♤Chapter 39♤

2.1K 45 3
                                    

*Miracle's POV*

Pagtapak ko sa lupa ng Pilipinas ay nagbalik sa akin ang lahat ng mga mahahalagang alaala. Lalo na ng mga sandaling nakakasama ko si Johann. Parang may kumurot sa puso ko ng maalala ko siya.
Pinilig ko nalang ang ulo ko at sumakay sa sasakyan na na nasa harapan ko,actually its a taxi.

"Akala ko ba ipapasundo mo ako,baka nakakaistorbo ako sa pasada mo."

"Gusto mo bumaba at antayin ang driver na inutusan kong sumundo sayo na pinauwi ko na?"ang walangya,ganda ng pangwelcome.

"Hindi na kailangan,siguraduhin mo lang na hindi mo ako pagbabayarin ng luxurious mong presyo."kutungero pa man din to.

"Yun nga sana ang plano ko."
Dahil nasa likod ako naupo ay nagawa kong tadyakan ang likod ng upuan niya,wala lang naman sa kanya.

"Umuwi na tayo sa bahay mo."saad ko.

"What."

"Walang pwedeng makaalam na nandito na ako kaya sa bahay mo muna ako tutuloy,we worked together right at may ipapagawa pa ako sayo. Wag kang mag-alala wala ako sa wisyo para gahasain ka."napabungisngis ako,pero natigil ang kasiyahan ko ng bigla niyang paandarin ang sasakyan. Litsi ang lalaking to,walang tungol!

"Bawal ka rin bang maghotel?"siya.
Sinamaan ko siya ng tingin at umayos ng upo.

"Bawal kaya sa bahay mo muna ako lulungga."

"Tss. Ano pa nga ba."

"Bakit parang hindi ako welcome sa bahay mo."asar kong sabi sa kanya.
Pero hindi na siya umimik. Nagkibit balikat nalang ako at sumandal sa upuan at tiningnan nalang ang bawat lugar na madaanan namin. Kung magsasalita pa siya magiingay lang kami,mukang ayaw niyang marinig ang ingay ako. Haha.

Nang makarating na kami pinagbuksan niya ako ng pintuan ng apartment niya.
Maliit ito sa inaasahan ko at halata ngang isang tao lang ang kasya dito,pero kumpleto naman lahat.
Ginala ko ang mga mata ko sa paligid. Magaling. Ang linis niya hindi siya katulad ng ibang lalaki.
Umupo ako sa maliit niyang sofa na nasa gilid lang.

"Anong gusto mo. Tubig o tubig."wala lang na tanong niya.

"Magkaiba ba yan."i said sarcastically at sumandal nalang.

"Hindi,mainit at malamig yun."napairap nalang ako.

"Sinong honghang ang papainumin ng mainit na tubig ang bisita niya?"

"Ako depende sa pipiliin."

Kinagabihan ay kumain kami, seryoso. Tuyo ang ulam na isinawsaw sa suka. Nakakamay pa siya at ako itong gumaya nalang din sa kanya,ayaw kong maging loner.
Nagagawa niya ang lahat para lang sa gadget niya,para sa mga tracking device,magbayad ng tao na kayang gawin ang gusto niya and whatsoever. Pero tuyo ang ulam niya!

"Mabuti at nabubuhay ka pa ano?"ako sabay sawsaw ng kinurot na tuyo sa suka na nasa maliit na platito.

"Hindi naman nakamamatay ang pagkain ng tuyo. Bukas nga pala bagoong ang ulam natin."
Seryoso niyang sabi. Napamaang ako.

"Seriously man?"

"Yes. Tipid ako dahil marami akong nagastos ng dahil sayo,ang dami kaya ng bansang pinuntahan mo."

"Dahil ayaw kitang kumain ng tuyo habang buhay babayaran kita."tatango tango kong sabi sa kanya ,kahit hindi halata ay nagningning ang mga mata niya.

"Triplehin mo na."nabilaukan ako sa sinabi niya. Hindi ako nagtatae ng pera at mas lalong hindi ako bangko!

Nakatulugan ko si Chance kinagabihan kaya kinabukasan hinanap ko ang asungot. Ako kasi ang natulog sa kwarto niya maliit lang naman ang kama at wala siya sa sahig kaya naisipan kong nasa sofa siya natulog dito sa labas ng kwarto.
Hindi nga ako nagkamali,nadatnan ko siyang tulog na tulog sa sofa. Nasa maliit na mesa sa tabi niya ang loptop niya.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon