LOVE 21: WHO's THAT GUY?

18.8K 287 23
                                    

LOVE 21: WHO's THAT GUY?

 

CAMILLE's POV

"Ate, sige na please? Pakisagutan naman ito." kanina pa ako kinukulit nitong si Argie. 3rd year college na siya pero ewan ko ba dito at nagpapasagot pa ng slamnotes.

"Argie naman, kanina mo pa kinukulit si Ate Camille. Hindi mo ba nakikita na may ginagawa siya?" si Megumi naman yan na kanina pa hinihila paalis itong bestfriend niya

"Saglit lang naman kasi Megumi. Wag kang magulo." sabi ni Argie na bumalik nanaman sa pangungulit sa akin "Ate, sige na naman oh."

"Hoy bessy, sagutan mo na kasi yan. Tingnan mo, tinigilan niya na ako nung sinagutan ko na." sabi ni Chelsea habang nagsketch dito ng dress design niya

Napatingin naman ako kay Argie at ayan nakapout na siya "Please Ate?"

"Fine. Bring it on."

"Yehey!" with matching raised hands pa ni Argie

"Kulit mo naman kasi." sita naman sa kanya ni Megumi

"Game na. What is your full name?"

"Argie naman, diba Camille Young?" sagot ni Megumi. Kahit pala si Megumi nalang ang sumagot para sa akin, okay na.

"Hindi ikaw tinatanong ko. Manahimik ka okay?" sabi ni Argie sa kaibigan with matching zip mouth pa "Ate, birthday?"

"March 24."

"Oh nice. Hobbies?"

"Fashion designing, watching animes, and korean dramas."

"Wow Ate! Magkakasundo talaga tayo sa korean dramas. Ito magandang tanong, what is love?"

Napaisip naman ako bigla sa tanong niya na yun "Love is the most undescribable feeling."

"Sabagay, tama ka dyan Ate. Who is your first love?"

Napatingin naman ako sa kanya at napangiti "Seryosong tanong talaga yan? Haha"

"Hoy Argie! Tigilan mo na yan." sabay hila nanaman ni Megumi kay Argie

"Anu ba kasi Megumi?! Wala naman masama sa tanong na yun."

Hinila ni Megumi si Argie at mukhang may ibinulong "Oh? Sorry Ate. Hindi ko alam." sabay yuko ni Argie

"Wala yun noh. Wala naman masama kung malaman niyo. First love and last love ko si Gabriel Suarez."

Napatingin naman silang dalawa sa akin "Sabi ko sayo Megumi, ayos lang." sabi ni Argie na nakangiting sinusulat na yung sagot ko

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon