EPILOGUE

23.5K 432 76
  • Dedicated kay SMFF/AMLIFY Lovers
                                    

EPILOGUE

Nang malaman kong nakatakda pala akong ikasal sa taong hindi ko naman kilala, halos mawindang ako noon.

Kaya naman nakapagdesisyon ako na itago ang totoo kong identity. Nagpanggap bilang ibang tao at iniba rin ang itsura.

Sino bang magaakalang matatagpuan ko ang tunay na pag-ibig kahit sa ganung itsura at estado sa buhay?

Nang makita ko ang kayabangan niya, akala ko ganun na talaga siya, pero hindi pala. Mas mabait pa siya kaysa sa inaakala ko.

Ako tuloy itong napamahal sa kanya ng hindi oras. Akala ko, hindi niya ako gusto at hindi niya ako matututunang mahalin.

Lumayo siya dahil sa akala niyang si Jake ang mahal ko. Nasaktan kami pareho nang hindi namin nalalaman.

Knowing the truth and our real feelings. Pareho kaming naging masaya. Mas masaya pa kaysa sa inaakala namin. Akala nga namin, hindi na matatapos ang kasiyahan na iyon.

Pero there comes the trouble. Inakala naming patay na siya, pero hindi pa pala. May mga tao lang palang gustong sirain ang buhay namin.

Thank God at hindi sila nagtagumpay. Thank God at nagbago sila bago pa mahuli ang lahat.

And now, look at us. Isa na kaming masayang pamilya with our son, Zac Canice Young Suarez.

May mga pagsubok pang darating, alam namin iyan. Lagi kaming handa para diyan.

Pero alam naming makakayanan namin ang lahat ng parating na iyan, basta magkasama kami. Hinding hindi kami maghihiwalay. Magmamahalan habang buhay.

"Mhie, pangiti-ngiti ka nanaman diyan." seryosong sabi sa akin ni dhie

"Masaya lang ako. Sobrang saya talaga dhie." sabi ko habang todo ngiti

Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang kaliwa kong pisngi.

"Sobrang masaya rin ako, dahil sayo at sa anak nating si Zac." nakangiting sabi ni dhie

Pareho naming hindi inaalis ang pagtitig sa isa't isa. Pareho pa kaming nangingiti.

"Camille Young Suarez, mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita Gabriel Suarez. ALL MY LOVE IS FOR YOU."

**

"Everlasting love is something that you cannot see. If you just believe in it, it will surely exist." -- GABRIEL SUAREZ

"There's something about love that will make you go crazy. That is the feeling of happiness you share together with the one you really love." -- CAMILLE YOUNG SUAREZ

++++++++++++++++++

AUTHOR's NOTE:

Tada! Gusto kong iparating sa lahat ang aking taos pusong pasasalamat sa walang sawang pagtutok sa story na ito. Simula sa SPYING MY FUTURE FIANCE hanggang dito sa ALL MY LOVE IS FOR YOU.

Maraming salamat sa pagsabay sa iyakan, tawanan, at kiligan moments nina Suarez at Camille. Maraming salamat po sa inyong lahat. *bow*

ALL MY LOVE IS FOR YOU. THE END. :)

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon