakita ko nalang na mabilisang naitukod ni Autumn ang kamay niya sa lupa at lumundag para sipain ang tagiliran ni ms. Green at nakuha niya ang tsansa lumundag siya sa hangin at sinipa ang likod ni ms.Green kaya tumalsik ito aatake pa sana siya kay ms. Green ng masalo nito ang paa niya at parang lubid na hinila yun at nagbend siya at pagkatapos ay sinipa ang muka ni Autumn. No hindi yun ganon ganon lang na pagsipa...ang maskara nito ang pinuntirya niya na ngayon ay tumalsik pataas.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon