LOVE 22: SEEING HIM AGAIN

17.5K 287 28
                                    

LOVE 22: SEEING HIM AGAIN

 

CAMILLE's POV

"Bessy naman, kanina ka pa ganyan diyan." sita sa akin ni Chelsea dahil wala na akong ginawa kundi isipin kung sino yung lalaking nakita ko

Iniisip ko rin kung totoo nga ba ang nakita ko na kamukha niya si Suarez o namalikmata lang ako dahil iniisip ko ng mga oras na yun si Suarez. Sigh!

"Bessy naman!" sigaw ni Chelsea na nakapagpaagaw ng atensyon ko

"Anu?"

"Anung anu? Iniisip mo pa rin ba yun? Bessy naman, namalikmata ka lang dun. Napakaimposibleng may kamukha si Suarez at mas napakaimposibleng siya yun dahil patay na siya, magdadalawang taon na siyang patay." sabi sa akin ni Chelsea

Siguro nga tama siya na namalikmata lang ako dahil imposible nga talaga yun.

"Natauhan ka na ba? Kung natauhan ka na, tulungan mo na ako dito."

"Okay bessy. Ito na nga tutulong na. Siguro nga tama ka na namalikmata lang ako." sabi ko tsaka na tumulong sa kanya sa paggugupit ng mga tela dito

Maya-maya lang, natapos na namin tong gawain namin at kinailangan naming dalhin tong isang dress na natapos namin sa club room namin. Yes, may club kami at si Chelsea ang president, ako naman ang vice president nun.

"Dahan-dahan tayo, hindi pwedeng masira to." sabi ni Chelsea habang pababa kami na magkabilang dulo ang paghawak sa dress

Nang makarating na kami sa club, halos maexcite naman ang mga members namin nang makitang nakatapos na kami ng isang dress.

Dahan-dahan namin inilagay yung sa katawan ng manequin para hindi na masira pa.

"Wow Ate! Ang ganda!" sabi ni Megumi pagkakita sa dress

"The best talaga kayo mga Ate!" sabi naman ni Argie

After sa club room namin, nagdecide muna kaming kumain ni Chelsea together with Argie and Megumi. May klase pa kasi ang iba naming kaibigan.

"Nakakastress talaga ang fashion week!" sabi ni Chelsea habang kumakain

"Kagustuhan mong maging president eh. Hehe" biro ko sa kanya

"Tss. Kasi naman, kasalanan mo rin kaya ito, kung ikaw ang humabol ng president edi sana hindi ganito kahirap ang trabaho ko."

"Ate Chels, kung kailangang mo ng kapalit, pwedeng pwede ako!" sabi naman nitong si Argie

"Last term ko na rin naman ito, kaya pagsisikapan ko nalang na matapos." sagot naman ni Chelsea na sige pa rin sa pagkain

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon