LOVE 6: WHO's JEALOUS NOW?

22.5K 360 9
                                    

LOVE 6: WHO's JEALOUS NOW?

CAMILLE's POV

Good morning! ^__^ Maaga ang gising ko ngayon dahil 1st day ng college life ko. 11am ang pasok namin, 11-12pm lang yun. Nakakatamd din pumasok pag 1 hour lang noh? Tapos vacant nanaman. Ang masaklap pa, hindi ko makakasabay si dhie dahil 1pm pa ang 1st class niya. ( _ _)

Hindi na ako kumain ng almusal dahil mamaya maglunch na rin naman ako.

"Mom, aalis na po ako. Sa school nalang po ako kakain."

"O sige, ingat ka. Okay? Goodluck sa 1st day." sabay hug sa akin ni Mom

Agad na akong lumabas para makapasok na sa school. Mahirap ng malate.

"What took you so long?" eh? Nagulat naman ako sa boses ni dhie. Nandito siya ngayon at nakasandal sa kotse niya.

"Anung ginagawa mo dito?"

"Isn't it obvious na sinusundo ang fiancee ko?"

"Pero mamaya pang 1pm ang pasok diba?"

"Yes, masama bang maagang pumunta sa school." sabi niya habang palapit sa akin. Nang makalapit na siya bigla niya nalang akong hinalikan sa labi. One quick kiss. "Good morning mhie." then he smiled

"Good morning din dhie." I told him while smiling

"Let's go. May ibibigay pa ako sayo." sabi niya sabay hawak sa kamay ko tsaka niya na rin ako pinagbuksan ng pinto ng kotse niya

"Anung ibibigay mo?" tanong ko sa kanya ng makaupo na siya driver's seat

"Here." sabay abot niya sa akin ng lunchbox

"Wow! May almusal pala ako. Tama lang palang di na ako nag almusal." pinagluto niya nanaman ako ng almusal. How sweet! ^__^

"Sabi ko na nga ba at hindi ka nanaman nagalmusal."

"Hehe sinasadya ko yun para makain ko pa ang mga niluluto mo para sa akin."

"Palusot ka nanaman. Sige na, kumain ka na muna niyan bago tayo umalis." kaya heto kumain na muna kami. Syempre sinusubuan ko din siya.

After kong mag almusal sa kotse niya. Nagdrive na rin siya papuntang Greeners University.

Obviously, Fashion Designing ang course ko at sigurado akong kaklase ko dyan si Bessy Chelsea.

Pagdating sa Greeners, dumiretsyo na kami ni dhie sa department building namin.

Ayoko na sanang isama dito si dhie lalo na at halos girls ang mga nandito. Pinagtitinginan nanaman tuloy siya. Kaya eto todo holding hands ako sa kanya.

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon