LOVE 35: MAIN REASONS

18.5K 300 50
                                    

LOVE 35: MAIN REASONS

 

GELO's POV (or should I say) SUAREZ' POV

They don't know how much it kills me inside seeing my fiancee with my bestfriend, who's now officially courting her. Damn this feeling!

"Sh*t! Damn!" sigaw ko. Alam kong kahit anung pagsigaw ko, hinding hindi mababawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Tumutulo na ang dugo mula sa kamao ko, pero hindi ko nararamdaman ang sakit na dulot nun. Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay mas higit pa sa sugat na ito.

"Gabriel, what I mean is Gelo. Sh*t naman! Bakit kasi nalaman ko pa ito?! Aish!" asar na sabi ni Jonas na masamang nakatingin sa akin. Yes, he knew it. Nalaman niya ng hindi sinasadya.

"You should stop this! Ayusin mo ang sarili mo! Huwag mo sanang kalimutan na ikaw ang nagsabi sa akin ng mga consequences na pwedeng mangyari kapag may nakaalam pang buhay ka. Sasabihin ko nalang sa kanila na sinabihan mo kong may gagawin ka pang mahalagang bagay." sabi niya pagkatapos ay umalis na

Alam kong nahihirapan din siya na itago ang nalalaman niya lalo na at malapit sa kanya si Camille. Sigh! It was a wrong move. Hindi ko naisip na pwedeng makita niya kami nung gabing yun.

* flashback*

After I kissed my fiancee, she fainted. Ipapasok ko na sana siya sa kotse ko nang biglang may humawak ng mahigpit sa wrist ko. Nagulat nalang ako na nasa harapan na pala namin si Jonas. Gulat din siyang nakatingin sa akin.

"What is this?" tanong niya na may diin sa boses

"Ihahatid ko na sana siya."

"Hindi ito! G*go!" kasabay nung mga salitang yun ang malakas na suntok "Anu to Gelo ha?! Narinig ko mga sinabi mo sa kanya!" hinawakan niya ang mga kwelyo ko at nanggagalaiti siya sa galit

"Magpapaliwanag ako." sabi ko sa kanya pero ayaw niya pa rin akong bitawan

"Magpapaliwanag? Ipapaliwanag mo ba sa akin ang panloloko mo sa aming lahat? Nagpapanggap ka bilang ibang tao! Sira ba talaga ang ulo mo?! Paano mo nagagawang nakikitang nasasaktan siya!"

"Wala kang alam!" sigaw ko tsaka ko siya itinulak ng malakas. Sino ba siya para pagsabihan ako? Wala siyang alam!

"Sige! Ano ha? Anung klaseng kag*guhan ito?!"

"Oo Jonas! Buhay ako! Ako nga si Gabriel Suarez! Pero hindi ko ginustong itago yun sa lahat, alam ng Diyos na kahit kailan hindi ko ginustong masaktan ang mga taong mahal ko!"

"Talaga lang ha?"

"Naaksidente ako. Yung taong nakabangga sa akin at sa sinasakyan kong motor, si Megumi Kawazaki, ang babaeng kailangan kong ituring na girlfriend."

"Siraulo ka na talaga! Kung siya ang nakabundol sayo, bakit ngayon girlfriend mo siya? Anung kalokohan yun?!"

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon