♤Chapter 11♤

2.3K 60 2
                                    

*Miracle's POV*

Nagmamaneho si Yrah ng sasakyan. Pupunta na kami sa bahay ng kuya niya. Excited na akong makita ang kuya niya. Sa ilang taon na nakilala ko siya hindi niya nabanggit sa akin ang kuya niya. Nasabi niya sa akin na nagkasamaan daw sila ng loob. Nagkasamaan sila ng loob sa ilang taon. Hindi daw agad sila nakipagayos sa isat isa dahil umalis daw ito patungong Australia kasama ang mommy niya na nauna narin noong umuwi dito.

Nakarating kami sa isang village,pinarada ni Yrah ang sasakyan sa isang malaking bahay. Di katulad ng iba wala itong kapit bahay,ilang metro pa ang layo ng ibang kabahayan. Mukang kaka established palang ng village na to kaya wala pa masyadong nakatira.

Nagdoorbell ako,hawak kasi ni Yrah ang niluto niyang nilagang baka para sa kapatid niya.
Ilang minuto pa ay may nagbukas ng pintuan at laking gulat ko kung sino yun.

"Jiro Holman?"nanlaki ang mga mata ko.

Ngumiti lang siya sa akin ng napakalawak. Akala ko siya ng kuya ni Yrah pero hindi. Halata namang hindi.

"Haish!let us in moron."sabi ni Yrah ay dire-diretsong pumasok.
Pumasok narin ako. Hindi ako makapaniwalang nandito si Jiro ng Sync gang band. Why?

"Guys!Yrah is here with her lovely friend Miracle!"sigaw niya sinipa naman siya ni Yrah sa paa dahil sa pagiingay niya.
Wala siyang nagawa kundi samaan ng tingin si Yrah na binelatan lang siya.
Nagsisulputan naman ang hindi ko inaasahang tao. Para silang nabulabog na ipis.

"What brought you here?"tanong ni Eri Castillo. Napakurap ako,are they for real?
"Wag mong sabihing lumipat na talaga kayo dito sa bahay ni kuya,makaasta kayo..."napairap nalang si Yrah.

"Hi babesss~yes dito na kami nakatira ngayon, we need to do it."malanding sabi ni Daiki Garner

"Whatever. Nasaan na si kuya?nakaharap na naman ba siya sa computer at laptops niya."si Yrah na taas kilay na nakikipagusap sa tatlo.

Kumpleto silang tatlo na nandito, ang kulang nalang ay si-wag niyang sabihing...shootkill!

"Whats in here."halos manlaki ang mata ko ng makita kong bumaba si Rei Sanchez?bakit ba hindi ko napansin na baka Yrah Sanchez is related to him.

"Hey bro! I have something for you bahala ka ng humusga."ngiting tagumpay si Yrah sa lahat.

Kunit noo silang napadako ang tingin sa dalang kaserola ni Yrah. Bakas sa mga mata nila na mukang aatras na sila. Pihadong natikman na nila ang luto ni Yrah noon,kaya ganyan sila makaasta. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

Tuluyang bumaba si Rei at kinuha ang dala ni Yrah then headed in to the kitchen. Sumunod naman si Yrah na may ngiti sa labi.

"Hindi naman kami mamamatay dun kung sakaling pilitin kami ni Rei na tikman yun diba?"bulong ni Jiro sa akin. Halatang natrauma sila hahaha.

Umiling lang ako."tinikman ko na yun kaya ayos lang."

"Okay lang naman pala eh,magtiwala tayo sa sinabi ni Miracle."then Daiki wink at me. Inirapan ko lang siya nagulat nalang ako ng tumawa ng malakas si Jiro at Eri.

"Okay."nakasimangot na sabi ni Daiki,he seem so disappointed.

"Come here you big headed guys!"sigaw ni Yrah mula sa kusina.

"Tara daw dudes. Baka may huling habilin kayo isulat niyo na."walang pasabi na hinawakan ni Eri ang likod damit nila sa batok at binitbit na parang pusa.

Iiling iling nalang akong sumunod sa kanila. Hindi ako makapaniwala.

Titig na titig silang apat sa niluto ni Yrah habang ito namang babaeng to ang lawak lang ng ngiti.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon