♤Chapter 29♤

1.8K 48 0
                                    

*Third Person's POV*

Dumaan ang maraming araw at naging linggo na mas lalong kinaguho ng mundo ni Johann. Wala siya sa wisyo para magaral at pumasok sa Cleistenntine dahil nasa gate palang siya ay nagfaflash na sa kanya ang muka ni Miracle na nakangiti sa kanya. Yes maayos na ang Cleistenntine pagkatapos ng pambobomba,hindi naman kasi ganon kalakas ang mg abomba pinasabog nila kaya hindi nawasak ang alin mang gusali.

He is totally wasted right now.

"Kung patuloy ka na magkukulong sa lungga mo patuloy mo lang din na pinapahirapan ang sarili mo,look at you now Johann...your priceless."saad ni Ocean sa kanya na hindi na niya pinagbalingan ng atensiyon. Wala siyang pakialam sa advice ng mga ito ngayon. Hindi siya nagkukulong sa lungga niya,tama ang sinabi nito kung nasa bahay lang siya patuloy niyang naiisip ang nangyari kay Mira kaya pumupunta siya sa Underground City at nanonood ng laban sa Underworld. Minsan na din siyang lumaban at lasing an lasing siya nun,wala siya sa tamang katinuan kaya natalo siya dahil ang pagikot lang ng buong mundo ang nararamdaman niya.

"Lumayas na kayo,wala akong balak na pumasok at wag niyo akong pilitin,wala ako sa mood."napabuntong hininga nalang ang mga kaibigan niya.

"Babalik nalang kami pag nasa mood ka na,tawagan mo nalang kami kapag pupunta ka ng Underground city at makikipaglaban sa underworld,don nalang ako hahanap ng chicks."si Dhane na kinindatan pa si Gomez sa tabi niya,sinupalpal naman ni Ocean ang muka ni Dhane.

"Balitaan ka nalang namin."sabi ni Dhane at parehas na iniwan na siya ng dalawa. Napailing nalang siya,anong klaseng balita anamn ang ibabalita ng mga yun wala ng nagbago sa bawat araw na lumipas. Ganon parin at lubog na lubog pa rin siya...gustuhin man niyang makita si Miracle hindi niya magagawa dahil alam niyang imposible yun.

Tumayo siya at umakyat sa kwaryo niya sa taas. Malaki ang pinatayo niyang bahay pero siya lang magisa,minsan kasi dito tumatambay ang mga kaibigan niya o ka gangmate narin kapag ayaw ng mga ito sa tahanan nila. He envy them...they all have their parents to lean on but how about him.
Sinisisi niya si Spring...palagi naman...dahil sa bawat pagkilos niya naalala niya ang pamilya niya at humahantong iyun sa kung paano pinatay ni Spring ang buong pamilya niya.

Bumuntong hininga nalang siya,pagkatapos niyang ayusin ang sarili niya at ibulsa ang 45 calibre niyang baril ay lumabas na siya ng kwarto.

Nagmaneho siya palayo ng bahay niya at tinahak ang kalsada patungo sa Underground City. Aaliwin lang naman niya ang sarili niya.

Pagkatapos niyang makapasok sa Underground City ay pinarada niya ang kotse niya sa parking lot sa likod ng gusali na pagaari ni Arhale Shin at malalaki ang mga hakbang na pumasok sa loob ng building.

Pinindot niya ang pulang botton sa elevator na naroroon.
Ilang segundo pa ay nagbukas na iyun at agad naman niyang siyang lumabas doon at tinahak ang nakitang pababang hagdan nang nasa baba na siya ay may isang malaking metal na pintuan.may green na ilaw ang nag ekspeksyon  sa buo niyang katawan mula ulo hanggang paa pagkatapos ay saka palang ito bumukas.

Hindi na siya nagalinlangan na pumasok doon at bumungad sa kanya ang mga hiyawan ng mga tao. Nasa taas siya at nasa baba naman ang ring kung saan nagaganap ang labanan. Isa itong malaking dome kung saan nagpupustahan ang mga tao sa kung sino man ang mananalo sa labanan na pinapanood nila. Ito ang Underworld.

Kinumos niya ang kamao niya,ipapanalo niya ang lahat ng laban niya ngayong araw.

Sa kalagitnaan ng sunod sunod na pagbati na natatangap nila Dhane at Ocean ay napabaling ang atensiyon nila sa dalawang tao na halos nakakasabay nilang maglakad.

"Hoy babae ka!hindi ka pumasok ng isang linggo!anong nangyari sayo,magkwento ka naman!"si Destiny iyun at kinalaki ng mga mata nilang dalawa ng makilala nila ang babaeng kausap nito.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon