LOVE 47: HIDING THE TRUTH

19.5K 327 29
                                    

LOVE 47: HIDING THE TRUTH

 

CAMILLE's POV

 

Akala ko okay na ang lahat. Akala ko maayos na at wala ng mangyayari, pero heto nanaman pala.

"Dhie! Tulungan niyo kami! Dhie please gumising ka!" sigaw ko habang hawak ang kamay niya

"Tulungan niyo kami! Gumising ka naman!" takot na takot na ako at hindi ko na malaman kung anung dapat gawin

Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kanya. Kasabay nun ang mahinang pagtawa niya.

"Akala mo ba seryoso na?" tanong niya sa akin habang yakap ako

Para lang akong ewan na nakatitig sa kanya habang paupo siya.

"Loko ka! Nahiga ka pa diyan sa maduming daan para lang pagtripan ako!"

"E kasi naman mhie, gusto kong malaman mo na hanggang kamatayan, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko." sabi niya habang nakaupo na at pisil sa magkabila kong pisngi

Tinignan ko lang siya ng masama. Ang lakas kasi talaga ng trip niya. Nakakainis ang loko.

"I hate you! I hate you!" sabi ko sabay hampas sa dibdib at braso niya

"Makatsansing ka naman diyan mhie." natatawa niyang sabi sa akin sabay hawi ng buhok kong tumatakip na sa mukha ko

"Muntik na akong maiyak. Baliw ka."

Ngumiti lang siya at tinitigan ako sa mga mata.

"You are very precious to me. Sigh. You are really irresistable."

Hindi na ba talaga maaalis ang kilig na nararamdaman ko tuwing napakaseryoso niyang nakatingin ng ganyan sa akin tapos sasabayan ng mga matatamis na salitang ramdam na ramdam mong totoo.

"Kinikilig ka noh?" panunukso niya sa akin habang humahawak siya sa ulo niya

"Tse! Ewan!" sigaw ko sa kanya sabay tayo na

Naglakad na ako palayo sa kanya. Arteng nagtatampo dahil sa trip niya.

"Stop!" sigaw niyang nakapagpahinto naman talaga sa akin

Tinignan ko siya at para siyang ewan kung makangiti.

"Iiwan na kita. I hate you!" sigaw ko sabay talikod at lakad na ulit "Dhie! Ibaba mo nga ako!"

Pasaway talaga ito! Tama bang bigla nalang niya akong buhatin pagkatapos niya akong pagtripan?

"Dhie! Ibaba mo ko! Pasaway ka talaga! Nakakainis na!" sigaw ko sabay hampas pa sa kanya

"Huwag ka ngang malikot. Halikan pa kita diyan, gusto mo?" makasmirk talaga ito

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon