♤Chapter 26♤

1.9K 45 0
                                    

*Miracle's POV*

Mabigat ang talukap ng mata ko pero pinilit ko paring magmulat. Ilang araw na ba akong natutulog. Sinuri ko nag paligid ko heto na naman ako sa isang silid na walang kalaman laman,ang pinagkaiba lang ay maliwanag ang silid na to at tanging ako lang ang laman. Nakakaramdam ako ng panlalagkit sa muka ko at naamoy ko pa ang dugong tumalsik sa muka ko noong nakaraan
Nakakainis!nakatali ang mga paa ko at nakaposas ang mga kamay ko sa likod,magaling magaling...makakawala ka talaga dito Miracle...
Kung sino mang gumawa nito sa akin malalagot na talaga,para akong baboy na basta basta nalang kinulong sa lugar na to,sinubukan kong maupo at nagtagumpay naman ako pero may narinig akong mga yapak na papunta sa pintuan,bago pa man din mabuksan ng kung sinong hinayupak ay humiga ulit ako at nagpanggap na tulog.
Rinig na rinig ko ang mga yapak na palapit na ng palapit sa akin.

Mali ata ang naging desisyon ko dahil binuhusan nila ako ng isang balde ng malamig na tubig kaya napabalikwas ako ng upo kahit na nakaposas at nakatali ang mga paa ko. Nanginig ako sobrang lamig may yelo pa ata yung tubig.

Sinamaan ko ng tingin ang dalawang lalaki na hindi kalakihan ang katawan at parang ilang ubo nalang ay magkakakalas kalas na ang mga ito.
Mga assassins na naman,balot ang buong katawan ng pulos itim. Wala na bamg bago?psh . Ambabaduy nila ah.

Bigla tuloy pumasok isipan ko si Blackman,si Ramirez.
Napasimangot nalang ako,mukang walang naghahanap sa akin mga dre. Gagamitin pa ako ng mga to pangbingwit sa mga isda.
Napasigaw ako ng tanggalin nila ang tape na nakatakip sa bibig ko. Takte ang sakit ah!

"Pakawalan niyo nga ako."asar kong sabi,pero imbes na pakinggan nila ako ay umatras lang sila patungo sa tabi ng pintuan saktong may lalaking iniluwa nun. May edad na siya sa tingin ko at nakaamerikano pa siya. Nang masilayan ko ang nakangisi niyang muka ay nakaramdam ako ng kakaibang inis na parang gusto kong kumawala dito at sugurin siya at sapakin sa muka,but lucky me,nakagapos ako mga men.

"Long time no see...Miracle,or should i say..."he paused and smirk after grinning from ear to ear. Ay kakaiba,teleserye ba itu huh nasa palabas tayo?

"Spring."pagpatuloy niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Kunwari shock ako pero na shook talaga ako.Narinig ko na naman ang Spring na yan.

"Ikaw yung tumawag sa akin nung nakaraan?!" Realization hits me. Kaboses na kaboses niya ang taong tumawag sa akin nun. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Binggo!"hindi masupil ang nakakakilabot niyang ngiti sa labi habang matalim na nakatingin sa akin

"Hindi ako si Spring. Hindi kita kilala kaya pakawalan mo ako dito ano bang kailangan mo sa akin huh."pilit kong tinatanggal ang kamay ko na nakaposas sa likuran ko pero wala akong napala,bwisit!

Malutong siyang tumawa"Spring...spring...spring... nakakaawa ka alam mo ba yun,hindi mo maalala ang taong nasa harapan mo na nagawan mo ng isang matinding kasalan!...matinding kasalanan na kahit buhay mo ang kapalit ay hindi sasapat."nagiba bigla ang emosyon niya at napalitan iyun ng matinding galit.
Nababaliw na siya ano bang pinagsasabi niya.

"Hayaan mong kwentuhan naman kita kahit pahapyaw lang..."nakangiti niyang sabi na alam kong hindi naman talaga yun ang tunay niyang ngiti. Umupo siya sa harapan ko at sinenyasan niya ang dalawang nasa may pintuan para lagyan na naman ng tape ang bibig ko. Wala na akong nagawa pa ng tapalan na nila ng tape ang bibig ko.Duck tape na naman... Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi man lang siya tinablahan at tinawanan ako.

"Noong unang panahon may isang batang lalaki na anak sa labas ng kanyang ama,sa madaling salita kabit lang ang kanyang ina,may tunay na pamilya ang ama niya at dahil hindi magkaanak ang asawa niya ay nagampon nalang sila ng batang nag ngangalang Klean Acevedo,oo at siya ang ama mo,samantalang si Anthony Hirano na anak sa labas ay naitsapwera pero dumating ang panahon na nalaman ng tunay na pamilya ng ama ni Anthony Hirano na may anak siya sa labas ay hindi nito natanggap at nagpakamatay ang ina inahan ni Klean Acevedo. BLa bla bla~ mababa ang emotional quotient nya thats why hahaha. Kahit na nangyari yun ay tinanggap ang batang si Anthony Hirano ang tunay niyang ama at pinatira pa sila ng ina niya sa mansion nito,ang ampon naman nila na si Klean Acevedo na ama mo ay nagtanim ng galit sa batang si Anthony Hirano dahil sila ng ina nito ang sinisisi ng pagkamatay ng inainahan nito at hanggang paglaki nila ay hindi sila kailanman nagkasundo at nagaagawan pa sila kung sino ang magmamana ng Acevedo Mafia Clan pero sa kasamaang palad ako na tunay na anak...ako na si Anthony Hirano na tunay na anak ng ama ko at hindi ampon ay hindi pinamanahan! Ang masaklap pa ay pinapatay ni Klean ang ina ko ng mamatay ang ama niya. Wala akong magawa hindi pa siya nakuntento at inagaw niya ang babaeng pinakamamahal ko na siyang ina mo at hindi lang yun ang ginawa niya sa akin!hahahaha!"hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Pero parang ang babaw naman niya,pakialam ko ba duh mga mennnn,anak lang ako sakin sya gaganti. Telenobelaaaa... napairap ako.
Alin man sa sinabi niya maski pangalan ng ama ko ay wala akong alam,bakit ako nadamay dito kung ang ama ko pala ang may atraso sa kanya. Pahapyaw lang pala yun,ang haba.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon