♤Chapter 20♤

Magsimula sa umpisa
                                    

Naguguluhan ako sa pinagsasabi niya ngayon sa akin. I dont care if everyone here is looking at us,wala ako sa sarili ko dahil sa mga salitang binitawan niya sa akin.

"Johann." I called him.

"Nabaliw ako kakaisip nung nagumpisa kang iwasan ako,malay ko ba kung bakit ganon ang epekto mo sa akin,kung ayaw mo na akong makita its okay then."

"Bakit mo sinasabi sa akin ang mga bagay na yan."taka kong tanong.

"Because i hate you."

"Huh."banas siyang napatingin sa akin. I know how it hurt to be hated by him,pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Is he confessing right now. No he's not,i think.

"Walang epekto sayo ang ginawa ko at sobra ata ang naging epekto nun sa akin." iiling iling na sabi niya.

Tumalikod na siya at naglakad paalis. Hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi yun,naguguluhan ako,pati narin sa sarili ko. Nakakunot lang ang noo ko habang pinagmamasdan ang likuran niya na papalayo sa akin.

"The feeling is mutual Ramirez."
I hate you too for making me feel this way.

Wala sa sarili akong nakatingin sa labas ng bintana sa dinaraanan namin. Iniisip ko parin ang mga sinabi ni Johann kanina. Ngayon naiintindihan ko na siya. Napailing nalang ako. Hindi ko inaasahan yun.

Pinagmamasdan ba ako ng mokong na yun para lang mahulog siya sa akin ng ganon ganon nalang. Hindi tuloy maiwasang mapangiti. Kung may paunahan man pagdating sa ganitong pakiramdam,mukang ako ata ang nauna. I admit that when i first saw him at the library nagawa na niyang patibukin agad ang puso ko at nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa buong katauhan ko.

Sigh...i cant believe it,he just confessed his feelings of hate towards me.

Sa lalim ng iniisip ko hindi ko man lang napansin na sobrang tahimik ni Aren na siyang nagmamaneho at ni Yrah na nasa tabi nito. Napakunot ang noo ko sa kanilang dalawa. Kadalasan kapag nagkakatabi ang dalawang yan nagaaway sila pero anong nangyari sa kanilang dalawa ngayon.

Nakarating nalang kami sa bahay wala parin silang imik.

"May problema ba kayong dalawa,pagusapan niyo na yan,baka pati ako pumanis din ang laway." imbes na pansinin nila ako parehas silang walang imik at magkasunod na umakyat sa taas.
Nagkibit balikat nalang ako at binagsak ang sarili sa sofa.

Habang nakatingin ako sa kawalan ay naalala ko ang kwentas ko. Mukang wala na talaga akong pagasa na mahanap yun. Napahawak ako sa dibdib ko wala akong makapa at sadyang nakakapanibago lang.
Saglit akong nanatili sa posisyon na yun ng may matanggap ako message. Tiningnan ko rin naman agad yun at binasa.

Pahiram ng notes mo ah!"

Napailing ako ng mabasa ko ang mensahe ni Dest.
Walangya kasi hindi pumasok ang bruhang yun. Ni replyan ko siya.

'Wala akong maipapahiram sayo.'

At pinatay ko na ang cellphone ko. Wala ako sa wisyo kanina kaya wala akong napala,wala akong notes na nasulat at wala akong pinakinggan na kahit isang subject man lang. Lumulutang ang isipan ko dahil kay Johann kanina.

Akmang kakatok na sana ako sa kwarto ni Yrah ng may marinig akong mahinang ingay mula sa kwarto ni Aren. Kaharap yun ng kwarto ni Yrah na katabi naman ng sa akin. Kakausapin ko sana sila pero mukang naguusap naman na sila ngayon.
Dahil ako si dakilang tsismosa ay inilapat ko ang tenga ko sa pintuan.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ginawa ko lang yun dahil nakiusap siya sa akin!"boses iyun ni Yrah.

"Wala kang karapatan na gawin yun kahit na alam mong hindi naman niya sasaktan si Mira!siya yun Yrah!siya yun!kakamulat lang niya at ngayon heto na naman siya at itataya ang buhay niya,kaya naman nating protektahan siya bakit niya pa ginagawa yun!"si Aren,mas nacurios ako lalo nung marinig ko ang pangalan ko. At sinong siya.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon