LOVE 17: SADNESS

16.8K 269 16
                                    

LOVE 17: SADNESS

 

GABRIELLA's POV

 

Dito ako natulog sa kwarto ni Gabriel. Ang hirap tanggapin na isang linggo na siyang nawawala. Anu ba naman tong nangyayari ngayon?

"Sweety, gising ka na ba?" hindi ako iniwan ni Nicolai simula nang araw ng aksidente

Tumayo ako at tinignan siya, alam kong nalulungkot din si Nicolai dahil sa nangyari.

"Sweety naman, tama na yan kakaiyak mo."

Napahawak naman ako sa pisngi ko at nagumpisa nanaman pala akong lumuha.

Nilapitan ako ni Nicolai at niyakap "Sweety, tama na ang pagiyak."

"Paano naman ako hihinto? Namimiss ko na ang siraulo kong kapatid."

"Alam ko yun, tara na sa baba at kanina ka pa hinihintay ng parents mo." yes, umuwi si Mom at Dad the day after the accident. Umuwi rin ang grandparents ni Camille.

Bumaba na kami sa living room para kausapin sina Mom at Dad. Si Mom, halos hindi niya matanggap na hanggang ngayon nawawala pa rin ang bunso niya. Kung ako nga na Ate nagkakaganito, paano pa kaya sina Mom at Dad? Ganun din si Camille. Sigh.

"Isang linggo na siyang nawawala." paumpisa ni Dad "Hindi pa rin naman tayo susuko sa paghahanap sa kanya, pero tama yatang magoffer tayo ng dasal para sa kanya."

"Hindi talaga tayo dapat susuko. I know that Gabriel is still alive." sabi ko sa kanila

Bigla nanamang umiyak si Mom, kaya naman niyakap siya ni Dad. Nakakainis naman kasi tong si Gabriel, bakit ba hanggang ngayon hindi pa rin siya makita? Bakit hindi pa rin siya bumabalik?

"My son! God! Where is he?" mas lumakas na ang pagiyak ni Mom. I know how much it hurts for her.

After naming pagusapan ang tungkol dun, nagpunta na kami sa church kung saan nagpaoffer ng mass sina Dad para kay Gabriel.

"You okay?" tanong ulit sa akin ni Nicolai sabay abot ng mineral water "Uminom ka muna."

"Thanks sweety. I'm goin to be fine. Kailangan kong mapakita na strong ako, para naman maging strong din si Dad at lalo na si Mom. Sira talaga ang ulo ng Gabriel na yun! Pag nakita na siya humanda talaga siya sa akin."

Napangiti naman si Nicolai sa sinabi ko na yun "That's my girlfriend. Pumapanget ka pag umiiyak."

Napatingin naman si Nicolai sa likuran namin, tumingin din naman ako at nakita ko ang mga bagong kaibigan ni Gabriel. I stood up at lumapit sa kanila.

"Ate Gabriella, kamusta na po?" tanong nitong si Chelsea na alam kong nakakarelate sa nararamdaman namin ngayon at lalo na sa nararamdaman ng bestfriend niyang si Camille

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon