♤Chapter 27♤

2K 46 0
                                    

*Third Person's POV*

Isang abandonadong malaking bahay ang bumungad sa kanila ng makarating sila sa address na naibigay ni Ramirez. Nakabukas ng napakalaki ang mataas na gate na parang winiwelcome na sila at masama ang kutob nila doon.

"Siguradong dito yung address na yun?"mas lalong hinigpitan ni Summer ang maskara niya,nararamdaman niya kasi ang mga kalaban sa paligid. Magaling magtago ang mga to pero may seventh sense ata siya.

"Im sure,dito itinuro ng lintek na blue dot nato."saad ni Autumn habang kinukulikot ang phone niya. Kahit anong mangyati hindi nawawala sa bulsa niya ang cellphone niya at marami pa siyang mga bagay na nireserba sa bulsa niya kulang nalang ay magpaimbento siya tulad ng bulsa ni Doraemon.

"Mukang marami sila..."they all nodded when Spring spoke. Nararamdaman nilang lahat yun at mukang konting galaw lang nila palayo ng sasakyang nasa likuran nila ay may sasabog na.
Walang nagtangkang gumalaw sa kanila dahil lahat sila ay nakikiramdam sa paligid. They all eyed at the quiet sorroundings.

Sakto naman ang pagdating ni Johann ng mapansin niya ang pamilyar na sasakyan ni Villanueva. Pinarada niya ang sasakyan niya sa kasunod ng sasakyan ng mga ito.
Inis niyang binalingan Ocean na nakaidlip sa tabi niya. Bakit pa kasi niya ito sinama,hindi nga pala niya ito sinama,ito ang namilit na sumama so he did not hesitate,he need someone to be with.

"Gomez nandito na tayo!"napabalikwas naman ito ng bangon.
Lumabas na siya ng sasakyan ng matagpuan niyang ang mga taong hindi gumagalaw at nakamasid sa paligid,he already know that those people are aware of their presence.

"Ano pang inaantay niyo dyan mga mare?!"gising nagising si Ocean. Kapagkuway lumingon ang mga ito sa kanila. Laking gulat niya ng makita ang apat na tao na nakamaskara kasama si Villanueva.Gomez also gasp surprisingly behind him.Ang Four Seasons...hindi siya makapaniwala. Nagtama ang mata nila ni Spring,nararamdaman na naman niya ang matinding galit para dito. Hindi niya akalain na buhay pa talaga ang babaeng malaki ang kasalanan sa kanya. He hated her to the core. Ang mga masasamang damo nga naman,mamatay man babalik at babalik parin.

Nagiwas na siya ng tingin at napatingin kay Aren.

He is here to save Miracle,hindi niya kakayanin na mawala ito sa kanya,not now...never.May panahon ang galit niya kay Spring pero wala siyang panahon para ngumanga dito at hindi makita si Mira.

"What are you still doing here."kalmado niyang saad,pilit niyang pinakalma ang sarili niya ng makaramdam siya ng kakaiba sa paligid. Parang konteng maling galaw lang niya may mangyayaring hindi maganda.

"Waiting for you i guess."sarkastikong saad ni Autumn. Ngayon na nandito ito at si Spring,hindi na alam ni Autumn kung ano ang posibleng mangyari,napangiti nalang siya,wala siyang magagawa kundi ang abangan ang susunod na mangyayari,pero mukang wala naman dahil sa muka pa lang ni Johann ay nakay Mira ang atensiyon nito ngayon.

"Tara na,Miracle need us."kalmadong saad ni Aren,hindi niya na kayang tagalan ang klase ng atmospera na meron sila. Miracle need him at kung magaaway man sila,wala na siya doon.
Ang mahalaga sa kanya ay makapasok sa loob ng abandonadong mansion.

Nauna siyang maglakad papasok ng gate pero ganon nalang ang pagkagulat niya ng hilain siya ni Spring.

"Bakit."tanong niya dito. Hindi siya nito sinagot kapagkuway ito ang nauna sa kanya.
Napansin ni Spring ang isang sinulid at hindi na siya nagdalawang isip na apakan yun. Ganon nalang ang pagkagulat nilang lahat ng may sumabog sa kung saan mang parte ng mansion.

"Senyales na nandito na tayo,so smart,tss."si Winter,akala naman ni Hirano hindi makikita ng matatalas nilang mata ang ganong klase ng sinulid sinong niloko niya. Pero pumasok sa isipan niya ang isang bagay. Mukang sinadya lang yun ni Hirano dahil alam niyang makikita naman nila yun. Napailing siya. Bigla nalang may nagliparanang shuriken sa ere at papunta iyun sa kanila. Dahil malakas ang mga pakiramdam nila ay eksperto naman nilang naiwasan ang mga yun,lalo na ang Four Seasons.
Napamura si Summer. Sumusugod sila sa laban na wala man lang silang dalang baril o kahit ano mang panlaban mabuti at nadala niya ang sarili niya.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon