♤Chapter 24♤

1.8K 46 0
                                    

*Miracle's POV*

Nagising na naman ako dahil sa panaginip kong yun,hindi...bangungot na yun...ano ba kasing ibig sabihin nun...ano ba talagang mayroon sa nakaraan ko.

Kaysa magisip pa ako at mabiak ang ulo ko sa sakit ay nagpasya nalang akong gawin ang daily routine ko tapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako sa baba.

Napatingin ako sa paligid ko. May kakaiba akong kabang nararamdaman ngayon...hindi ko malaman kung ano to. Pero pinagsawalang bahala ko nalang yun. Hinanap ng mga mata ko ang dalawang mokong at nakita ko na naman sila sa kusina at nagbabangayan ng isang walang kwentang bagay.

"Tapos na kayo?tara na at lumayas."kumuha ako ng tuna sandwich na sigurado akong gawa ni Aren at yun ang binitbit ko palabas ng bahay. Nauna na akong sumakay sa sasakyan.

Napahawak ako sa dibdib ko. Why do i have this feeling na kakaiba...napasilip ako sa labas ng bintana at pinakiramdaman ang ihip ng hangin,mukang hindi naman babagyo...
Parang gusto ko nalang ulit pumasok sa loob ng bahay at doon humilata buong maghapon,pero hindi pwede.

I sighed...saktong pagentrance naman ng dalawa.

"Sinong magdadrive?"si Yrah. Sinubo ko na ang huling tinapay sa kamay ko.

"Ako nalang."

"Hindi ako nalang."

"Ako nalang!sabi..."

"Ako nalang!"

Parehas pa silang napabuntong hininga at may pikit portion pa pagkamulat nila ay saka sila bumwelo.

"Bato bato pick!"

"Bato bato pick! Bato bato pick!!bato bato pick!!!bato bato pick!!!!batu bato pickk!!!!!"palagi silang tabla at asar na asar na ang muka nila na wala paring nanalo.

Ano ba kasing pakiramdaman ng magdrive at hindi nalang magparaya ang isa sa kanila. Napailing nalang ako.

"Puta ulit, hinayupak ka Aren madaya!"

"Batu bato pickkk!"silang dalawa.

Napatingin ako sa driver's seat at pumasok sa isipan ko ang isang kapilyuhan.
Nasa labas naman sila at walang katapusang pagbabatu bato pick ang ginagawa kaya hindi nila ako namalayan.

Mabuti at nakasalpak na ang susi mukang galing dito ang isa sa kanila kanina. Napangiti ako at pinihit yun.

"Bye people!batubatopick pa more!"
Pinaandar ko na ang kotse,the feeling of being a driver is so fun!
Pakiramdam ko matagal ko na tong gustong gawin pero ngayon lang natupad. Minsan na akong tinuruan ni Aren na magdrive kaya alam kong hindi ako mapapahamak. Hahaha this is so fun mga men!

Nakapamaywang ako habang nasa kalagitnaan ng school ground.
Inamoy ko ang polluted na hangin na nakapagpaubo sa akin.
Inayos ko ang back pack ko at sumipat sipat ang mga mata sa paligid pakoramdam ko may nakamasid sa akin.

Hindi maganda tong nararamdaman ko ngayon. Pero pinagsawalang bahala ko nalang ulit yun at nagpatuloy sa paglalakad. Siguradong malalagot ako sa dalawang yun mamaya baka ibigti na nila ako dahil sa ginawa ko. Ligtas naman ako makapagingat sila sa akin parang ako yung natitirang gem sa buong mundo na pinakaiingatan nila.

Hahakbang na sana ako papasok sa classroom namin ng marinig ko ag boses ni Destiny sa likuran ko.

"Mira!bruhilda ka!anong sumapi sayo kahapon at pagkatapos mo akong pagbantaan ay bigla mo nalang akong iniwan!"

"Huh?"

"Sinabihan mo ako na kapag nagpakita ako sayo ngayon magwawakas na ang buhay ko,hahaha as if natakot mo ako dun!"
Anong sinasabi niya. Wala naman akong sinabi sa kanyang ganon kahapon ah.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon