♤Chapter 2♤

5.3K 100 0
                                    

*Miracle's POV*

Nagdadalawang isip pa ako kung ano ang marapat kong gawin,i dont have any peso in my pocket. Bigla nalang may pumarada sa harapan ko na cab.
Sasakay ako,hindi. Sasakay ako hindi. I'm debating against myself.

"Miss,nasa paradahan ka ng taxi kung saan nagaantay ang mga pasahero,sasakay ka o hindi?" napatingin ako sa likuran ko,abat may pila nga.

Wala akong ibang nagawa kundi ang pumasok sa loob ng sasakyan.

"Manong pwede bang doon nalang sa bahay, magbayad?" nagkamali ako, driver ba siya? He is  handsome. White skin,singkit na mata, a ravishing lips, cool eyebrows, almost perfect na ang shape ng feslak nya!
Sino ba naman ang hindi mapapatanong kung driver ba to o hindi mukang yayamanin eh. Kailan ba ako nangilatis ng isang tao,ngayon ngayon lang naman. You're being judgemental Miracle.

"Tss."sabi niya at pinaandar na ang sasakyan. Sungit. Napasimangot nalang ako. Hindi ko naramdaman ang bilis ng pagmamaneho niya, pero halos paliparin na ata niya ang sasakyan dahil hindi naman kami sa highway dumaan,but i found it enjoyable. Kulang nalang i cheer ko siya at suportahan. Para kaming nasa race field.

Sinabi ko sa kanya ang address ko kanina kaya ito kami ngayon at nakarating na sa tapat ng bahay.
Sinabihan ko siyang magantay muna,no response naman siya,ang sungit talaga.

Inilagay ko ang mga pinamili ko sa kusina at mabilisang tinalunton ang kwarto ko,kinalkal ko ang drawer ko,good thing at may nakita akong isang daan.

Binayad ko na sa kanya ang isang daan.

"Kulang yan,mahal ang serbisyo ko."napamulagat ako.

"Ano?sa bilis ng pagmamaneho mo kulang nalang dumiretso tayong impyerno,atsaka ang bilis lang natin hindi pa nga umabot sa metro ng-"

Binigay niya sa muka ko ang isang calling card.
Naduling pa ako at hinablot yun mula sa kamay niya.

"Call me when you're ready to pay your luxurious bill."walang ka amor amor niyang sabi,with that he drove his taxi like flying back to hell where he came from. Wtf?

Demanda ko siya eh!kinotongan pa ako! Luxurious bills siya dyan. Baka nagmumuka lang siyang mayaman dahil kinokotongan niya ang mga pasahero niya at nagpapagluta siya.

Gabi na at wala parin ang dalawang yun. Baka nagsecret date. Lihim akong natawa.

Si Yrah, paniguradong pinuntahan na naman niya ang mga magulang niya.
Wala na siya sa puder ng mga ito pero patuloy parin ang pagsuporta nila kay Yrah. That's why sometimes I envied her life.

Pinilig ko ang ulo ko.

Hindi ko nga alam kung nasaan ang mga magulang ko. Tanging si Aren ang namamahala ng mga credit cards at account ko sa bangko.

Wala naman akong paki sa mga yun as long as nabubuhay ako at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw or more than that.

Kinabukasan,tinawagan ko ang lalaking si taxi driver guy.
Magkano naman kaya ang halaga ng ibabayad ko sa mokong na yun.

"Who's this shit."kalmado niyang tanong sa kabilang linya. Aba at na shit na ako,umagang umaga eh.

"Lalaking may sinto sinto sa utak!magkano ba ang hinihingi mong bayad ko sayo?!" bulyaw ko sa kanya. Bakit nga ba tinawagan ko pa tong mokong na to,pwede namang wag ko niya siyang bayaran ng luxury bills na sinasabi niya as if naman eh magkikita pa ulit kami, napailing nalang ako,dahil siguro sa mabait akong tao, purong kabutihan ang laman nito, kaya siguro.

"Dont mind,pakisunog ang binigay ko sayong calling card Ms. Acevedo."with that he ended the call. How did he knew me after all? Is he a stalker?myembro ng sindikato o ano? Pero atleast wala na akong babayaran, sinabayan ko pa man ang trip niya.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon