♤Chapter 32♤

1.9K 45 0
                                    

*Miracle's POV*

Johann is celebrating for his own misery you can't blame him. He is totally wasted,better if dont show yourself to him.

Paulit ulit kong naiisip ang sinabi ni Ethan nung nakaraan.
Kasalanan ko kung bakit nangyayari yun kay Johann. Ilang linggo ko ng hindi nakikita si Johann sa Cleistenntine kahit anong gawin kong paghaloghog sa buong school wala akong Johann na natagpuan kaya ng makita ko si Ethan ay tinanong ko na siya pero yun alng ang sinabi niya.

Nasasaktan ako para kay Johann. Bakit kasi nagkaganito ang lahat. Kung pwede lang mabago ang takbo ng tadhana ginawa ko na. Pero tao lang ako at kailangan kong harapin to.

Hindi kami nagkakilala sa maling panahon at hindi kami nagkulang sa pagkakataon...sadyang nakatadhana lang talaga to.
Pero hindi ko hahayaan na tangayin ako ng tadhana na wala man lang akong ginagawa dahil tayo mismo ang gumagawa ng ating desisyon at pumipili ng daan papunta sa kung saan tayo tinadhana. Bawat desisyon sa buhay mo,mali man yun o tama,lahat may patutunguguhan.

Wala akong alam sa buhay pero hindi ako papayag na sumabay lang sa daloy ng pangyayari dahil gagawa ako ng sarili kong kwento.
Bad decision makes good stories but not all.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo."tanong ni kuya Aquela.

"Oo naman atleast nasubukan ko diba kahit wala akong mapala,hindi ako umaasa na papatawarin niya ako ng ganon ganon nalang,malaki ang nagawa kong kasalanan." Tumango lang siya at halata ko sa muka niya na wala talaga siyang magagawa.

"Motorbike ba ang gagamitin mo?"kapagkuway tanong niya.
I nodded. Mas mabilis yun at nakakahinga ako ng maluwag.

"Dumating ka mamayang gabi dito magdidinner si Cianhel kasama ang pamilya niya at ako mismo ang magluluto."

"Susubukan ko."

"Gawin mo,she wants to meet you again."i nodded.

Umalis na ako at umangkas sa motorbike ko. Si ate Cianhel pala talaga ang nakatuluyan ni kuya na maging fiance. Noon binabalita niya sa akin ang tungkol doon kahit na nasa malayo siya. Iniingit niya ako dahil may nililigawan daw siya at sinagot siya pero after a month nagbreak sila. Masyado niya nga lang minahal ang ex niya at niligawan niya ulit,malay ko kung anong nangyari at naging sila na ngayon at fiance na niya ito.
Katulad ko,last year din yun ni kuya bilang isang college student,five years ago.

Mabilisan kong pinaandar ang motorbike ko patungo sa kung saan ngayon si Ramirez. Mabuti at hindi pinagdamot sa akin ni Ocean ang impormasyong yun dahil hindi na daw niya matagalan ang ginagawa ni Johann.

Ilang taon na rin na hindi ako nakabalik dito sa Underground City. Noong tumakas kami at nagpakalayo layo mula sa puder ni Hirano sa DarkDragons Assassins ay napadpad kaming apat sa lugar na to. Hindi namin inasahan na kami ang magiging legendary gangsters. Ang Four Seasons...hindi kami naghahangad ng kapangyarihan ang tanging gusto lang namin ay makakuha ng dagdag na lakas para malabanan namin si Anthony Hirano.
Sa aming apat na kinuha niya at ginawang mga tauhan...may atraso siya sa amin. Ngayon naiintindihan ko na ang ibig sabihin ni Destiny at Faith na hindi sila magkapatid o ano man.

Hininto ko ang motorbike ko sa harapan ng isang bar.
Pagpasok ko doon ay sumalubong sa akin ang amoy ng alak at kakaibang amoy ng aroma ng buong bar.
Wala akong suot na ano mang maskara kundi ang makapal na eyeliner at black na lipstick,para lang akong kumain ng sandamakmak na pusit.

Habang umiinom ako ng ice tea...yeah ice tea...inikot ko ang mata ko sa paligid. Searching for him,nandito lang naman daw siya sa lugar na to tumatambay sabi ni Ocean. Sana hindi ako pinagluluko ng baklang hilaw na yun.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon