♤Chapter 20♤

2.2K 60 1
                                    

*Miracle's POV*

Mas mabilis pa akong naglakad kaysa sa mga taong tumatakbo ngayon. Para kasing nakita ng mga mata ko kanina si Johann.

Kung patuloy niya akong kukulitin hindi na ako makakapagtiis na kausapin ang mokong na yun.
Umiiwas lang naman ako dahil nalulunod na ako sa nararamdaman ko para sa kanya na alam kong imposible niyang suklian.

I only want to secured my heart and I want us both safe kahit alam ko naman na marami siyang kalaban sa tinatawag nilang gangster world.

Pero bakit kasi ang kulit ng mokong na yun. Kahapon pa siya at noong nakaraang araw.

Ano bang dahilan niya at gusto niya akong makausap. Alam ko na ako lang itong nagiilusyon na naging magkaibigan na kami dahil ako itong feeling close at sumusunod sa kanya palagi. Wala siyang dahilan para pahirapan pa ako. Baka di ko na matiis at di ko mapigilan ang sarili ko na sipain siya palayo sa akin. Urgh. Diko na alam kung anong nangyayari sa sarili ko.

"Racle!"narinig ko ang pamilyar na boses,pero nagkunwari akong walang narinig at nagpatuloy lang. But that nickname he called me earlier brought my heart to life.

Dont mind it. Dont mind it.

"Racle!"mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko,kailangan ko ng lumipad paalis dito. Binilisan ko na ang paglalakad,tumatakbo na nga ako.

"Shit!wait up!"rinig kong sabi niya mula sa likuran ko nahahalata ko ang galit sa boses niya,alam kong hinahabol niya ako. Ano ba kasing kailangan niya!huta naman oh!

Akala ko mas mabilis pa ako sa kidlat  pero nagkakamali pala ako. Nagulat ako ng mahuli niya ang braso ko at mahigpit itong hinawakan sabay pinihit niya ako paharap sa kanya.

"What the heck is your problem." malamig niyang sabi. Halata ko ang galit sa mga mata pero pinilit ko ang sarili ko na hindi magiwas ng tingin at diretsong tumingin sa mga mata niya.
Inagaw ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya pero hindi niya ako binitawan. Mas humigpit pa ang pagkakahawak niya doon.

"Ikaw ano din bang problema mo?"nahabol ko na din ang hininga ko.

"I asked you first,so answer me." nanggigigil na sabi niya.

"Bitiwan mo muna ako."kalmado kong sabi.

"No i wont,baka tumakas ka at hindi pa kita mahabol." inis niyang saad sa akin. Kapagkuway lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko. Anong akala niya sa akin? Pero gagawin ko talaga yun.

"Now answer me,bakit mo ako iniiwasan?" blangko niyang sabi.
Nginisihan ko lang siya.

"Bakit big deal ba sayo yun?"
Pansin ko ang pagdilim ng muka niya at humigpit na naman ang pagkakahawak niya sa braso ko pero hindi ako umaray,hindi ko pinahalatang nasasaktan ako.

"Its big deal for me,everything is big deal for me when it comes to you. You know what. I hate you. I hate you for making me feel this kind of craziness towards you. When i first saw you, hindi ka na nawala sa isipan ko dahil para kang mantsa na hindi matanggal tanggal dito."itinuro niya ang ulo niya.

"Alam mo bang ginugulo mo na rin to." gigil niyang sabi sa akin habang nakaturo ang hintuturo niya sa puso niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, hindi ko mapigilan ang mabilis na pagpintig nitong puso ko.Naguumpisa na ang puso kong magtaksil sa sarili kong katawan.

"I hate you for making me insane. I hate you because you mesmerized me,i hate myself because of you,minsan hindi ko na kilala ang sarili ko, pagdating sayo may sariling utak ang katawan ko para gumawa ng mga bagay na hindi ko naman ginagawa dati. You change everything about me. Everything matters to me because it's you who change me without my permission." kapagkuway binitawan niya ang braso ko. What the heck is he saying?

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon