♤Chapter 21♤

2.3K 48 1
                                    

*Third Person's POV*

"Ano may balita ka na sa kanya?"tanong niya sa babaeng nakasalamin at nakaharap sa computer nito. Marahan siyang naupo sa upuan na nasa harapan ng mesa nito.

Hindi ito nagangat ng tingin sa kanya at patuloy lang sa pindot ng keyboard. Sa bilis galaw ng kamay nito hindi na siya nagtangka na sundan ang mga letra na pinipindot nito.

"Hindi ko akalain na siya talaga yun."saad ng babae.

"You mean you really saw her tattoo?" Tumango lang ito sa kanya.

"Wala parin siyang pinagbago,siya nga talaga yun,her moves, the way she stands, her aura and all in all." natatawa nitong saad sa kanya. Malakas si Spring pero malakas din naman ang taong kaharap niya ngayon,kaya hindi na siya nagtaka kung paano nito nakita ang tattoo sa likod ni Spring.

"Paano nangyari yun,alam naman natin ang nangyari sa kanya? Well, we didn't saw what really happened that night, beside hindi na ako magtataka kung nakaligtas siya,she is Spring after all." ngiting ngiti niyang sabi. Nagangat naman ng tingin sa kanya ang kaharap niya,nawala ang ngiti niya sa labi nang binigyan siya nito ng nakamamatay na tingin. Pero natawa rin siya mayamaya dahil sa suot nitong salamin.

"Damn it!get out!wala na akong pakialam as long as si Spring yun." Anas nito sa kanya, napanguso naman siya. Ang bruhang to talaga hindi na siya napagpasensyahan kahit kailan. Napailing nalang siya at nagpeace sign then raise a middle finger. Inirapan lang naman siya nito at kapagkuway naumpisa na naman itong magtipa sa keyboard.

"Mukang naamoy ko ang binabalak niya,masyado talaga siyang matapang,pero di ko naman sinasabing duwag tayo sadyang nagaantay lang tayo ng tamang panahon."saad niya at nagdekwatro ng binti niya.

"Tingin mo ito na ang tamang panahon para magpakita sa kanya,tapusin na natin ang larong taguan na to nakakapagod din palang magtago,hindi na masaya, nahanap na nila tayo pero binibigyan nila tayo ng kunteng panahon,ibang klase talaga ang utak na mayroon ang Anthony Hirano na yun." Iiling iling niyang sabi,narinig niya ang pagbuntong hininga nito kasabay ng pagtigil nito sa kakapindot sa keyboard nito.

"Pagod narin ako,mukang gusto na ni Spring na tapusin ang lahat ng kalokohan ni Anthony kaya siya nagbalik,hindi na din niya natiis. F*ck Anthony in hell,ilan pa bang buhay ang sisirain niya,hindi pa siya nakuntento sa buhay natin na sinira niya. That piece of shit."

Napangiti siya ng mapait sa sinabi nito. Bigla nalang kasi niyang naalala ang nakaraan na ayaw na niyang balikan. Ang nakaraan kung bakit siya nabubuhay ng ganitong klase sa kasalukuyan.

"Alam na ng Calyptus gang kung sino ako."nanlaki ang mata niya sa sinabi nito.

"What."yun lang ang lumabas sa bibig niya. Ngumiti lang ang nasa harapan niya kapagkuway tinanggal nito ang suot na salamin at nilapag sa gilid ng keyboard at humarap sa kanya.

"Alam ko na pinapahanap tayo ni Arhale Shin sa kanila maging sa Sync gang kaya naman-"pinutol niya ang sasabihin nito,ngayon lang nagsink in sa utak niya.

"What the hell Summer! Bakit mo pinaalam kung sino ka? Edi hindi na magkakaroon ng thrill yun!mystery kung baga! How boring. I still wann play."saad niya.

Blangko lang siyang tiningnan ni Summer kaya nanahimik siya. Alam na niya ang nasa isipan nito. Malalaman din naman nila sa huli mas mabuti ng ipaalam na sa kanila ng maaga para di na mahirapan ang mga ito. Napailing nalang siya. Nagtataka siya kung ano ang laman ng isipan ni Summer. Naisip na niya kung paano ng mga ito nalaman ang tunay na katauhan ni Summer.

Tagacouncil din siya at nakita niya ang ginawa ni Summer habang nandoon si Ethan Park,akala niya hindi nito nakita ang tattoo sa batok ni Summer dahil nang matingnan niya yun parang walang nakita ang binata kaya binalewala nalang niya.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon