♤Chapter 35♤

1.8K 46 0
                                    

*Miracle's POV*

Pagulong gulong na ako sa kama hindi parin ako makatulog.
Hanggang sa nahulog na ako sa sahig. Pagapang kong inakyat ang kama ko at tumiya doon. Pinatay ko ang lampshade baka sakaling makatulog na ako,pero hindi parin. Kaya kahit madilim ay nakatingin lang ako sa ceiling.

Pumunta si Lim kanina para personal na ipaalam ang nangyari sa kanila,hindi daw ako macontact,sira ang phone ko e. Syempre nagpabayad yun,wais yun eh masyadong mahal ang serbisyo.

Ginamit ni Anthony Hirano ang galamay niya sa Underground City. Nagagawa niya talaga ang lahat dahil may pera siya nawalan man siya ng kamay nagkakaroon parin siya ng mga galamay.
Ginamit ni Hirano si Mr. Blue at ang mga tauhan nito para kalabanin si Autumn na nagtamo ng matinding sakit ng katawan at sugat likuran. Sa madaling salita nasaksak na nga siya nabaril pa. Sa dami ba naman ng underlings ni Mr. Blue...

Si Summer naman ay si Violet ang nakalaban,kakambal ni Purple. Malakas ang lalaking yun kahit hindi niya ipahalata at mukang seryoso sila na makipaglaban ngayon. Noon daw na may naganap na labanan sa pagitan ng colorcoded at sa Four Seasons at si Lane pa ang nagpapanggap na ako ay hindi daw sineryoso ng Colorcoded ang labanan na yun ganon din naman daw sila sabi ni Lane. Hays!inilabas nila ang tunay nilang lakas para kalabanin kami at alisin kami sa mundo.

But unfortunately...nanalo daw si Summer.

Hindi nagtagumpay si Hirano at hinding hindi siya magtatagumpay. Marami pang alphabet kaya sure akong marami pa siyang plano mapuksa lang kami,pero mukang ako ang inuuna niya sa ngayon,tss!

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang dalawin ako ng antok.

Tahimik at pasimple akong nagaabang na may lumabas na Ramirez galing sa parking lot. I want to see him before the day ends. Yeah...kahit ipagtabuyan niya ako mga men.
Nasasaktan ako pero mas masakit ang tuluyan ng lumayo sa kanya.

"Fuck!dont touch-FUCK!its hurt!do not--fuck!...?"
Napalingon ako sa pinanggalingan nun. When i saw them hurting each other. Nagpipindutan sila ng mga sugat nila.

What the heck?

Habang palapit sila ng palapit ay nakikita ko na ng malinaw ang mga galos nila at pasa sa muka. Ganon sila napuruhan?

"Sabihin niyo nga sa akin?lumaban ba kayo o sadyang nagpabogbog?"taka kong tanong sa kanila.
Huminto sila sa tapat ko at nakitang kong nagiba ang mga awra nila.

"Minsan kailangan ring isipin ng kalaban mo na mahina ka at malakas sila."seryosong saad ni Destiny.

"Para sa ganon ay maging mas simple lang ang maging plano ni Hirano laban sa atin."ako lang ba o kumislap talaga ng kakaiba ang mata ni Faith.

"Hmm...mukang nanalo naman kayo."i smile at them. They just nod.

"How can you smile like that everyday even though you were having a big problem that cause your heart a trouble?"si Dest.
Nagkibit balikat lang ako. Because i need to,kahit na sabihin nilang hindi ako affected,my hearts suffers even more day by day when i saw him hated me even more...

"Gusto niyong umiyak nalang ako at magluksa?"umiling ako"hindi makakatulong yun para magkaroon ako ng lakas ng loob na harapin siya."

"Well...layas na kami,nandyan na siya."si Destiny na mabilis na hinila si Faith paalis.

"Pakshit!masakit!"sigaw ni Allison.

Napalingon ako sa deriksiyon kung saan ko siya inaabangan.
Naglalakad siya papunta sa deriksiyon ko at deritso ang tingin. Parang hindi ako nageexist sa mundo niya. Inaasahan ko na yan,pero kahit papaano ay nasasaktan parin ako.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon