♤Chapter 27♤

Magsimula sa umpisa
                                    

"The heck!"nauna ng pumasok sa loob ang iba at nagpaiwan sila Autumn at Ocean para harapin ang mga kalaban na nagtatago lang sa paligid.

Luminga linga silang dalawa sa paligid at ganon nalang ang pagkagulat ni Ocean at tumili pa ito ng may mga pana na nagsiliparan papunta sa kanila.
Imbes na tumakbo ay nagtago siya sa likuran ni Autumn.

Nainis si Autumn at malakasang sinipa ang bakla sa tabi agad naman siyang gumulong sa lupa para lang maiwasan ang mga palasong sunod sunod ang bagsak kada gulong niya.

Pinagpagan niya ang sarili ng makatayo na siya. Sinubukan niyang tukuyin kung saan nanggagaling ang mga yun pero hindi niya nagawa ng magsilabasan ang mga assassins lahat ay nababalot sa kulay itim na tela.

Pinalibutan sila ng mga yun,inis na tumayo si Ocean at pumunta sa likuran ni Autumn tumalikod siya rito. Hinanda na niya ang sarili niya para lumaban.

"Damn this,wala man lang ako sandata!"
Autumn blurted.

Tuluyan na silang napalibutan ng mga kalaban at handa na ang mga katana ng mga ito na gutay gutayin ang mga laman nila.
Isa isang sumugod ang mga ito sa kanila,dahil parehas silang walang dalang mga sandata ay lalabanan nalang nila ito ng hindi patas,kamay laban sa katana.Ocean has only one gun at kailangan niyang ireserve iyun.

Tinuhod ni Spring ang kalaban niya  sa maselang bahagi ng katawan nito at mabilis na hinawakan ang braso nito at itinapon sa isang kalaban na susugod dapat kay Winter na nakatayo lang sa likuran nilang lahat,kinuha niya ang katana na nasa sahig at masayang iwinasiwas iyun at sinugod ang mga kalaban nila wala silang panahon para magtagal dito. Alam niyang tuso si Anthony Hirano kaya posibleng may surpresa na naman ito sa kanila.

Habang nakikipaglaban siya hindi niya maiwasang mapasulyap kay Spring na kahit hindi niya nakikita ang muka nito ay alam niyang nasasayahan ito sa ginagawa nito,every slash of her katana...Johann saw a glint of enjoyment her eyes.
Pinabagsak na niya ang huli niyang kalaban,binali niya ang leeg nito.

Wala na silang makitang kalaban sa paligid at lahat na ay bagsak sa sahig.

"Fuck you Winter!hindi ka man lang tumulong sa amin,kumikirot na ang paa ko!"sigaw ni Summer pero wala lang yun kay Winter ay sinipa ang katabing vase nito.

Napamura ng malakas si Aren ng may sumabog sa bandang kusina.
"Bakit mo ginawa yun gonggong!"inis na baling niya kay Winter.
Kapag patuloy na may sumabog dito sa loob ay posibleng masabugan ang alin man sa pinagtataguan ng kalaban kay Miracle.

"Pinapaalam ko lang na kailangan nating maging mas maingat."saad ni Winter sa kanila.

Nagpasya silang maghiwa hiwalay para halughuhin ang buong mansion sa lawak ba naman nito mauubusan na sila ng oras at para mas mapadali pa ang trabaho nila.

"Ano kayang balak ni Hirano napagtipon tipon niya tayo ng hindi inaasahan."si Spring habang tumatakbo sila ni Aren sa isang mahabang pasilyo.

"Hindi maganda ang kutob ko,kahit anong mangyari wag na wag mong tatanggalin ang maskara mo na yan,hindi nila pwedeng malaman kung sino ka talaga."si Aren.

"Hindi mo na kailangan pang sabihin yan,kahit na mukang alam ni Hirano ang katutuhanan pinaglalaruan niya lang niya tayo."

Parehas silang napahinto ng may tatlong assassin ang nakaharang sa mahabang pasilyo at tinutukan silang dalawa ng mahahaba nitong mga baril.

"Shit!"bulalas nilang dalawa ng iputok ng mga ito ng sunod sunod ang baril,laking pasalamat nila ng may magkatapat na pintuan sa bawat gilid nila at agad silang pumasok doon,sa kaliwa si Aren at sa kanan naman si Spring.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon